CHAPTER 7

1170 Words
Nang makapasok sa unit ni Rosie ay agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa buong kuwarto. It was neat and clean. Mukhang nakapaglinis ang dalaga. "Your place is clean, I like it," komento ni Marco dahilan para matawa si Rosie. "Ngayon lang 'yan malinis. Alam mo na, sa sobrang desperadang makalimot, kung anu-ano ang ginagawa para hindi na siya sumagi sa isip ko," sagot niya kay Marco. He knew she would say it. Hindi naman maiiwasang mapag-usapan ang mga ganoong bagay. But seeing Rosie's eyes right now, she looks unhappy behind her wide smile. "Masasanay ka rin, Rosie." Tanging nasabi ni Marco sa kanya para mapagaan ang loob niya. "Tara, dito tayo sa terrace?" yaya ng dalaga. Sumunod naman si Marco sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Magkasama nilang tinanaw ang langit. Madami pa ring tao sa front ng beach. They are enjoying the chills brought by the wind as it started to blow their bonfires off. "You want some snacks?" pagbasag ni Rosie sa katahimikan. Napansin kasi niyang parang malulunod na si Marco sa kawalan. His eyes was locked in space. Parang ang lalim ng iniisip nito. Mabilis na napatingin si Marco sa kanya na parang wala pa sa sarili. "A-Ah, sure!" maagap niyang sagot. Pinagmasdan lang niya si Rosie habang tinutungo nito ang kitchen. She's so bubbly. Nang makabalik ito ay may bitbit na siyang chips saka cola in a can. "Naks naman! Libre pala 'to rito," pagbibiro ni Marco. "Parang gano'n na nga. Para kapag ako naman ang pumasok sa unit mo, pakakainin mo rin ako," ani Rosie sabay tawa. She opened the can of cola. Easy open can lang 'yon pero nahirapan pa siya. "You want me to open it?" alok ni Marco saka akmang aagawin na ito sa kanya but she refused. "N-No, kaya ko na 'to," mabilis na sagot ni Rosie saka pinilit na buksan iyon. "Aww!" she just knew na nasugatan na ang kamay niya. "Ang tigas naman kasi ng ulo mo, kaya ka nasasaktan, e," ani Marco na tila may iba pang kahulugan. Napa-pout si Rosie, nakaramdam na naman siya ng sakit at lungkot. "Yeah, matigas talaga ang ulo ko. Kaya siguro—" "Stop it!" puna ni Marco bago pa man niya tatapusin ang sasabihin niya. "Totoo naman kasi—" "Rosie, I said stop. Stop hurting yourself. Stop bringing back the past. Kung gusto mong makapag-move on, don't ever think about him anymore," malamig na pagkakasabi ni Marco. Nanuot ang boses niya sa buong sistema ni Rosie. "Give that to me and I'll open it for you. Pasaway, dahil lang sa canned drinked na 'to, malungkot na naman iyang mga mata mo," pangangaral ni Marco. Rosie just stiffened while watching Marco do the thing for her. She forcefully smiled with gladness because she has a friend like him. "Salamat, Marco. Palagi na lang akong nagpapasalamat sa 'yo. Ba't ba ang bait mo? Baka kunin ka ni Lord ng maaga niyan e," pagbibiro ni Rosie. Marco just chuckled. "Given iyan, Rosie," he uttered. "Fine, ikaw na mabait. Pero sana 'wag ka munang kunin ni Lord, ha?" ani Rosie sabay hagalpak ng tawa. "E, paano kapag nagkataon?" kunot-noong tanong ni Marco. "Hala, biro lang 'yon, 'no. Hindi ko na kakayanin 'yon. Nawalan na nga ako ng jowa, pati ba naman kaibigang tulad mo mawawala rin? A friend like you is rare, Marco. And I'm thankful that we met once more." "At mukhang magsasawa ka pa sa mukha ko dahil araw-araw mo na akong makikita," dugtong ni Marco and drank his cola. "Iyang mukhang 'yan? Hindi naman mukhang nakakasawa!" ani Rosie. Ngumisi si Marco. "So, you mean naguguwapuhan ka sa 'kin? Aminin mo na, Rosie," pagbibiro ni Marco sabay tawa. "Guwapo ka naman talaga, ah? Sino ba nagsabing hindi?" kunot-noo niyang sagot. "Sabi ko na nga ba." "Pero grabe, ang lakas ng hangin, ha?" pagbibiro ni Rosie sa kahambugan ni Marco. Totoo naman kasi. "Malakas talaga, nasa tapat tayo ng dagat, ano?" "Ang ibig kong sabihin, ang hangin mo!" "E, hindi ba't ikaw rin naman ang nagsabi na totoong guwapo ako? Ayie!" "Oo nga, pero hindi ko naman akalaing ika-career mo!" ani Rosie sabay mahinang hinampas si Marco sa balikat. "O, ba't ka nananapak?" "Mahina lang 'yon. Sorry, 'di napigilan," ani Rosie sabay hagikhik. "Sus, chansing ka lang, e?" Tumaas ang kilay ng dalaga. "Ang kapal, o!" This night was fun. Kahit sandali ay nakalimot si Rosie. Kahit sandali, she felt pure happines because of Marco's presence. Malalim na ang gabi no'ng nagpasya na si Marco na lumipat sa unit niya. Dahil nga may trabaho pa sila bukas, hindi puwedeng magpuyat kahit nag-e-enjoy pa sana silang dalawa sa pag-uusap at pagbibiruan sa isa't isa. Rosie seem comfortable with Marco and she can't deny it to herself. Maya-maya ay naka-receive ng notification si Rosie. Hindi niya sana bubuksan 'yon at baka si Rich na naman na nagsend ng friend request o ano pero nang sulyapan niya iyon ay hindi naman pala siya. It was Marco. He sent her a message on f*******:. "You sleeping?" tanong nito na sinend niya through messenger. Nagtipa ng reply si Rosie. "Not yet, hihi!" She sent it. Maya-maya ay mabilis na nagtipa ng reply si Marco. Napangiti si Marco habang nagtitipa ng ire-reply. Para siyang naiihi sa kilig. Akala mo naman ay isang teenager na ngayon lang nakaranas ng kilig. Sa totoo ay ngayon lang talaga. Sa tagal ng panahong pagtiyatiyaga niya sa pagsubaybay kay Rosie, ngayon lang siya nito nabigyan ng atensyon at labis na ikinakikilig niya 'yon. Para siyang batang binigyan ng candy. "Matulog ka na. See you tomorrow. Sweet dreams," ani Marco sa chat. Napangiti do'n si Rosie. Two years ago pa nung huling nakatanggap siya ng ganitong message mula sa ex niya. Two years na ang nakakalipas nang walang ka-sweetan sa katawan niya. Did she just consider that message sweet? Yes, as a friend. Ang sweet ni Marco bilang kaibigan. Nagmumukha tuloy sila ngayong chatmates na nagpupuyatan sa messenger. Parang mga teens. Pakiramdam nila ay bumalik sila sa pagiging teenager. It was a nice feeling! "Okay, boss. I'll be sleeping sweetly!" iyon na lamang ang nai-reply ni Rosie saka itinabi ang cellphone niya sa bedside table. She covered herself with her favorite comforter saka nakangiting ipinikit ang kanyang mga mata. KINAUMAGAHAN ay nagulat na lamang si Rosie nang tumambad sa kanyang harapan ang nakapustorang si Marco na nagihintay sa labas ng unit niya. "O, anong meron?" she asked habang nakakunot ang noo at tila pinag-aaralan ang ayos ni Marco ngayon. Ba't ang guwapo naman yata niya ngayon? Aniya sa kanyang isipan. "What do you think?" ani Marco saka nag-pose sa harapan niya. She frowned at medyo natawa. "Tumigil ka nga, oo na. Ikaw na nga ang guwapo. Kagabi ka pa, hindi ka pa rin maka-move-on?" pagbibiro ni Rosie. "Hindi ko naman kailangang mag-move-on, Rosie." "Ay, oo nga pala. Ako pala ang nagmo-move-on dito, 'no?" sarkastiko niyang sagot. "Tara na. Sabay na tayong pumasok. Sinadya ko talagang hintayin ka," he said and smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD