Daphne 1 year later... “Ate Perlah, pakuha naman po itong mga gamit ni Zach. Hindi na kasi niya maharap ang magligpit lalo na at sobrang busy niya,” pakiusap ko kay Ate Perlah habang ako ay abalang binubuhat si Mikaela. Paglipas kasi ng isang taon ay nagulat kami ni Zach na kambal pa lang babae ang anak namin. Rinig ko sa iba kong kaibigan noon na halos lahat daw ng mga anak nila ay nagmamana sa kanilang asawa at wala man lang daw silang naipundar. Pero tuwing tinitignan ko ang aming kambal ay nakita ko na mukhang gano’n din sa akin haha... Mukhang lahat din ay namana nila sa kanilang ama. Iyon din ang sabi ng mga magulang ni Zach at nagpakita pa sila ng mga litrato noon ni Zach noong baby siya. Sana lang ay mukha lamang ang nakuha nila kay Zach at huwag sana ang ugali dahil si
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


