Chapter 3

1809 Words
‘Visitors Pt. 2’   JIN   “What are you guys doing here?” Naguguluhan kong tanong sa kanila dahil halata namang nagulat ako nung nakita ko ang si Hunter na nakangisi sa akin.   “Dito kami madalas tumambay. Ang ganda kasi ng billiard room niyo dito sa bahay niyo,” sagot ni Hunter na nakangiti habang nakatitig sa legs ko. He’s the p*****t one. Si Rome naman, nagbabasa ng libro habang si Shawn natutulog habang may magazine sa mukha niya. Bigla nalang tinanggal ni Shawn ang magazine sa mukha niya at tumingin sa akin.   “E ikaw, anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Shawn kaya mas lalo akong naguluhan. Uhh, they’re not informed? “Obviously. I live here.” Walang emosyon kong sagot at kinain ko na ‘yung cupcake at tumingin kay Dad na nakatingin lang din sa akin.   “Ang tangkad mo na, Jin!” Sabi ni Dad habang nakangiti pero tipid lang akong ngumiti sa kanya. I can’t fully express my emotions because these guys who I barely knew are in the same room as I am.   “I forgot to inform you, Jin sweetie. These boys are my buddies’ sons. I made them come to me dahil gusto ko silang nasa tabi ko para kung sa ganun, may katulong kang magpapatakbo ng negosyo ko.” Doon na nagbago ang facial expression ko at ikinuyom ang kamay ko. There’s that topic again. Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin kay Dad.   “Dad, you’re thinking that I can’t handle our business on my own just because I’m a girl?” Mahinahon kong tanong. Don’t go crazy, Jin. Umangat lang ang gilid ng labi ni Dad.   “I’m just doubting a little. Kasi naman, babae ka, honey. And business needs hard muscles and bravery and all the manly kind of stuff to make it running. Hindi lang ito puro computer at papeles, Jin. You need their help too.” Tumingin ako kay Dad at lumapit sa kanya. Hindi niya ba alam na ‘I work alone’? And I really think that Dad needs to get out more. Hindi ba siya aware na mas dumarami na ang mga businesses na pinapatakbo ng mga babae? Businesswomen in China are making billions by working on their own and here’s Dad, doubting that I won’t be enough.   “But Dad, I don’t get tired easily. To that fact that I don’t think I ever get tired. At kailan man sa buhay ko hindi ko pa nasasabing pagod ako. And now you’re thinking that I can’t handle our business?” Natatawa kong tanong sa kanya. It’s not that I want to work alone all the time, but knowing that these three men in front of me who I barely know are candidates of running the company, that’s what I don’t agree to. Natulala si Dad at lumingo-lingo. ‘Yung tatlo naman, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin.   “Wow, Jin! That’s by far the longest phrase na sinabi mo. Well, sa ibang ways, alam kong mas mahaba pa diyan ang speech mo—pero kung ngayong galit ka? I’m impressed!” Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi ni Dad. He even knows that I’m pissed even though my tone was calm. Maybe my facial expression gave me away.   “Wow, Jin! Hindi mo pa nasasabi ang salitang ‘I’m tired!’ in an expression?” Manghang tanong ni Rome. Hindi ko siya pinansin at tumingin ako kay Hunter na nakatingin parin sa akin.   “That’s one good-looking legs, Jin!” What the hell? Seriously? Right in front of my Dad?   “Pervert.” Tipid kong sabi at tumalikod na ako para makaalis pero bigla nalang nagsalita si Shawn.   “I just don’t get girls these days. Nagsusuot sila ng mga shorts para ipakita ang legs nila pero kapag kinicompliment sila ng mga lalaki, nagagalit naman at tinatawag pa kaming manyak. Where’s the logic?” Tumingin ako sa kanya at hindi nagsalita. Kaya ko lang naman sinout ‘to dahil mainit. I can’t believe Dad’s even tolerating these words from them. Dad just shrugged his shoulder when I looked at him. As always, he doesn’t care. Napailing nalang ako at tuluyan nang lumabas sa office ni Dad.   “Jin! Pahinging cupcake!!” Hinabol ako ni Hunter kaya wala na akong nagawa kundi maglakad papunta sa kusina. Hindi ko alam na ang baboy pala nito pagdating sa pagkain. Akala ko sa babae lang baboy ‘to. Dumiretso na kami sa kitchen at binuksan ko ang ref tsaka kinuha ang isang box ng cupcake at binigay ito kay Hunter.   “Thanks!” Walang gana akong tumango sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ko. I hate what my Dad thinks about me not running the family business. Bakit naman kasi hindi nalang ako naging lalake so that Dad can be proud of me in anyway? Ugh! Whatever.   “Uhm. Jin?” Huminto ako sa pagiimaginary sampal sa sarili ko at lumingon kay Hunter.   “Are you okay?” Of course, naman. Okay lang ako. Ikaw ba naman pagsabihan ng Dad mo na hindi mo kayang maghandle ng business kasi babae ka. Mahina nalang akong natawa at tumango. “Yup,” sagot ko at tumalikod na ako tsaka naglakad papunta sa hagdanan.   “I know a girl when she’s not okay.” Dagdag pa niya pero hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na ako. Yeah right, you know girls because you’re a playboy that is.   ✥✥ Bigla akong nagutom habang nagbabasa ako ng paperwork kaya bumaba nalang ako at pumunta sa kusina. Papunta palang ako dun ay naririnig ko na ang mga kalampag sa mesa at mga kutsarang tumatama sa pinggan. Someone’s here?   “Hi, Jin. Salad?” Bati ni Rome habang pinapakita sa akin ang isang bowl ng vegetable salad.   “What are you doing here?” Tanong ko at hinihilamos pa ang mga palad ko sa mukha ko. Wala akong pakialam kung stressed akong tingnan. This is my house anyway. I checked the time on the wall, nine in the evening.   “Obviously, were eating.” Biglang sumambat si Shawn na kakasara lang ng ref at may hawak na juice.   “Gaano na kayo katagal tumatambay sa bahay namin?” Tanong ko ulit at inayos na ang sarili ko.   “About a year,” sagot ni Rome. Now how didn’t I know that? Kumuha ako ng pinggan at umupo. I’m hungry. Wala akong pake kung nandiyan man sila o wala. “Someone’s offended, hm?” Tanong ni Rome tsaka uminom ng juice. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha na ng kanin. I don’t want to talk about what happened at Dad’s office. It pisses me off.   “Bakit walang nag-invite sa akin na kumain?” Pumasok si Hunter sa kitchen at umupo sa tabi ko. Kumain lang ako nang kumain habang nag-uusap sila. Parang ako na ang naging bisita dahil sobrang feel at home na ang tatlong ‘to. Kulang nalang siguro ay dito na rin sila tumira.   “Jin, bakit minsan ka lang nagsasalita?” Natigilan ako sa tanong ni Hunter. What? Madaldal naman ako. Well, if they see me that way, it’s not my problem.   “Habit.” Tipid kong sagot at tumayo na ako at nilagay ang plato ko sa sink. I’m full. Now, ano kayang pwedeng gawin para makabawas fats? May naisip akong magandang paraan kaya iniwan ko na sila dun at pumunta sa terrace dun sa taas. I’m really glad na nandito pa ‘yung billiard pool table ni Dad.   “Asan na ‘yung tako?” Tanong ko sa sarili at nakita ko ang tako sa gilid. Ito ‘yung lucky tako ko noon ah. Akala ko wala na ‘to. Para akong baliw na nakangiti sa tako. Kinuha ko na ang triangle at pinuwesto ang mga bola sa loob nito. I’m been playing pool since I was a kid. Tinuturuan ako ng mga uncles ko noon at naging hilig ko na ito kapag wala akong magawa.   I did a good breaking dahil nakuha ko kaagad ang number one at two. Lumipat ako sa kabilang side at sumandal sa sulok para maasinta ko ang number three. Pinuwesto ko na ang dulo ng tako ko sa cue ball. Eight balls lang kasi ang larong ‘to.   “Hell yeah!” Sigaw ko nung sumakto ang calculations ko at nakuha ko kaagad ang number four at five. Pinagpatuloy ko ang laro hanggang sa ang last ball nalang ang natitira. Ball eight.   “Hmm~” Pumwesto ako ulit sa gilid at medyo nahirapan pa ako dahil malayo kasi ‘yung ball eight. Hindi ko parin makuha kaya ginamit ko ang kaliwang kamay ko.   “Now that’s what I’m talking about!” Sigaw ko nung nakuha ko na. Binalik ko na ang tako ko sa stand at bumuntong-hininga. I’m satisfied with that game. Pinagpag ko na ang white powder na nasa kamay ko dahil ginamit ko itong pampadulas sa kamay ko kanina.   “Nice angle, Jin!” Nagulat ako kay Hunter kaya inihilamos ko ang kamay ko sa mukha niya. May powder ‘yung kamay ko kaya ayun parang binunggo ng isang sakong harina ‘yung mukha ni Hunter. “Gee. Thanks, Jin!” Aniya.   “My pleasure!” Sarcastic kong sagot at pumunta ako sa sala. I feel sorry for his face pero hindi ko naman sinadya ‘yun. Pagdating ko sa sala ay nakita kong nandun pa pala sina Shawn at Rome. Bakit andito pa ‘tong mga ‘to?   “It is said that minotaurs are not real and they are just mythical creatures. Huh? Tamang libro ba ang nakuha ko?” Lumingon ako kay Rome na kinakamot ang ulo niya. Nakaupo siya sa sofa at may binabasang libro. Dumaan lang ako sa gilid niya.   “I’m pretty sure Jin knows the answer to that dahil ayon kay Sir Jaime, Jin loves Ancient Greek kinda stuff.” Kumunot kaagad ang noo ko sa sinabi ni Shawn. And since when did Dad mention things about me to other people? Tumingin narin si Rome sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako. Right, marupok ako pagdating sa knowledge.   “It’s not true. Because in ancient Greek, minotaurs have been serving Pharaoh’s slaves as a delivery animal for his crops and foods. That’s back in 1000 B.C.” Nakapameywang kong sagot at tiningnan si Shawn. Satisfied? Rome just gave me a smile kaya naglakad na ulit ako pero sumalubong sa akin si Hunter na may pulbura pa sa mukha.   “Oh, anong nangyari sa mukha mo?” Tanong ni Rome sa kanya kaya agad namang tumingin si Hunter sa akin.   “Masyado kasing magaling si Jin mag-billiard,” aniya at pinunasan ang mukha niya. Nagkibit-balikat nalang ako at pinadaan na siya para makadaan narin ako pero may papel na tumilapon sa akin.   “Seriously, Shawn? May trash bin sa gilid mo,” sabi at pero nakita kong nakatingin pala siya sa akin.   “You’re also good at math, right? Help me with this.” Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.   “What am I? Your tutor? At diba ikaw ‘tong magaling sa math? Naka-perfect ka nga sa quiz kanina diba?” Tanong ko sa kanya kaya nakita kong napa-‘o’ ang bibig nina Hunter at Rome at pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Shawn just raised an eyebrow at me.   “Perfect ka rin naman sana kung hindi ka nadistract sa mukha ko.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o ano. I just rolled my eyes and turned away to pick the piece of paper and looked at it.   “Try solving it with the reciprocal formula and apply the trinomial function tsaka muna siya i-cross multiply sa pi. Happy now, Mr. Perfect?” Tanong ko sa kanya at napaawang na naman ang bibig nina Hunter. Tinapon ko pabalik sa kanya ang papel at umalis na pero bago ako umalis ay nakita ko pa ang ngiting sumilay sa labi ni Shawn. They’re having fun teasing me, huh? Dorks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD