Nakangiti si Marco habang pasan-pasan niya si Roché sa kanyang likoran nang papasok sila sa loob ng bahay. Sakto na kababalik rin nila aling Cherry, aling Cecille saka ni Rosie sa loob at nagkasalubong sila. "Oh my!" ani aling Cecille. "Roché! Pinag-alala mo naman kami, e!" nakapamewang na sambit ni Rosie. Pinagpawisan kasi sila ng malamig sa kahahanap sa kanya at hindi talaga ito nasagot kahit isang beses kaya't nag-alala sila. Ibinaba ni Marco ang bata saka ito marahang pinaupo sa sofa. Ngayon ay nakapalibot silang lahat dito. Seryoso na ang mommy Cecille nila. "Roché, what did you just do?" mariing tanong nito. Roché pouted saka nangilid ang mga luha niya. Iyakin talaga kapag bata. "I'm waiting," sambit muli ng mommy niya. "Fine! I-I didn't l-like t-this m-man r-right here

