Daphne Paglipas ng halos isang buwan ay handa na nga ang lahat para sa muling pagpapakasal namin ni Zach. Ngayon ang araw ng aking kasal at halos wala man lang akong naitulog kagabi sa sobrang kaiisip ng aming kasal ni Zach. Nandito kami ngayon sa isang hotel at naka-check-in kami sa Lotte New York Palace kung saan ginanap noon ang anniversary party noon ng mga magulang ni Zach. Kasama ko ngayon si Dyanne na siyang kinuha kong maid-of-honor dahil bukod sa siya ang pinakamalapit ay naging malapit ko na rin siyang kaibigan. Ang ibang kaibigan ko ay nasa ibang kwarto kaya hindi ko alam kung ano na ang kanilang ginagawa. Alas-syete ang call time para sana maligo at maghanda na kami para sa aming make-up at lahat-lahat kaso itong diwa ko ay gising na ng alas-tres pa lang ng madaling araw. Ka

