C2: Soft Lips

1205 Words
KARARATING ko lang ng school at dumiretso muna akong canteen para magbreakfast. Nalimutan ko na kasing kumain sa bahay dahil sa pagmamadali. Mayroon pa naman akong fifteen minutes bago mag-time. Naupo ako sa isang table at pinatong ang libro sa accounting. Humanay ako sa line para bumili ng cup noodles. Mahilig ako sa ganito lalo na kapag beef ang flavor at medyo spicy. Bumalik ako sa pwesto ko at sinimulang namnamin ang mainit na sabaw. “Masarap?” Nakakalokong tanong ng isang pamilyar na boses. Nag-angat ako ng tingin at hindi ako nagkamali ang hinayupak! Naalala ko na naman ‘yung nangyare kahapon. Err. Manyak, sinamaan ko siya ng tingin kung nakakasunog ang tingin kanina pa siya abo. “Lumayas ka nga sa harap ko! Bwisit ka!” Inis na sabi ko, pakiramdam ko nawalan ako ng gana kumain. Sa dami niyang pwedeng puntahan sa campus dito pa! Tumawa siya ng malakas at naupo pa sa harap ko. “Ako bwisit?! Pasalamat ka nga lumapit ang isang gwapong tulad ko, para pagandahin ang araw mo.” sobrang yabang niyang saad at kumindat pa. “Ang kapal ng mukha mo!” “Hahaha! masyadong mainit ang ulo mo, hindi ka naman maganda.” Aba! Nanlait pa! FYI Maganda kaya ako! “Wow! Ang gwapo mo Del mar! Hiyang hiya naman ako sayo, nag-effort ka pang pumunta dito para insultuhin ako! Che! makaalis na nga, nasisira ang umaga ko sa isang gwapo!” sarkastiko kong sabi tinuro-turo ko ang mukha niyang gwapo daw saka tumayo na. “See, aminado ka ding gwapo ako!” mayabang na sabi niya at ngising-ngisi pa ang loko. Feeling! Jusko! Kuya Will pengeng jacket dahil baka liparin ako sa hangin ng kaharap ko, kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya! “Oh sige, gwapo ka pero gwapong m******s! as if naman na isa ako sa nagkakandarapa sa’yo! Hindi!!” sagot ko. “Hahah! Maglalaway ka din sa’ kin tandaan mo yan!” Natatawang aniya niya at naglakad na papalayo. Feeling ko nagliliyab ang pisngi ko sa inis. Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha! Oh, siya oo! gwapo siya pero playboy at manyak naman. “Nangyare? bakit parang hindi mapinta ‘yang mukha mo?” Tanong ni Quin, hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako papuntang upuan ko. “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. “May nangyare lang na nakakabwisit at huwag mo ng tanungin ‘yun” sagot ko at bumuntong hininga. Kinuha ko sa bag ko ang sketch-pad para magdrawing habang wala pang prof. “Sure, ka ha? Syanga pala girl, alam mo ba nagkakagulo na naman kanina sa quadrangle.” “Bakit naman?” Tanong ko kahit may clue na ako kung ano na naman ‘yun. “Si Papa Vayne, umagang-umaga eksena na naman, kumalat kasi ang issue na may nakakita sa kanilang may ginagawang something na hindi dapat sa rooftop, guess who, kung sino ang kalampungan niya?” Medyo nagulat ako sa narinig ko. Haaalaaa!? Ibig sabihin ba nun hindi lang ako ang nakakita nung live p**n nila sa rooftop!? “S-sino?” tanong ko kahit alam ko na kung sino talaga. “Si Diana! hindi ako makapaniwalang ganon pala siya buong akala pa naman ng lahat santa ang loka hahaha, isa lang din naman pala siya sa mga girls ni papa Vayne.” natatawang saad niya. Umiling-iling nalang ako ganan naman ang palagi ang issue. Kung hindi may kalampungan, nahuhuli si Vayne na may kahalikan sa likod ng dean office o kahit saan saang parte ng campus. Lupet diba?! “Pero ito ang pinakang balita!?” excited na sabi ni Quin na kinalingon ko. “Ano naman ‘yon?” Kunot-noo kong tanong. “Si papa Vayne galit na galit sa nagkalat ng issue, wala ka kasi eh! Dumaan dito sa department natin si Vayne, accounting daw kasi ‘yung nagkalat ng issue—sino kaya ‘yun sis ano?” Natahimik ako hindi dahil sa ako ang nagkalat ng issue at bakit ba siya magagalit? Eh, hindi na naman bago ‘yun sa kanya. Kasalanan niya at playboy siya. “Nakarating sa dean ang nangyare and for sure sasabunin si Vayne ng daddy niya we know him naman diba?” dugtong pa niya. Lagot talaga siya mabuti nga sa kanya! Karma! Dumating na rin ang aming prof at nagsimula na ang mahabang klase. *** “Heaven, may plano kana proposal?” Nasa field kami ngayon ni Quin at katatapos lang kumain ng lunch dumito muna kami para magpahinga dahil one-hour pa bago ang sunod naming klase. “Hindi pa nga e, nahihirapan ako sa pagaanalyze at wala pa talaga akong ideya.” sagot ko at umayos ng pagsandal sa puno. “Ako din sis, binabalak kung pumunta sa library kapag may time para magbasa for sure makakatulong ‘yun.” sabi niya. “Tama ka, sama na lang ako sayo sis ha?” agad naman tumango si Quin. Parehas kaming accounting ang course ni Quin and since highschool pa kaming mag-bestfriend. Nakilala ko siya dahil din sa family ko matalik na magkaibigan ang mga parents namin kaya, ayun. “Sis, cr lang ako.” paalam ni Quin. “Samahan kita?” “Huwag na sis, babalik din ako agad dyan ka lang ha? Wag ka aalis.” Tumangu-tango lang ako at sinundan siya ng tingin paalis. “Ihhh! V-vayne naman ehh!!” tili ng isang babae. Nahinto ako sa pagbabasa at lumingon-lingon. “Ang dami ko ng kiss marks!” Tinakpan ko ang tenga ko! Aish! Hanggang dito ba naman? Napagtanto ko kung san nanggaling ang ingay na ‘yun, pati ba naman sa damuhan!? Nakita kung nakaupo sa lap ni Vayne paharap si Monic hinahalikan siya ni Vayne sa leeg, nanlaki pa ang mata ko ng makitang nakahapasok ang kamay ni Vayne sa loob ng uniform ni Monic. Mabilis kung inalis ang tingin doon mabuti nalang dumating na si Quin at niyaya ko na siyang umalis. *** Solo muli akong uuwi ngayon dahil nauna si Quin may lakad kasi ulit sila ng parents niya naiintindihan ko naman ‘yun dahil ngayon lang muli nagkaron ng oras para makapagfamily bonding sila dahil palaging busy ang parents niya sa kanilang business. Tahimik akong naglalakad sa hallway wala na masyadong students dahil gabi na, dumiretso pa kasi akong library kanina at humiram ng libro at saka ginawa ko na din ang mga assignments ko para kakain na lang at magpapahinga pagkauwi. Pababa na ako ng hagdan ng may humigit saking papasok ng isang classroom. Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba, hindi ko magawang sumigaw dahil sa higpit ng pagkakatakip sa bibig ko at higit sa lahat hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim. Sinandal niya ako sa pintuan, mas kinabahan ako ng i-lock niya ang pinto! Gusto kong sumigaw pero dahil sa takot ay namasa agad ang mata ko. Lord help me please, hindi na po ako magpapagabi umuwi tulungan nyo lang ako! “Mabango ka pala,” parang nang-iinsultong sabi ng humigit sa’kin! Batid ko ay nakangisi pa ito. Mabango talaga ako at hindi ako mabaho! Sinubukan ko siyang anininagin pero masyado yatang nababalutan ng dilim ang classroom na ito. Amoy na amoy ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sobrang bango niya! Bakit gano’n!? “Hmmm!!” Pagpupumiglas ko pero hinawakan niya ang kanang kamay ko at madiing sinandal sa pintuan, sobrang lambot ng kamay niya pero nanghihina ako sa lakas ng pakakahawak niya sa’kin. “Ito ang kabayaran sa ginawa mo..” bulong niya sa tenga ko hindi ko alam pero parang nakikiliti ako sa hininga niya. Teka anong kasalanan ko? Inalis niya ang pagkakatakip sa bibig ko bago pa man ako makasigaw ay naramdaman ko ang malambot na labing dumampi sa labi ko. Pakisampal ako please! Halos maghabol ako ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. Sa sobrang gulat at kaba mga ilang segundo ang lumipas bago ako nakarecover. Umalis ang lalaking humalik sakin na hindi ko manlang namalayan kong paano siya nakaalis na hindi ko nakita kong sino. Nanaginip ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD