Daphne Katulad nga ng sabi ni Dominus ay may kumatok sa aking pinto pagkatapos ng tatlumpong minuto. Lumapit ako agad at tinanong ang sinabi ni Dominus at narinig ko naman ang sagot nito na black kaya naman mabilis ko itong binuksan at dalawang lalaki na amerikano at isang babae ang bumungad sa akin. Agad ko silang pinapasok at nakita nila ang dalawang lalaki na nakahandusay sa aking salas. Humalukipkip ako habang pinapanuod sila na gawin ang kailangan nilang gawin. “You are Ms. Daphne, right? You are one of the Ingeniums at Order of Assassins in Italy?” tanong ng isang lalaki at tumango naman ako. “I am Clark, and I am one of the Veterans based here in America. This is Andy and Belle, and they are both Veterans as well. It’s nice to finally meet one of the Ingeniums in Italy.” Nakip

