C3: NBSB

1294 Words
“Anak, ang laki ng eyebags mo para kang zombie? Anong nangyare sa’yo?” Nag-aalalang tanong ni mommy habang bumaba ako ng hagdan. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako ng dining area para mag-breakfast nandito si daddy at ate Marry. Alam kung nawe-weirduhan silang tatlo sa akin, umupo ako sa katabi ni ate at walang imik na kumuha ng foods sa table at kumain. Weird ko ba? Sisihin n’yo ‘yung humalik sa akin kahapon! Hindi ako pinatulog ng halik na ‘yun! Ganon pala ‘yung feeling ng first time no?! Ang nakakaiyak lang kasi napunta ang first kiss ko sa isang taong hindi ko naman kilala. Nanghihinayang lang ako kasi sa special na tao dapat binibigay ang first kiss, eh di naman special yung humalik sa’kin! “Anak, may sakit ka ba?” tanong ni Daddy, kumurap-kurap ako saka umiling ngunit tumayo siya at inabot ang kamay sa leeg ko para i-check. Tumango ako habang ngumunguya. “Wala naman, mukhang hindi ka lang nakatulog ng maayos,” natatawang sabi ni daddy matapos i-check. “May problema ba?” sabat naman ni ate. Umiling-iling lang ako nahihiya akong sabihin sa kanila kung ano ba talagang rason kung bakit ako puyat at parang zombie. Kilala ko sila mommy at daddy Oa yang mga ‘yan. “Heaven baby, alam na ni mommy kung bakit ka ganyan, may umaway sa’yo sa school no?” Nakangusong sabi ni mommy at mangiyak-ngiyak na. Umaway? Seriously?! “Ano!? may umayaw sa anak natin!?” galit na tanong ni daddy Sabi na nga ba ang isa pang rason kung bakit hindi ko talaga pwedeng sabihin sa kanila. “Whaaaat?! Sis totoo ba ‘yun? Tell me! At sasabunutan ko ang mga umaway sayo!” galit din na sabad ni ate.   Nagpalit-palit ang tingin ko sila! Bakit ba ang o-oa nila?! “Mom..dad..ate, walang umaaway sa’kin, huwag nga kayong oa!” sabi ko sa kanilang tatlo at saka lang si kumalma. “Tapos na po ako kumain, mag pre-prepare na po ako for school,” sabi ko at nagmadaling tumayo at umakyat ng hagdan patungong kwarto ko. RAMDAM kong nawe-weirduhan parin sila, kasi usually masayahin naman talaga ako nagiging mataray lang ako pagdating kay Vayne! Speaking of Vayne! Sana hindi ko siya makita today! *** “Kanina ko pa napapansin pero bakit parang ang laki ng eyebags mo sis?” puna ni Quin. Kapansin-pansin ba talaga ang eyebags ko? “Puyat lang sis,” sagot ko. “Grabe sis, mukha kang zombie ang pangit mo today, parang kang nakahithit ng drugs.” aniya niya habang tumatawa, sinamaan ko siya ng tingin pero natawa din ako pagkatapos. Lakas mang-asar ng bestfriend ko. “Yan din sabi ni mommy kanina sis sakin zombie daw” natatawa kong kwento. “Ito sis ang salamin para makita mo hahah” tapos inabot niya sakin ang isang maliit na salamin na hugis heart. “Hala sis ang laki nga!” sabi ko matapos manalamin. Grabe eyebags ko lakas ng epekto ng halik na ‘yun at hindi talaga ako nakatulog kagabi. Iyong feeling na hindi mawala yung pakiramdam nung labing dumapi sa labi ko. Well, it just a smack na ilang segundo din ang tinaggal. “Okay lang ‘yan sis, kumain nalang tayo sa canteen, tara.” ayaya niya at tumayo na kami parehas. Vacant hours ulit namin ngayon at mamaya pa ang sunod na klase. Pagkarating naming canteen nag-order agad kami ng baked macaroni at juice libre niya. “Sis, kamusta na pala kayo ni Zed?” tukoy ko sa kanila ng boyfriend niya matapos uminum ng juice. Para kasing madalang ko nang nakikitang pumupunta si Zed dito para sunduin tong si Quin. Sa ibang school kasi nag-aaral itong jowa ni sis then one-year na ang relationship nila. “Ayun, okay naman going strong,” nakangiting sagot niya. “Hmm. Sis, nag-kiss na ba kayo ni Zed?” Bigla ko nalang na itanong ko. Wala lang naalala ko kasi ‘yung nanghalik sakin kahapon. Ewan ko ba, ahh! basta gusto ko malaman. “Oo naman sis bakit mo naitanong?” Kunot-noo siyang nakatingin sa akin na para bang nagtataka. “Wala lang sis, heheh so, ano na pala kelan kana uli dadalawin ng jowa mo?” Pag-iiba ko ng usapan bakit ba kasi tinanong ko pa? Nag-mukha tuloy akong ewan. “Ang weird mo sis, anyway may date kami ngayong weekend,” excited na sagot ni Quin. “Gastos lang yan sis,” natatawa kong sabi. “Hoy! Palibahasa wala kang boyfriend!” Sumbat niya sa’kin at inirapan ako. Natawa lang ako sa reaksyon niya. Hindi bale ng walang boyfriend masaya kayang maging single, at saka hindi ko pa feel mag-jowa kaya hanggang ngayon NBSB ako may mga nanligaw naman sakin, syempre maganda din naman ako noh! Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sagutin kasi naiisip ko kapag sinagot ko na sila hindi nako NBSB at saka hindi naman ako nagmamadali para dyan and kung magkaka-boyfriend man ako siya na din ang gusto kong last man ng buhay ko heheh totoo yan kahit ang korny. Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkwentuhan ng kung anu-ano pagkatapos nuon ay bumalik narin kaming            room at nag-klase. “Miss, Agustin.” tawag sakin ng Prof. Natigil ako sa pagdradrawing at tumingin sa kanya. “Yes, Ma’am?” “Come here.” malumanay na sabi nito, tumayo ako at lumapit kay Ma’am. “Since tapos kana sa pinapaggawa ko, paki-dala nitong mga papers sa dean office.” sabay abot ng mga papel. Medyo marami kaya payakap kong itong dala dala. Tumango ako at lumabas na ng room. “Babe, see you later,” malanding paalam ng babaeng kasama ni Vayne sabay halik sa labi. Pagkakataon nga naman makakasalubong ko pa tong Vayne na ‘to at dito pa talaga sa hallway naiisipan mag-kiss mga PDA. Hayy. Huwag na lang pansinin. Napapansin ko masyado akong affected no? “Oh, sure saan ba sa condo ko or condo mo?” tanong ni Vayne dun na kulang nalang mag-panty si girl sa eksi ng palda. Maputi ito at maganda at saka pang model ang katawan tapos blonde ang buhok. “Condo ko na lang babe!” Excited na sagot nung babae. Saka tuluyan nag-paalam bago ‘yun nakiss ulit sila. Iling-iling nalang akong nagpatuloy sa paglalakad kahit makakasalubong ko na naman tong m******s na ito, bakit ba sa tuwing magkikita kami gumuguhit ang nakakalokong ngisi sa labi niya. “Oh, baby dami mong dala? Gusto mo tulungan kita?” Naku! Thank you nalang pero hindi na! Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin sabay irap at nilampasan siya. baby mo mukha mo! Sana hindi nalang ako ang nautusan ni ma’am. “Ang sungit mo naman baby, LQ siguro kayo ng boyfriend mo!” sabi pa niya napahinto ako sa paglalakad at nanlilisik na lumingon. “Excuse me! gwapong manyak wala akong boyfriend! NBSB ako no! At wala kang pakialam kung masungit ako! At saka wag ka ngang palaging nang-aasar! Papansin!” Inis kong sabi sabay lapit at hinampas ng papel na hawak ko. Tumawa lang si Vayne na para bang tuwang-tuwang makitang naasar ako sa kanya. Lakas talaga mang-asar! “Syanga NBSB! Ano ba bakit ang pikon mo para manghampas ka kaagad?!” Sheeet. Yung tawa niya. Assshhh!!! Bakit ganon! Ang tawa niya?! Bakit ang gwapo!!!!?! Samahan mo pa ng lintek na ngiting yan! Erase! Erase! “Eh! Kasalanan mo yan!” sigaw ko sa kanya. “Okay then?” Pang-aasar pa niya hahampasin ko sana muli siya ng hawakan niya ko sa braso para pigilan. “Ikaw babae, binibiro ka lang nanakit ka kaagad!” dagdag pa niya saka ngisi ngising binitawan ang braso ko. Inismiran ko siya ng todo. So, kasalanan ko pa pala!? Grabe! Wala nako masasabi sa lalaking ‘to. “Ewan ko sayo! d’yan kana!” sabi ko. “T-teka..” pigil niya. “Ano ba?! ‘wag mo nga akong hawakan!” sabay inalis ko kamay niya sa balikat ko, manyak na to hahawakan pako. “Arte mo! Ang ibang babae nga d’yan nag papantasyang mahawakan ko pero ikaw masyadong maarte!” pagyayabang niya. “Hoy! Ibahin mo ako sa mga babae mo! Huwag na wag mo akong hahawakan! p*****t!” Dinuro duro ko pa siya sa sobrang inis ko. Para nakong sasabog sa sobrang BADTRIP! “Masyado mong pikon talaga,” naiiritang saad niya. “Che!!” sabay irap ko. “Wag ka mag-alala Miss Heaven Agustin, hindi kita type, hindi ko type ang gaya mong NBSB— Pambibitin niya at ngumisi sabay bumaba ang tingin niya sa dibdib ko na agad agad kong tinakpan ng papel nahawak. ARGGGGHHHH!!!! PANIRA TALAGA NG ARAW!!! MANYAK!!!   ...No Boobs Since Birth.” Pagpapatuloy niya saka ngising ngising naglalakad papalayo habang nakapamulsa. Gusto ko siyang sakalin! Pasakal sa kanya please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD