Chapter 2

3522 Words
 ‘Visitors’   JIN He’s a p*****t? I just shrugged my shoulders. As if I care. I just want to sit. I had no choice kaya umupo nalang ako sa tabi ng Shawn na ‘to. He’s sleeping anyway.   “As for today, let’s have a small quiz okay?” Sabi nung professor. Kumunot kaagad ang noo ko. Does he even realize that we’re new at wala kaming alam sa mga lessons niya? Tumingin kaagad sa akin ‘yung prof at ngumiti. Oh, I get it know. Because I’m a Dela Cruz. Tumingin nalang ako kay Hani na nakanguso sa akin. I mouthed a ‘sorry’ to her at tumingin na sa prof namin.   “Don’t worry, everyone. Hanggang forty lang naman ‘to, and you also have thirty minutes to answer,” aniya.   “What?!” Reaction nilang lahat. As far as I know, he’s a math teacher. Twenty minutes to solve forty questions? Is this really a joke?   Binigay na niya ang mga papers sa harap at pinasa na ito sa amin. Nagising naman itong Shawn na ‘to at kumuha ng ballpen tsaka diretsahang sinagutan ‘yung papel. Napangiti ako nung nakita ko ang test paper. This is simple. I’m already done with this.  Binilisan ko ang pagsagot habang ninanakawan ng tingin ang timer sa table ng prof.   “Ahh! Eomma! Mianhe!” Here goes Hani. Nagkokorean na naman. And seriously? Bigla-bigla nalang siyang nagpapatawad sa Mom niya? Mahina akong natawa at pinagtinginan narin siya ng mga katabi niya.   “Ay! Sorry!” Paghihingi niya ng paumanhin at bumalik na sa pagsagot. Nakita ko pang tumingin sa kanya ‘yung katabi niya at pinakopya siya. Naawa siguro dahil kakatransfer lang namin. Tiningnan ko nalang ang katabi ko na natutulog ulit. Tapos na siya? Bakit ba siya tinatawag na p*****t? Mukhang hindi naman ah. He seemed like a normal dud—   “Pass your papers!” Bigla akong nabalik sa katinuan dahil sa sinabi ng prof namin. s**t. Tiningnan ko kaagad ang paper ko. No! Hindi pa ako nasasagutan ‘yung last number pero huli na. Kinuha na nila ang paper ko. Well, I guess that’s it.   “Okay! I’ll check the papers while you all go outside for a break. Be back here by twenty minutes.” Isa-isa na silang lumabas at Lumabas na din ‘yung katabi ko kaya lumapit kaagad si Hani sa akin.   “Girl~ huli na pala tayo ng one-week sa klase. Kasi naman si Tito, hindi kaagad sinabi na last week pa pala nagsimula ang klase~” Sabi niya habang tinutulungan akong iayos ang gamit ko. Akala ko ba alam na ng babaeng ‘to na huli na kami pumasok?   “How d’you know?” Tanong ko nalang sa kanya.   “Sa seatmate ko!” As expected, ang daldal talaga ng babaeng ‘to. So, kaya pala may pasok na kaagad. Hindi kagaya ng common first day of school ay walang pasok. “Jin. Infairness ah. Your seatmate was hot!” I just glared at her and gestured a ‘no’.   “Nope, you’re taking care of your heart this time, okay? Don’t let some random bastard break it again. Ayoko nang mambasag pa ng mukha, Hani.” Paalala ko sa kanya kaya tinakpan niya ang bibig niya at mahinang natawa.   “Alam mo, ang pretty mo pero para kang lalake magsalita. Macho.” Natawa nalang ako sa sinabi niya at mahina siyang pinalo ng papel sa ulo. Hindi na kami lumabas ni Hani at nagkwentuhan nalang sa upuan namin. Makalipas ang break ay bumalik na si Hani sa upuan niya dahil bumalik na pala ‘yung seatmate ko. Wala siyang sinabi at umupo tsaka natulog na naman.   “Psst~!” Tawag sa akin ng isang classmate kong babae. Tumingin naman ako sa kanya. “Yes?” I politely asked. “Minamanyak ka ba ni Shawn?” What she said changed my facial expression. Like seriously?   “No, and I don’t even have any idea why you’re calling him a p*****t,” sagot ko at tinaasan ko sila ng kilay kaya tinaasan din nila ako ng kilay. Ahh, so pataasan ng kilay ganun? And why am I defending this guy again? I don’t know. It feels like bullying and I really hate that kind of stuff.   “Kasi hindi mo alam!” Agad na napalingon sa amin ang ibang kaklase namin dahil lumakas na ang boses niya. Seriously? This type of girl is typical. Raising their voices in an argument.   “Then why would I bother knowing?” I asked her back. “Kasi wala k—”   “Leave her alone or else I’ll f**k you until you can’t walk.”    Lahat sila, napaatras dahil sa pagsasalita niya. He has this husky and scary voice. So, that’s why they’re calling him a p*****t, huh? Not just a p*****t! But a maniac. It’s his thing at wala na akong pakialam dun. As long as he stays in his lane, I’m out of his business. Umupo na ako ng maayos sa upuan ko at tumingin sa harap.   “Natapos ko nang i-check ang mga papers niyo. And as usual, Shawn Morgan gets a perfect score. Well done, Shawn.” Napalingon kaagad ako sa seatmate ko dahil sa sinabi nung prof namin. Oh, he’s smart, huh?   “Followed by Jin Dela Cruz with the score of thirty-nine. You forgot to answer number forty, Miss Dela Cruz.” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Yeah, I forgot to answer that because I spaced out. Tiningnan ko si Hani na mahinang pumapalakpak habang nakatingin sa akin. I was already done with this subject anyway kaya may kunting alam na ako.   The class ended after the professor checked our papers kaya kasalukuyang naghihintay si Hani sa akin habang inaayos ko ang mga gamit sa bag ko. “Anong next class mo?” Tanong ni Hani sa akin. “I got Psychology. You?” Tipid kong tanong at nilagay ko ang phone ko sa bulsa ko para makaalis na kami.   “Logic e~ Ugh! Una na ako!” Aniya at tsaka kumaway bago umalis. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papunta sa pinto nang magsalita ‘yung prof namin. “Jin, darling~ can you do me the pleasure na gisingin si Shawn?” The corner of my lips flinched. Darling? Tumango nalang ako at nilapitan si Shawn. Bakit ba palagi nalang ‘tong tulog?   “Hey, wake up.” Mahina kong sabi at inalog ang balikat niya at nagising naman siya kaagad at nagmadali na akong pumunta sa next class ko. I was almost lost in the lobby looking for this room. Tsk! Saang lupalop ng university ko ba ‘to makikita?   “‘San ko ba makikita ‘to?” Inis akong napakamot sa ulo ko at tiningnan ang papel. I don’t want to ask someone. Not my fault I was born with a shy personality na pati pagtatanong ng direction, nahihiya akong gawin. Now I’m going to suffer.   “Incoming!” Bigla akong napalingon sa likuran ko at dun ko lang nalaman na may bolang paparating sa akin. A soccer ball? In a hallway? Really? I was about to dodge the ball when a book came flying towards it, hitting it and diverting it away from my direction. Agad na tumilapon palayo ang bola kaya tumingin narin ako sa lalaking naglakad palapit sa libro at kinuha ito tsaka pinagpag.   “Ahh, this was new,” he said and looked at the pages that were folded and dirty because it fell on the floor.   “Uhm, thanks and sorry for your book,” sabi ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin kaya saglit akong natigilan. He somehow looks like.. Cole Sprouse? Umiling nalang ako at inayos ang bag ko.   “Sorry, Miss. Hindi ka namin nakita,” sabi nung lalaking naglalaro ng bola sa hallway at tsaka tumingin sa lalaking may hawak na libro. “Told you not to play in the hallways,” sabi nito kaya naningkit ang mga mata ko nung makita kong tumango agad ‘yung lalake bago umalis tsaka humarap sa akin ‘yung tumulong sa akin.   “Hi, I’m Jerome. But you can call me Rome.” Nakangiti niyang sabi at inilahad pa sa akin ang kamay niya.   “Jin.” Tipid kong sagot at nakita kong sandali pang naningkit ang mga mata niya pero maya-maya’y ngumiti rin at tumango habang hawak-hawak pa ang kamay ko. “Are you new here?” Tanong niya nung pinakawalan na ang kamay ko. Tumango lang ako bilang sagot at tiningnan ang class schedule.   “Oh, really? What’s your next subject?” He politely asked and maintained a certain distance with me.   “It’s missing—I-I mean, the room or—yeah, honestly I’m lost. I don’t know where this room is,” sabi ko at pinakita sa kanya ang room number tsaka building. Tiningnan niya naman ito at nung makita niya at mahina siyang natawa at tsaka tumingin sa akin.   “Is this some kind of destiny from a romance novel or what?” Tanong niya kaya naningkit ang mga mata ko. What does he mean?   “That’s my next class,” aniya at dun ko na nalaman ang ibig niyang sabihin. He then presented to walk with me to the classroom and since magkaklase nga kami sa subject na ‘to ay sumabay na ako sa kanya. Habang naglalakad kami ay nakita kong panay tingin sa amin ‘yung mga dinadaanan naming estudyante. This guy must be popular.   And not to boast but I’m tall pero hanggang balikat lang ani ng lalaking ‘to. They say, here in the Philippines, kapag matangkad ka, sikat ka. I think I’m starting to see it now. Sabay kaming lumiko sa corridor at nagliwanag agad ang mukha ko nung makita ang sign na ‘Room 1A’. Nandito ka lang pala. Pumasok kaming dalawa sa classroom kaya tumingin sa amin ang prof at napatigil sa paglelesson niya. Ahh, I’m late again.   “Mr. Fontiveros, why are you late? And who is this?” Tanong nung mataray na professor na babae at tinuro ako.   “I’m sorry I’m late, Ma’am. May pinagawa pa kasi sa akin si Dean and this is.. Jin.” Nakangiting sagot ni Rome at tumaasn naman ang kilay nung prof kaya kinabahan ako. I guess being late became my curse for today.   “Jinncy Dela Cruz?” Iniangat ko ang ulo ko at naguguluhang tumingin sa prof namin na nakangiti na habang nakatingin sa akin. “Y-You have the same surname. That’s weird.” Rome said as he smiled awkwardly habang nakatingin sa akin kaya mas naguluhan ako.   “Huh?” I ended up asking a question to him.   “Oh my godsh! Jin-jin! Ikaw na ba ‘yan? Ang ganda ganda mo na, ija. Ano? Nakakaintindi kaba ng tagalog? Huh? Do you understand me, dear?” Biglang lumapit sa akin ‘yung prof at hinawakan ang pisngi ko at sinuri ang buong mukha ko. Nakita kong natawa si Rome sa pinaggagawa sa akin nung prof. Sino ba namang hindi matatawa kung halos lamunin ng ng kamay niya ‘yung mukha ko. It’s not my fault I have a small face.   “Sino po kayo?” I politely asked.   “Ouch naman, Jin-jin. Ako ang nag-alaga sa ‘yo nung three years old kapa. Hindi mo ako naaalala? It’s me. Your Tita Cassy!” She said with a big smile and that’s when bitter memories hit me.   “Jin-jin! Lumabas kana, baby. Kakain na. Tsaka susunduin ka na ng Auntie mo!” Nagtago kaagad ako sa ilalim ng mesa habang hawak ang baseball bat ko.   “Jin-jin! Baby! Tara na! ‘Wag na pahirapan si Tita!” Unti-unti akong lumabas at nung nakita ako ni Tita Cassy ay agad akong sumigaw sa takot at tumakbo palayo.   Bakit ako takot kay Tita Cassy? Pinapakain niya ako ng ampalaya, pinapainom ng gatas na parang binudburan niya ng isang kilong asukal at binibihisan ako na parang madre. Mahina akong napakamot sa batok ko at ngumiti nalang sa kanya.   “Ahh, Tita Cassy. Sorry po. I didn’t recognize you,” sabi ko at tiningnan si Rome na nakatingin sa akin with a smirk on his face. And why are we still standing in the middle of the doorway?   “It’s okay, ija. Now, find a seat. Kapag nasa klase kita, hindi kita kilala, okay? Now sit down before I make your grades bleed!” Saglit pa akong napapitlag nung bigla nalang sumigaw si Tita Cassy sa akin. Hinila kaagad ako ni Rome at pinaupo sa tabi niya. Humugot nalang ako ng malalim na hininga at inayos ang gamit ko. Grabe, nakakatakot parin si Tita Cassy. Nilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid. Parang sa states lang pero mas marami ang windows dun.   “Miss Dela Cruz.” Tumingin kaagad ako kay Tita Cassy—este Ma’am Cassy nung tinawag niya ako.   “Answer this question.” Napasapo nalang ako sa mukha ko dahil dito. Isn’t it weird that first day ko rito at nag-quiz kami ng forty items kanina at ngayon na kakapasok ko palang sa subject na ‘to ay pinapasagot na kaagad ako? These students must be thinking that I’m showing off or something. And it’s Tita Cassy’s thing to always pay attention to me kaya siguro pati sa klase ay nasa akin ang atensiyon niya.   “O-Okay.. Ma’am?” It was very cringey calling her that and I heard Rome giggled because of my tone.   “He is a British physicist on 1871- 1937,” I just sighed. These were her lessons to me when I was a kid. I think she’s just checking if I remember it or not o baka naman inutusan na naman siya ni Dad na i-check kung may laman pa ba ang utak ko. Tsaka marami namang scientist sa year na ‘yan. But British, you say?   “E-Ernest Rutherford?” Parang tanga kong sagot.   “Are you answering or making another question?!” “Answering, Ma’am!” “Are you mad?” “No, ma’am!” “Final answer?” “Yes, Ma’am.” “Really?” “Yes, Ma’am.” “Are you serious?” “Yes, Ma’am.” “Wala nang bawian?”   Hindi ko alam kung papatulan ko pa ba si Tita Cassy sa mga ginagawa niya. I just made a big sigh at natawa nalang siya sa akin.   “I’m just messing with you. You’re still so cute. Your answer is correct, now sit down!” Muli ay napapitlag ako dahil sa sigaw niya. Umupo nalang ako kaagad at muntik ko nang irapan si Tita Cassy. Hindi ba niya alam na dito ako papasok? Nabigla pa siya kanina. Nagpatuloy na siya sa discussion habang nilalabas ko na ang iPad ko at dun na nagsulat ng notes. Writing it on a notebook it such a hassle.   When the bell rang, I immediately closed my iPad and put it right back on my bag. Lumingon narin ako sa katabi ko na inaayos na ang gamit niya. Rome just smiled at me kaya ngumiti narin ako at tumayo na. Naglakad na ako palabas para mauna ako kay Rome ngumit may humila ng buhok ko.   “Ay sorry! Naipit buhok mo sa book ko,” sabi nung isang girl na naka-sunglasses. Uso ba sore eyes dito? I just gave her a blank expression at lumabas na.   “What’s your next class, Jin?” Sandali akong natigilan nung nagtanong si Rome. I thought we were only friends when it’s our subject but I think he’ll be sticking around or I’m just being assuming.   “Physical Education. Teka? Bakit may ganito? PE2 pa ko tapos may swimming class? It’s supposed to be volleyball, diba?” I felt so stupid asking that question because why am I thinking of my university classes in the US when I’m already back here? Tumawa naman si Rome kaya hindi na ako nagtaka pa.   “Just go with your schedule, Miss Dela Cruz,” aniya at tinapik ang balikat ko at umuna na sa akin.   ✥✥   Lunch na at kasalukuyan akong nakapila sa canteen kasama si Hani. “So, ayun. Nalaman ko name niya. Hmm. He’s cute anyway. Diba, Jin?” Nilingon ko si Hani at tumango kahit hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya.   “And also, may gagawin ako ngayon kaya mauna na ako sa ‘yo. Bye!” Aniya at tumakbo na siya palayo kaya naiwan akong nakatingin sa direksiyon na ‘yun. She seems busy these days.   “Miss, bibili ka ba?” May lalaking nagsalita sa likuran ko habang nakaabot ang kamay niya sa gilid ko dahil may binili na pala siyang juice at nakuha ng atensiyon ko ang relo niya. Rolex, huh? Students in this university really are rich kids. Tumango lang ako at bumili ng pagkain at naghanap ng mauupuan.   After I ate my lunch, that wasn’t even good at all kasi wala akong ganang kumain. Nagsasayang na naman ako ng pagkain. I just made a huge sigh at dumiretso na sa swimming pool dahil ‘yun naman ang next class ko. Hindi na ako nagpalit dahil wala pa naman akong swimming gears. Pagpasok ko palang sa swimming pool at napabuga na ako ng hangin sa nakita ko. Two people inside the pool were kissing each other as if they were going to drown.   “Am I interrupting?” Tanong ko nung mapatingin sa akin ‘yung babae dahil nakatalikod ‘yung lalake sa direksiyon ko. “s**t!” Sambit nung lalake nung tumingon siya sa akin at umahon siya kaagad at iniwan ‘yung babae. Taas-kilay akong tumingin nung lumapit ‘yung lalake sa akin.   “Wala kang nakita, Miss.” Tiningnan ko ‘yung mukha niya habang nagsasalita siya. He looks familiar.   “Mr. Rolex?” Tanong ko at medyo natawa pa dahil sa tinawag ko sa kanya. Lumaki ‘yung mata niya kaya natawa ako ulit. What a small campus. “Ikaw ‘yung babae kanina sa canteen?” Tanong niya habang umahon naman ‘yung babae sa pool at hinila siya.   “C’mon, baby! Let’s continue!” The girl said pero bigla nalang niyang tinulak ‘yung babae kaya nahulog ito ulit sa pool. Woah, I didn’t expect that. “Wag kang magulo. May beginner sa swim team.” Nakangiting sabi nung lalake. Parang wala namang instructor dito kaya tumalikod na ako.   “Miss Canteen. Saan ka pupunta?” Tanong nito kaya humarap ako sa kanya. I’m not Miss Canteen for pete’s sake. Siguro kasalanan ko rin ‘to dahil tinawag ko siyang Mr. Rolex.   “Excuse me, my name is Jin at aalis na ako!” I said and faked a smile at lumabas na. First day of school and I witness a disaster at the swimming pool. Oh well, nothing new. Back in the US kahit sa lobby, you always see a kissing couple. I should really stop comparing things in the US and in here. It’s becoming a bad habit of mine.   “Hey! I have a name too! It’s Hunter!” Pahabol niya. I didn’t even ask for his name. Such a playboy.   ✥✥ I finished all of my classes for today at palabas na ako ng building sa last class nang mag-text sa akin si Hani. Sinabi niyang mauuna na raw siya sa akin kaya hindi na ako nagreply at binalik nalang ang cellphone sa bag ko at naglakad na papunta sa gate. I hope Manong Dee is already there kasi gusto ko nang umuwi kaagad.   Dumaan na muna ako sa guard house para kunin ang skateboard ko na iniwan ni Hani rito kanina. Binigay naman niya ito kaagad sa akin at naglakad nalang ako papunta sa parking area dahil nagtext na naman si Manong Dee na nandun na raw siya. I guess he knows my schedule.   I should probably ask Dad to just let me drive a car to school by tomorrow. Naglalakad ako papunta sa kotse namin nang makita ko ang tatlong lalake na nakaupo sa likod ng isang pick-up truck. One of them was strumming a guitar habang nakatingin lang sa kanya ang isa at ‘yung isa naman ay nagbabasa ng libro. Well, if it isn’t my algebra seatmate, psychology seatmate at ‘yung lalaking nakita kong may kahalikan sa pool. They’re friends? What a small world.   “Yo, Miss Dela Cruz!” Nakangiting tawag sa akin ni Rome at itinaas pa ang librong hawak niya kaya wala akong choice kundi ang humarap sa kanila. It’s a shame I didn’t wear any earphones dahil kung ganun ay sana naiwasan ko pa ‘to. Sabay na tumingin sa akin sina Shawn at ‘yung Hunter na ‘yun. Shawn stopped strumming his guitar and raised an eyebrow at me.   “Kilala mo?” Tanong ni Shawn kay Rome.   “Seatmate ko sa psych,” sagot ni Rome at mahinang natawa si Shawn, probably thinking that it’s a coincidence na seatmate ko rin siya sa algebra.   “We meet again, Miss Canteen.” Iniwasan ko nalang umirap sa sinabi ni Hunter. I guess we would really meet a lot considering that we’re in the same university at may mga classes akong nandun sila. Tipid nalang akong ngumiti at naglakad na palayo. I really don’t plan on getting to know any of them since I have no business to do with them.   “See you soon, Miss Canteen!” Sigaw ni Hunter kaya may mga tumingin na sa amin, not that walan nakatingin sa amin kanina dahil nung tinawag palang ako ni Rome ay parang umikot na papunta sa akin ang tingin ng mga babae rito sa campus. Those guys must be popular or something. I don’t even want to give a damn.   Pumasok na ako sa kotse at tsaka na nagmaneho si Manong Dee pauwi. Pag-uwi ko ay nagpalit na ako ng black sando at white shorts tsaka ako humiga sa kama ko. Nahihilo ako, hindi ko alam kung bakit. I tried to sleep but I flinched when my phone rang. Sinagot ko kaagad ang tawag ni Daddy.   “Yes, Dad?” Sagot ko at umupo sa kama. “Jin, how was your first day of school?”   “Fine.” Tipid kong sagot at sinapo ang mukha ko. I’m really sleepy.   ‘‘D’you made any friends?” Friends? Friends ba tawag dun kina Shawn? “Nope,” sagot ko at gumulong sa kama.   “Wala? How about someone you just knew?” Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Dad’s paying extra attention to me today, huh? That’s new. “Meron. Tatlo.” Walang gana kong sagot at humiga ulit sa kama ko.   “Sino?” It’s rare for him to ask so many questions kaya sasagutin ko nalang lahat.   “A p*****t guy named Shawn. A Cole Sprouse look-a-like named Rome and an international playboy named Hunter.” Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Medyo natagalan pa bago makapagsalita si Dad. Ano kayang iniisip nun? Why would I bother? It’s not about me anyway. But I smiled a little, knowing that Dad paid extra attention to me today. I’m one step closer to him acknowledging me.   “Jin, nandito ako sa bahay. Nasa office ko. Come here, honey.” Napaupo ulit ako sa kama ko dahil sa sinabi ni Dad. Dad’s here? Well, that’s new.   “O..kay?” Tinapon ko ang phone ko sa kama at bumaba na. Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng cupcake at dumiretso sa office ni Dad. Ano kayang meron? Walang katong kong binuksan ang pinto habang nakayoko kasi kumakain ako ng cupcake.   “Hi, Jin. Pwede pahinging cupcake?” Agad akong natigilan nung marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yun. It was Hunter.   And then there’s Shawn and Rome. Wait, what? What the hell is going on?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD