"Good morning pretty," Hindi na ikinagulat ni Porche na maabutan si Mackie na nagkakape sa sarili niyang kusina na para bang sa lalaki ang bahay na 'yun. And what bothers her the most is that the fact na ine-expect niya talagang makita ang lalaki sa bahay niya pagkagising na pagkagising niya at kung anong mararamdaman niya kung wala ang lalaki doon.
Disappointment?
'Malala ka na Abillon,' She muttered under her breath.
"Ano na namang ginagawa mo dito? Umagang-umaga, Guevarra." Pagtataray niya para pagtakpan ang pamumula ng mukha niya. After everything that happened the other night and the Pep talk with Yana, nakumbinse niya ang sarili niya na magpadala na lang sa agos- for a while- tutal ang lalaki naman mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog siya ng husto dito, might as well use that attraction for her own sake.
'Kase kung pipigilan ko 'tong nararamdaman ko, para ko lang din pinipigilan ang pag-utot. Masakit na nga, hindi mo pa mapipigilan kung kailan niya gustong lumabas.'
"Nagkakape."
"Nakikita ko nga. Wala ba kayong kape sa bahay?" Mataray na tanong niya habang nagtitimpla ng sarili niyang kape.
"Mas masarap kase ang kape dito e." 'At mas masarap ka pa sa kapeng ito,' Mackie muttered under his breathe. Napagdesisyunan na lang ni Porche na iignore ang sinabing 'yon ni Mackie. Tutal naman, it's not meant for her to hear the last words he said.
"Wow a, nang-uto ka pa talaga." She twirl around only to find him staring at her legs. Saka niya lang na-realize na hindi niya nga pala ugaling magsuot ng pang-ibaba kapag natutulog. "At kelan pa napunta sa baba ang mukha ko?"
Unti-unting nagtaas ng tingin ang lalaki mula sa hita niya pataas, at tumambay yung sa kanyang dibdib- nakasuot lang siya ng hello kitty na t-shirt at base sa titig ng lalaki sa kanya, nahalata din nito na wala siyang bra.
"Sorry, nakaka-distract kase yung mala- Megan Young mong hita e." He said apologetically but his eyes sparkles and he's grinning like an idiot and it's letting Porche know that he's not sorry at all.
"Pssh. Kunware ka pa. Ang sabihin mo, m******s ka lang talaga." She sat down beside him, aware of the fact that her heartbeat became much faster the moment his finger touched her elbow. Yung tipong parang nadilaan ng live wire yung katawan niya at kulang na lang e mangisay siya sa semento dahil dun.
"Kung manyak ako, edi sana hindi na ako umuwi kagabe, 'di sana, hanggang ngayon nasa kwarto pa rin tayo tapos-"
"Kung anuman 'yang mga salitang lalabas sa bibig mo, tigilan mo na. Aasinan ko 'yan!" Inilagay ni Porche ang kamay niya sa bibig ni Mackie para pigilan ang lalaki sa pagsasalita kahit sa totoo lang, naiimagine niya ang senaryo na sinasabi nito and it's making her squirm on her seat.
"Edi 'wag. Ikaw din, you'll miss the best part." Nakangisi pa ring sabi nito.
"Again, I really don't need a visual, thank you very much." Pansamantala silang natigilan. Hindi alam ni Porche kung anong iniisip ni Mackie, pero siya, si Mackie ang iniisip niya.
"Punta ka sa bahay, Porche."
"No. Ayoko. Ayokong magpanggap na ako si Portia. Ayoko ng magpanggap na girlfriend mo." Isa pa 'yun sa mga naisip niya kagabe. She doesn't want to be Portia anymore. If she's going to enjoy this, she'll enjoy it as Porche.
"Sino bang nagsabi na pupunta ka dun as Portia?" Hindi nakaligtas kay Porche na hindi binanggit ni Mackie ang pagiging kunwareng girlfriend niya but she doesn't want to hope, yet.
"Sabi mo kase.."
"Sabi ko, pupunta ka. Hindi ko sinabing magpapanggap ka. Assumera!"
"Wow ha. Hiyang-hiya naman ako sa'yo!"
"De, joke lang. Hinahanap ka sa akin ni Mommy e. Tapos pupunta din mamaya sa dinner si Ate Aia saka yung asawa niya. Gusto ka din nilang makita."
"It's a family affair, why do they want me there?" Nagtatakang tanong niya. Not that she doesn't wanna meet his family, his parents are amazing.
Mackie shrug his shoulders na parang wala lang saka niya sinabing, "Gusto daw nilang makilala ang babaeng gumugulo sa isip ko."
------
"Yana, anong gagawin ko?!" She was pacing back and forth. Hindi na naman siya mapakali. Why does his words affects her this much?
"For a start, you need to calm down. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo kapag nagpapanic ka." Natatawang sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya. Mabuti na lamang at iniwan muna siya ni Mackie dahil may kailangan pa daw itong daanan bago sila pumunta sa bahay ng lalaki dahil kung hindi, makikita nito ang pagpa-panic niya.
"Yans, family dinner. Hindi lang basta-basta dinner. Buong Xavier Empire nandun. Sa parents pa nga lang ni Mackie, halos malalaglag na yung panty ko sa sobrang kaba, tapos ihaharap niya pa ako sa buong emperyo?" Nanghihinang napaupo na lang si Porche sa gilid ng kama. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Kailangan mo ba si Mang Jose- ang superhero na pwedeng arkilahin- o ako na lang? Do you want me to come over?" Napabuntong hininga na lang si Porche.
"Kailangan ko ng tulong pero ikaw na lang siguro, sapat na."
*Ding-dong*
"Saglit Lang, Yans. baka bumalik na si Mack-- s**t! Pano kung si Mackie 'yun? Yans hindi pa 'ko ready!" Natatarantang nagpaikot-ikot ulit si Porche.
"Kumalma ka nga! Sasabunutan ko talaga ang kilay mo 'pag nakita kita! Buksan mo na lang muna kaya ang pinto para makapasok ako kesa nag-e-emote ka d'yan ng wala sa lugar." Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Porche para buksanang pinto and true to her words, nasa labas na nga ang kaibigan niya.
"Ang bilis mo naman."
"On the way na din naman kase ako dito nung tumawag ka. Medyo nakakabitin kase yung kwentuhan natin kaninang madaling araw so I thought, pwede kitang pigain ngayon kaso magiging busy ka naman pala." Naupo si Yana sa sofa kaya tinabihan niya ito. Porche sighed in relief nang mapansin niyang inilalabas na nito ang make-up kit nito. "May isusuot ka na ba? Teka naligo ka na ba, baks? Maligo ka muna. Nakakahiya sa nga future in-laws mo kapag naamoy ka nila."
"Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa bango mo e, noh?" Nandidilat ang mga matang sabi niya. "Paano kaya ako makakapaligo e natataranta nga ako."
"Kaya nga nandito na ako para tulungan ka. So get up, move your ass out. Take a bath habang nira-ransack ko yung closet n'yong magkapatid para makahanap ng damit." Tinulak pa siya nito patayo sabay palo sa puwetan niya.
"Hey!" Porche protested. "H'wag masyadong revealing ha!"
"I know, I know. Not too slutty but not too manang. Got it." Nakangiting sabi nito sa kanya. Wala pa ring tiwala si Porche sa kaibigan pero wala naman siyang ibang choice. Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya pang pumunta ng naka-pants at long sleeves. Mas kumportable siya sa ganun.
Naglakad si Porche papasok ng kwarto para kunin yung tuwalya niya at nakita niya pa si Yana na may hinahanap sa phone niya. "Soak up, Porche. Yung tipong parang prunes na yung balat mo paglabas mo ng banyo." Nakangising sabi pa nito.
"Tse!" Napangiti na lang siya. It's always good to have someone like Yana in her life. Para niya na itong kapatid. It should have been Portia, kung hindi nga lang kasing haba ng San Juanico bridge ang pagkakaiba nila.
Porche put some jasmine oil as she indulge herself in the bathtub. Kung may isang bagay na gusto siya sa kwarto ni Portia, yun ay ang banyo ng kakambal. Its not that big pero meron itong bathtub- one of her twin's guilty pleasure. Habang nakababad ang buong katawan niya sa tub na punong-puno ng bula, naisip niya ang kakambal.
What would it feels like to be Portia? What would It feels like to be daring, adventurous, bold. What would it feels like kung kaya niya ring gawin ang lahat ng gusto niyang gawin? Ng walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng ibang tao sa kanya.
What would it be like kung titigilan niya na ang pag-iisip na "mas" si Portia and start living a little? What if she ditch Mackie at magpunta na lang din siya sa bar instead, makahanap din kaya siya ng lovelife?
She giggled at that thought. Hindi niya forte ang pagpunta-punta sa bar and Porche doubts kung makakahanap siya ng matinong lalaki sa bar.
'Bakit hindi? Matino naman si Mackie a.'
But of course, Mackie is an exemption. Nabanggit na nito sa kanya na pagmamay-ari ng pamilya niya ang bar na pinupuntahan nila- the same bar where he and her sister met.
"Hoy Porche! Sabi ko, soak up lang. 'Di ko sinabing tumambay ka na d'yan. Aba, isang oras ka na mahigit d'yan, uy." Napatayo ng wala sa oras si Porche kaya nadulas siya at bumangga yung hips niya sa gilid nung tub.
"Aray ko naman!"
"Gusto mong lumandi, 'di ba? Oh, 'yan.. Magtiis ka ng hapdi!" Eksaheradang sabi ni Yana habang hinihila ng tyane ang kilay niya.
"Okay na naman kase 'yang kilay ko, 'bat kailangan mo pang bawasan? Ouch!" Naitakip ni Porche ang kamay niya sa kanang mata niya pero tinapik din yun paalis ni Yana.
"Medyo makapal pa. High brows ang uso ngayon, hindi caterpillar brows."
Bahagya siyang napapitlag nung mahawakan ni Yana ang bewang niya. Ano na lang kaya ang sasabihin ng kaibigan niya kapag inamin niyang nadulas siya kanina sa tub and now she's sporting a very big and not so adorable blue-violet mark on her hip?
"There, all done." Inikot siya ni Yana paharap sa salamin at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya.
"I look like Portia.." She said in awe. Bahagya niya pang hinaplos ang pisngi niya para mapatunayan kung siya pa nga ba ang babaeng nakikita niya sa salamin.
"Of course, not!" Mariing tangi nito. Dinampian pa niya ng brush ang ilong niya para pantayin ang pagkaka-contour doon saka siya nito tinitigan sa salamin "You looked like Porche. The updated and better version."
Tumunog na naman yung doorbell niya. "And just in time, andyan na ang sundo mo "
"Hindi si Mackie 'yan. Hindi naman marunong gumamit ng doorbell 'yun e." Nakasimangot niyang sabi. Palagi niya bang makikitang tumatambay ang lalaki sa bahay niya kung alam niyang marunong gumamit ng doorbell ang lalaki?
Yana left her but she's back sooner than Porche expected. "May bisita ka Porche," Abot-tenga pang ngiti na sabi nito. She took a deep steadying breath para kalmahin yung sarili niya na dahil bigla na lang siyang kinabahan. Hindi naman sinabi ng kaibigan niyang marunong na gumamit ng doorbell si Mackie, pero haller? Ngiting-aso na ang kaibigan niya, manghuhula pa ba siya?
"Okay.. I can do this." Tumayo siya at bahagya niya pang hinila pababa yung hanggang tuhod niya nang dress habang naglalakad. Ano bang nangyayari sa kanya? Si Mackie lang naman 'to, hindi si Chris Hemsworth o si Chris Evans pero bakit siya kinakabahan ng todo?
Her palms were sweaty the moment she reach for the door. Pinihit niya iyon at ganun na lang ang pagkabiglang naramdaman niya ng halos humampas na sa mukha niya yung bouquet ng bulaklak na hawak ni Mackie.
"Tulips, for the lady." Nakangiti pang sabi nito. Hindi magawang mag-react ni Porche. Una dahil hindi niya nga ine-expect na bibigyan siya ng lalaki ng isang pirasong bulaklak pero heto't dalawang dosenang tulips pa ata ang ibinibigay nito sa kanya. Pangalawa, parang biglang nanuyo ang laway niya at nag-lock yung panga niya dahilan para hindi siya makahinga ng maayos at makapagsalita. Pakiramdam niya din ay bahagya pang lumuluwag ang panty n'ya. Why? Why does he have to be this good looking? Is It even legal to have a face like Mackie's?
She's looking at him looking at her intently. As if ibang tao ang kaharap nito .
"Ay, walang react si Porche. Ako na lang ang kukuha n'yan, Fafa James este Mackie!" Adelantadang singit ni Yana sabay kuha nung bulaklak at hila kay Porche papasok. "Porche umayos ka nga, yung laway mo tumutulo!"
They heard him chuckle kaya kinurot ni Porche si Yana sa braso na ikinasama ng mukha nito at nagpaalam si Yana na ihahanap niya daw ng vase na pwedeng paglagyan yung mga tulips kaya naiwan silang dalawa sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Portia.
"What are you up to?" Taas kilay niyang tanong sa lalaki the moment she found her voice.
"Nothing." He said, shrugging. "Just trying to make the world a better place." He simply said na para bang wala lang sa kanya yung pagbibigay niya ng bulaklak kay Porche samantalang sa babae ay napaka-big deal nito.
"By giving me flowers?" Hindi makapaniwalang tanong ni Porche. "You're trying to make the world a better place by giving me flowers?"
"By trying to make you smile." Bumukas ang bibig ni Porche, she wanted to tell him.. tell him to.. Oh Geez! She forgot what she wanted to tell him. Pinilit niyang arukin sa utak niya kung ano nga yung sasabihin niya kay Mackie para hindi naman nito sabihin na natutulala na siya sa kagwapuhan nito.
"But you never did." Bulong niya. Pakiramdam ni Porche pinanghihinaan na siya ng tuhod dahil sa presensya ng lalaki.
Oh, I will." Kampanteng sagot nito. "You just have to wait, and see. I will make you smile. And when I did, I will own it. At wala ka ng ibang pwedeng ngitian maliban sa akin." Kung hindi lang siguro nakakabit yung panga niya sa mukha niya ay kanina pa 'yun nalaglag. He's confusing her with his actions, his confusing her with his words.
'In love ka na din ba sa 'kin, Mackie?'
Wishful thinking though. Alam naman ni Porche na malabong mainlove sa kanya. Ano nga ba naman ang panama niya sa kapatid niya 'di ba?
"Let's go na. For tonight, I'm all yours."
'Pwede bang everyday and everynight na din?' Another wishful thinking.
Inilahad pa nito ang kamay niya para hawakan ni Porche which she gladly accepted. Forget about her sweaty palms, forget about her jelly knees. For that night is all about her .
~~~~