Daphne “Ano’ng ibig mong sabihin sa ikaw ang sunod na namumuno sa presidente?” tanong ko sa kanya. “Bago mag-elect ang isang bansa noon ng isang presidente ay nauna nang namuno ang The Big Five. Sila ang itinuring na mga tagapamahala ng isang kontinente na naibigay sa kanila. Para maiwasan ang gyera sa bawat bansa ay ginawa ang The Big Five upang magkaisa ang lahat. "Kaso habang tumatagal ay nabura sa mga alaala ng mga tao ang nasabing The Big Five at namuno ang mga presidente. Pagkatapos ay nawala ang kapayapaan at nagkaroon ng gyera sa bawat bansa. Upang mawala ang gyera ay muling ibinalik ang nasabing The Big Five ngunit nag-iba ang mga patakaran sa pamumuno nito. "Imbes na sila ang muling mamuno ay sila ang susunod sa presidente. Hindi rin basta-basta na magiging parte ka ng T

