Daphne Kinabukasan ay magkahawak kamay kami ni Zach na pumasok sa kanyang bahay at hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. Syempre si Zach ay balik sa pagiging seryoso niya pero dama ko na iba rin ang awra niya. Grabe iba pala ang makipagtalik sa kotse dahil ibang-iba ito sa pakikipagtalik sa kama. Hindi ko alam kung may nakakita o nakarinig sa amin pero wala na akong pakialam. “Ma’am Daphne! Hays. Salamat naman at nakauwi ka na. Bakit ka ba bigla-biglang lumalabas ng walang paalam ha? Pinag-alala mo ako ng sobra dahil akala ko ay may nangyari na sa iyo.” Kita ko ang pag-aalala ni Ate Perlah sa akin kaya naman humingi ako ng paumanhin sa kanya. “Ate Perlah, pwede ka ho bang magluto ng sopas dahil kailangang malagyan ng mainit na sabaw ang tyan ni Daphne. Masyadong malamig ang

