Three

2132 Words
"This way to your table, Sir Mackie," Hindi napigilan ni Porche ang mapasimangot sa lantarang pakikipaglandian nung babaeng naghatid sa kanila ni Mackie sa table nila. And what pissed her even more is the fact that Mackie is enjoying the attention he's getting. "Thank you, Stella." Nakangiting sabi niya pa matapos niyang ibigay sa babae ang order nila, na naging dahilan para halos himatayin si Stella. Alam na alam ni Porche ang epekto ng mga ngiti ni Mackie. And he's using it to his advantage. Tipong isang ngiti lang, may mga panti na malalaglag. She's one hell of a victim of that smile. That smile never fails to make her knees weak, make her panty melt. Porche snorted, a sound that didn't escape Mackie's hearing kaya kunot-noong napatingin sa kanya ang binata. "Porche?" "Ano?" She said without looking at him. "Gian Porche Abillon," He said teasingly. Pinigilan niyang ngumiti kahit gustong-gusto niya na. She doesn't want him to know na kinikilig siya. "Tigilan mo 'ko, Mackie." "Ano bang ginagawa ko?" Inosenteng tanong niya sa dalaga. She's not looking at him, won't look at him. "Tumingin ka nga sa'kin, Porche." "Ayoko. 'Pag tinignan kita, lalandiin na naman ako ng mga mata mo, tapos ngingitian mo na naman ako, tapos kikiligin na naman ako. Tapos-" Nanlalaki ang mga mata ni Porche nung marealize niya kung ano yung mga binitiwan niyang salita. Mackie can't help it, he laugh. He seems to always be in a jolly mood whenever he's with her. "Porche look at me.." she ignore him. "Porche, isa." She still ignore him, "Dalawa. Kapag hindi ka pa tumingin, hahalikan kita." Pagbabanta pa nito na ikinabilis ng t***k ng puso ni Porche. "Psss.. You already did. Wala ka na bang ibang panakot sa akin?" Porche said as she lean on the table. Mackie copied her, resting his elbow on it. "Marami pa akong kayang gawin, Little Miss Porche, a lot of things I wanted to teach you." Mackie said while playing with the collar of her dress. "You look good in this dress. Alam mo dapat laging ganito ang suot mo, it makes you look more.. feminine." "So sinasabi mong mukha akong lalaki kapag hindi ako naka dress, ganun?" "Nah. I just.. I like you even better with this." He said softly, a smile playing on his lips. "Ayan ka na naman e!" Nakaingos na sabi ni Porche na ikinakunot ng noo ni Makie. "Pinaghi-hyperventilate na naman ako ng mga ngiti mo!" At kelan pa naging vocal si Porche sa pag-amin ng nararamdaman niya para kay Mackie? Funny how a single kiss can change someone's prospective. She doesn't like him and she's pretty sure he doesn't like her either so what are they doing flirting and laughing as if they're in love? Porche shivered at that thought. She's not inlove with Mackie. You can't possibly fall for someone in just a matter of days, right? 'Of course not! Cinderella fell inlove with his Prince Charming the first time they've met.' Pero fairytale 'yun e. Fairytales always had a happy ending. Walang ganun sa totoong buhay. But looking straight into his eyes, she already knew the answer. "Oh my!" Napasinghap siyang wala sa oras. I'm inlove with him! I'm inlove with the monster! "Porche?" Hinawakan ni Mackie yung mga kamay niya. She gasp and she tried to pull away but Mackie's grip on her hand kept her still. Sa malayo ay aakalain mong hinahalikan siya nito sa sobrang lapit ng mukha nila. "Uy, para kang nakakita ng multo!" Hindi multo ang kinatatakutan ni Porche. It's her feelings for Mackie. Her forbidden attraction towards her twin sister's boyfriend. Her twin sister's boyfriend! "Uhmm.. Ano-" Hindi alam ni Porche kung anong sasabihin niya kay Mackie. She was known to be the one who always speaks her mind but not this time, not when her nerves get the best of her. Kaya laking tuwa niya na lang ng muling dumating si Stella para ibigay yung order nila. "Excuse me, Sir Mackie, your order po." She's practically teasing him with her cleavage, leaning in closer, causing Mackie's elbow to accidentally touch her breast, making Stella giggle and makes Porche want to grab the other girls hair and use it to mop the floor. Kataka-takang pang mas kumapal ang make up nito at nabuksan pa ang unang dalawang butones sa uniporme. "Anything else, Sir?" Oh, she's flirting with Mackie, alright. At alam ni Porche na wala siyang karapatan but she's jealous. The scene playing right in front of her is making her jealous. "Ako Miss, may kailangan pa sa'yo," sabay silang napatingin kay Porche. Mackie's eyes filled with.. relief? As if he's thankful that Porche caught the other girls attention. "Yung food ko, wala pa. Bago ka makipagharutan sa kasama ko, can you please make sure everyone is satisfied with the service or gusto mo bang yung manager.." Stella stiffened. Porche almost laugh when the other girl scurried away. Naiinis si Porche na nasira na ng lalaking nasa harapan niya ang gabi niya. Not that she blame him na kung noong nagsabog ng kagwapuhan at lakas ng s*x appeal si Lord, e, gising na gising ito. "A woman after my own heart." Mackie said while clutching his chest dramatically. "Shh.. Quiet. Kumain ka na lang d'yan." But Mackie waited for her food to arrive bago siya nag umpisang kumain. And they shared a quiet - very quiet meal- which includes stolen glances and smiles every now and then. ***** "Where are we?" Tanong ni Porche matapos nilang bumaba sa sasakyan ng lalaki. They were somewhere, overlooking Metro nightlife. "My favorite place." He said without looking at her. "Weh? I thought your favorite place is in between a woman's thigh?" "Grabe ka sa 'kin." Napasinghap si Porche ng bigla siyang hawakan ni Mackie sa magkabilang bewang at iangat siya para makaupo sa hood ng sasakyan. "You can't blame me, 'yun kaya ang pagkakakilala ko sa 'yo." He pull the hem of her dress down saka nito tinanggal yung jacket na suot niya para ipatong sa hita ng dalaga bago ito naupo sa tabi niya. Porche was touched with the way Mackie respects her. Kung sa ibang lalaki 'yun ay baka gumagawa pa itong paraan para mabosohan siya. "Hindi kaya. Contrary to your conclusion, hindi ako chickboy ah, sa totoo nga nyan, wala pa akong s*x mula nung umalis si Portia." Porche gasps. "Lagyan mo naman ng preno 'yang bibig mo!" "What? I'm just telling the truth!" "Hindi mo ba namimiss?" "Si Portia o 'yung s*x?" "Pareho. O sige, ano na lang yung mas namimiss mo sa dalawa?" Porche heard him sigh kaya napatingin siya dito and she caught him looking at her.. looking at her? "Yung sex." He said plainly. Nabilaukan si Porche sa sarili niyang laway dahil sa sinabi nito. "Don't get me wrong, Porche. Namimiss ko din naman si Portia. Sabi nila, distance makes the heart grow ponder, pero alam mo ba yung pakiramdam na habang wala siya, imbes na ma-miss ko siya, mas napapa-isip ako kung talaga bang mahal niya ako o kung minahal niya talaga ako o baka ginamit niya lang yung katawan at pangalan ko." Porche bit her lower lip para mapigilan niya ang sarili niyang magsalita ng masama tungkol sa kakambal. Alam niya 'to e, that deja vu feeling na may isang lalaki na namang kumakausap sa kanya tungkol sa kambal niya. Na may lalaki na naman siyang sasabihan na hindi ang tipo ni Portia ang nagseseryoso. But for some unknown reason ayaw niyang masaktan si Mackie. Especially kung siya ang magiging dahilan. "So, I supposed favorite place din 'to ni Portia?" Bakit ba parang kinakain na naman siya ng selos habang iniisip niyang naisama na ni Mackie si Portia sa lugar na 'to. "Nah. Ayaw ni Portia ng tahimik. Kahit nga sa s*x ayaw niyang tahimik 'di ba? She's not into solitude and stuff kaya wala pa akong babaeng nadala dito." Her heart skip a beat. Kung wala pa siyang babaeng nadala dito, does that mean na si Porche ang unang babaeng pinapasok niya sa pribadong mundo niya. "You wanna know where her favorite place is?" He asked, a mischievous grin playing in his lips. Porche nod kahit hirap na hirap siyang huminga dahil sa ngiti nito at lalo pa siyang nahirapan ng idikit nito ang bibig sa may tenga niya. "It's in between my thighs." Automatikong lumipad ang palad ni Portia sa mukha ni Mackie pero na-anticipate na ata ng lalaki na ganun ang magiging reaksyon niya kaya maagap nitong nahawakan ang kamay niya. "Bastos!" Namumulang sabi ni Porche na ikinatawa ng malakas ni Mackie. "Hindi ka matinong kausap, Hudas! Barabas! Hestas!" And he's still laughing at her. Kahit pa sabihing parang kumakantang anghel ang dating kay Porche ng tawang 'yun ni Mackie, hindi ata niya mapapalampas yung mga sinabi nito tungkol sa kapatid niya. "Joke lang naman! Gusto lang naman kitang patawanin e." "Pwes, hindi nakakatuwa, Rexbert Marcus Guevarra." Bigla itong tumigil sa pagtawa at umurong ng konti palayo sa kanya. Porche immediately miss the lost of his body heat against her. Gusto niyang umusog palapit kay Mackie pero pinigilan niya ang sarili niya. Why, she didn't have the right to do so. "Magkwento ka naman.. bukod sa pangalan mo at sa propesyon mo, wala na akong ibang alam tungkol sa'yo." Nakangiting sabi nito. How can Porche say no to that smile? "May boyfriend ka ba?" Oh, here they go again. Kaya ba niyang sabihin sa lalaki ang mga failures niya? Na kung si Portia ay yung tipong naglalaro lang, siya naman yung willing na magseryoso? Pero walang sumeryoso? "I used to. I mean I had my fair share of boyfriends in the past, until they saw Portia, at makalimutan nilang Porche ang pangalan ng girlfriend nila." Naiyakap na lang ni Porche ng wala sa oras ang sarili niya. Unti-unting bumabalik sa alaala niya ang mga dahilan kung bakit pinili niyang kumawala sa anino ni Portia. Kung bakit hindi niya pinursue ang pagsali sa teatro at kung bakit mas pinili niya pang madestino sa malayong probinsya kahit marami siyang offer sa Metro at kung tutuusin kaya niyang magtayo ng sariling Dental clinic. "Yung tipong, Porche ang pangalan ko pero Portia ang binabanggit nila. So, no. Wala akong boyfriend. Walang lalaki sa buhay ko sa mga panahong 'to." "Meron kaya. Ako." ------ "Porche ano ba? It's freaking Two a.m! Two a.m! Kakapikit ko pa lang, hindi ba makakaintay hanggang bukas 'yang chika mo?!" Bakas na bakas sa boses ni Yana ang iritasyon matapos siyang bulabugin ni Porche. "Yana hindi mo ba naiintindihan yung sinasabi ko? Inlove ako kay Mackie! Inlove ako sa kanya!" Porche was pacing back and forth. Pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Mackie sa may overlooking, nag-aya na siyang umalis. Natatakot si Porche na baka kapag mas nagtagal pa sila dun ay masabi pa niya sa lalaki ang feelings niya. Na ngayon nga ay ibinubihos niya sa kaibigan. "So?" nakapikit na sagot ni Yana. "So? So lang ang sasabihin mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan. Yana sighed bago siya tuluyang naupo sa kama. Alam niyang hindi ito matatahimik at hindi siya makakatulog hanggat hindi niya pinapayuhan ng maayos ang kaibigan. "Ano bang gusto mong marinig galing sa'kin, Porche? Na pipigilan kita? Na sasabihin ko sa'yong masama yang ginagawa mo? Sorry ka na lang, hindi ko gagawin 'yun." Yana said yawning. "Pero mali e. Boyfriend siya ng kakambal ko. Sa mata ng marami, mang aagaw ako. Ano na lang ang magiging papel ko sa buhay ni Mackie pagbalik niya?" Pasalampak siyang naupo sa kama. "Sa paningin ng ibang tao, mali yun, e, ano bang pakialam nila? Sila ba ang miserable? Sila ba ang parang hindi matae d'yan kakaisip? Ikaw naman di ba? Ikaw ang masasaktan, ikaw ang magiging masaya, hindi sila. Kapag bumalik si Portia, edi pabayaan mong si Mackie ang magdesisyon kung ano ka at ano si Portia sa buhay niya!" Exaggerated nitong sabi. "Porche, kung ako si Portia at importante sa aking ang jowa kong kasing-hot ni Mackie, hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa isang modelling contract sa isang malayong bansa! Kung mainlove ka man d'yan sa lalaking yan e, hindi mo na kasalanan yun. Kasalanan na ng kakambal mo 'yun. It's her lost not yours. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Tumango si Porche kahit alam naman niyang hindi nakikita ni Yana sa kabilang linya ang pagtango niya. "Itulog mo na yan Porche, kapag bukas nagbago ang feelings mo para kay Mackie, edi mabuti, ibig sabihin, epekto lang nung kinain n'yong seafood yang nararamdaman mo. Kapag hindi siya nagbago, edi go with the flow na lang. Wala namang mawawala sa'yo kung I-eenjoy mo kung anong meron sa inyong dalawa e." Porche doubted na may magbabago sa feelings niya kinabukasan pero hindi na lang niya sinabi yun kay Yana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD