Daphne Pagdating ko sa nasabing pampang ay ramdam ko ang malamig na hangin sa aking mukha. Sa malayo ko ipinarada ang aking motor dahil sobrang tahimik ng lugar at sigurado akong maririnig nila ang paparating na ugong ng aking motor. Bumaba ako at saka mabilis na lumapit sa pampang at nakita kong halos walang tao rito. Pagtingin ko sa aking orasan ay malapit nang mag-alas-unse. Malayo pa lang ako ay nakita ko na ang isang malaking barko na nakaparada sa gilid ng pampang. Sa lahat ng mga barko na narito ay ito lang ang pinakamalaki kaya malakas ang kutob ko na ito ang gagamitin nilang paglalagyan ng lahat ng mga armas nila. Lumapit ako sa nasabing barko saka naghanap ng isang lugar na may taguan at medyo may kataasan upang makapwesto ako. Nang makita ko ito ay nagtago ako sa mga patong

