Maaga pa lamang ay nagtungo na ako sa bahay nila Mama at Papa. Sinalubong ako ni Mama, ang nanay ni Hendrix. She was smiling at me. Iginiya niya ako patungo sa sala. I saw my father in law reading a newspaper. Agad akong lumapit sa kanya.
"'Pa?"
He looked at me.
"Jean, ang aga mo ata ngayon, hija."
"Have you eaten? The breakfast is ready." Si Mama ang nagsalita.
Lumabas sa kwarto si Ate Luna, she was holding her one year old daughter. Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Jean, are you with Hendrix?" Nakangiting tanong niya.
Para akong nabilaukan sa tanong niya. Ibig sabihin ay hindi rito tumuloy si Hendrix kagabi.
"'Ma, 'Pa."
Tiningnan nila ako.
"What baby? May problema ba kayo ni Hendrix?" Si Mama ang nagsalita.
Huminga ako ng malalim. Magsasalita na sana ako pero bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Hendrix, agad siyang nag-mano sa kanyang mga magulang. Tiningnan niya ako pero saglit lang iyon.
"Good thing that you're here," aniya.
"Mama, Papa, from now on we were no longer living in one house," anunsyo ni Hendrix.
Gulat ang namalatay sa mukha ng lahat.
"We decided to end our marriage." dagdag pa ni Hendrix.
I faced him. The longing in his face was gone. Wala akong ibang makitang ekspresyon kundi blangko lang. Lumuhod ako sa harapan ni Hendrix. Mas lalong nagulat ang lahat sa ginawa ko.
"Hon, please, huwag mo naman gawin 'to. I promise I will be a better wife. Maglalaan na ako ng oras para sa atin, mas uunahin na kita sa kahit na ano pang gagawin ko. Hendrix, please don't do this to me! Please, I' m begging you!" I pleaded while crying.
"Hendrix, ano bang nangyayari?" Papa's voice roamed inside the house.
"We're having an annulment, Papa." Walang kaabog-abog na sabi ni Hendrix.
"No, please, hon, no! Ayoko!" Hinawakan ko ang kamay niya pero inilayo niya iyon. Bagkus ay itinulak niya pa ako dahilan para mapasubsob ako sa sahig.
"Hendrix!" Si Mama naman ang sumigaw. Agad niya akong dinaluhan upang tulungan na maitayo. I was crying helplessly.
"Mama, Papa, please, please, help me... I can't live without him. 'Ma, please, please!" pagsusumamo ko kay Mama.
"Ano bang nangyayari sa inyong mag-asawa?" Seryosong tanong ni Papa. "Kung may problema kayo dapat ay pag-usapan ninyo ang lahat hindi solusyon ang hiwalayan sa bawat pag-aaway."
"'Pa, please, get rid of Jean for me," nagulat ako nang sabihin iyon ni Hendrix.
Nawalan ako ng lakas ng lumuhod si Hendrix sa harapan ni Papa.
"I'm so done with her. I just wanted to be happy. Genuinely happy." He said while crying.
Mahina akong natawa. Happy?
Pinilit kong umayos ng tayo, kahit pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa ang mga susunod na mangyayari. I faced him. Tinulungan ko siyang tumayo. I looked at him in the eye.
"Is this what you wanted, Hendrix?" Seryosong tanong ko. Bumagsak ang luha sa mga mata ko. Inaasahan kong pupunasan niya iyon kagaya ng dati niyang ginagawa sa tuwing umiiyak ako. Ngunit nagkamali ako.
"Yes."
Parang may ilang libong kutsilyong tumarak sa dibdib ko sa naging sagot niya.
Pinahid ko ang luha ko. I smiled.
"Then beg. Hindi mo makukuha ang gusto mo. You will stay with me as long as I'm alive!" pagkasabi'y nilampasan ko siya saka umalis sa bahay.
Sinundan niya ako hanggang paglabas. Hinila niya ang kamay ko.
"Don't make it hard for the both of us, Jean." gigil niyang sabi. Mas lalo ko siyang nginisian.
"Hard for the both of us? No, this is just hard for you because you can't live with your mistress because you're still married to me, right?"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Lumubay ang pagkakahawak niya sa akin. Tinanggal ko ang kamay niya saka siya tiningnan sa mata.
"You will never ever be happy as long as you're with me. You cheated on me, then face the consequences of what you did. Habang buhay kang matatali sa akin. At habang buhay kayong magtatago ng kabit mo, Hendrix! Akala mo ba tanga ako? Well, news flash, mas tanga ka dahil sa dami ng taong puwede mong lokohin ako pa ang napili mo!" dinagi ko siya saka mabilis na sumakay sa kotse ko.
I was breathing so hard. Nag-uunahan ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Ang sakit. Buong akala ko ay maayos kami, akala ko lang pala iyon. Kinakatok ni Hendrix ang bintana ng sasakyan ko but I didn't bother opening it. Bagkus i-ni-start ko ang makina saka nagsimulang magmaneho.
Bumalik ako sa bahay namin. Una kong nakita ang wedding picture namin. Agad ko iyong ibinato. Sunod ay lahat ng mahawakan ko ay isa-isa kong ibinato. Para akong tanga na nagwawala sa loob ng bahay.
Nang mapagod ay sumalampak ako sa sahig. Anong ginawa ko para lokohin ako ni Hendrix? I did everything. Naging mabuti naman akong asawa.
Nanatili akong nakaupo sa isang tabi at umiiyak. Hindi ko na alam kung anong oras. Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko ngunit hindi na ako nag-atubiling tingnan iyon. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi galit, pighati. Maraming katanungan sa isip ko na hindi ko naman alam ang kasagutan. Namalayan ko na lamang na madilim na.
Nakarinig ako ng tunog ng kotse. The next thing I knew Hendrix was infront of me. Blangko akong nakatingin sa kanya.
"Jean." Malumanay ang boses niya. Hinagod niya ang buhok ko. "Let's go to our room," hinawakan niya ako pero pinalis ko iyon.
"Why are you here?"
"Kumain ka ba?"
"Why are you here?" ulit kong tanong.
"I'm checking up on you."
Pagak akong napatawa. How could he? Matapos niya akong lokohin.
"I'm fine."
"Magluluto ako,"
"Nasaan ang kabit mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot sa halip ay pinulot niya ang mga nagkalat na gamit. Inuna niyang kunin ang wedding picture namin. Agad akong tumayo saka inagaw iyon. Kinuha ko ang picture saka inalis sa basag na frame. Pinunit ko iyon. Shocked was written all over his face.
Sinampal ko siya ng malakas. Nanginginig ang kamay ko. Hindi siya nagsalita. Tumalikod lamang siya at muling pinulot ang mga kalat. Hinayaan ko lamang siya. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina. Umupo akong muli. Ilang sandali lamang ay bumalik na siya na may dalang pagkain. Sumandok siya gamit ang kutsara saka akmang susubuan ako.
"Why are you still doing this?"
"Just eat," utos niya.
Tinabig ko ang kutsara.
"I'm sorry, Hendrix. Kung ano man ang ginawa ko para maging dahilan ng pagloloko mo. I'm sorry... but please don't leave me," niyakap ko siya ng mahigpit. "Please, hon, please, nakikiusap ako. Ikaw na lang ang meron ako. Please, please, don't leave me. Gagawin ko lahat. Magbabago ako. Bibigyan na kita ng oras just please stay with me. Ako ang piliin mo, nakikiusap ako, Hendrix. Please," I said while crying.
Hindi siya nagsalita. Tumunog ang cellphone niya kaya naman umagwat siya sa pagkakayakap sa akin. Lumayo siya saka sinagot ang tawag.
Ilang minuto lang ang itinagal noon at bumalik siya sa akin.
"Aalis na ako, Jean."
Hinabol ko siya saka niyakap ang kanyang binti. I was crying helplessly. Nagmamakaawa sa kanyang huwag niya akong iwan ngunit walang talab iyon.
Hendrix still decided to leave.