AWKWARD ang pagsasama nila ngayong hapon. Mag-iisang oras na pero nagtitinginan pa rin ang dalawang pares. Si Rich katabi si Celestine, saka si Marco na katabi si Rosie. Hindi tuloy makumportable si Rosie. Para silang nagbabantayan ng galaw. Busy sa pag-iihaw ang Tita Cherry niya saka ang Mommy Cecille niya kaya hindi siguro niya napansin na ganito ang set-up nilang apat. Si Roché naman ay panay ang papalit-palit ng tingin sa dalawang pares. "Are you all deaf?" pagbibiro ng bata sabay bumungisngis. Pilya rin itong si Roché. "Come on, guys. You can talk. I feel like I'm the only one here," dugtong pa ni Roché na animo ay parang batang pinapangaralan ang mga ate at kuya niya. "Sit beside me, little girl," ani Marco. Napatingin agad sa kanya si Rich at nagsalita. "No, Roché. Sit with K

