"Yes my queen, please come in." Hanggang tenga ang ngiti ng lalaking nakasuot ng tight fitting jeans, hubad sa pang-itaas at isang bow tie ang nakalagay sa leeg. A perfect image of a male stripper.
"M-Me?" Wala sa sariling itinuro ang mukha.
"Of course! Please..." niluwanangan nito ang bukas ng pinto. "You are very much welcome."
Hindi niya alam kung paano nangyari pero parang may dalang hipnostismo ang lalaki at napahakbang siya palapit rito na lalong ikinaluwang ng ngiti sa labi nito. Interesting! Yun ang naging paglalarawan ni Leah sa lugar kaya naman tuluyang nabuhay ang kuryusidad kung ano ang mayroon sa naturang lugar.
"Yes, that's it. You are kind of underdressed but we don't discriminate a queen in here. We even prefer you without dress."
"Excuse me!" She was a little offended as no one is brave enough to talk to her like that.
Pero imbes na patulan siya ay iginiya na siya papasok sa loob. "Are you by yourself?"
Gustong pagtakhan kung bakit hindi cringy ang pag-english nito knowing the place. "I am not planning to come here-" biglang natigilan ng paglampas sa mahabang pasilyo ay bumungad ang isang hindi normal na eksena sa kanya. It was a typical disco bar. May mga round tables kung saan naroon ang hindi mabilang na mga babaeng sa tingin ay mga may edad na. Ilang kabaklaan na nakatutok ang mga mata sa harap kung saan nagpe-perform ang ilang mga kalalakihan.
"Which table do you prefer?" Tanong ng katabi.
Pero wala dito ang atensyon kundi sa mga lalaking gumigiling sa harapan. Strip teasers! Iyun agad ang pumasok sa isip sa ginagawa ng mga ito. At sa labis na pagkamangha ay hindi basta-basta ang itsura ng mga performers. She is not exaggerating, but most of them are good-looking. May mga height at kung hindi siya nililinlang ng mga mata dahil sa spotlight na nakatutok sa mga ito ay wala kang itatapon ni isa.
"What's your name queen? Adonis here, at your service.”
Doon siya bumaling rito. Do you belong there? Pero ni hindi gustong bumuka ng bibig. She felt her cheek burned as he gazed back at her wonderlingly. "W-Water."
Sumeryoso ito. "Your name is water? Interesting name. I like it.” Muling bumalik ang ngiti sa labi.
Naalis ang atensyon kay Adonis ng magsigawan ang mga audience. Ang mga lalaki kasi sa harapan ay isa-isa ng nag-aalis ng mga kasuotan. She once accidentally watched the movie magic mike from the internet and she couldn’t help but to turn all red the whole time. At parang nag-replay lang yun sa kanya dahil ganun na ganun ang eksenahan tulad ng ginagawa ng mga performers na sobrang ikinatuwa ng mga manonood.
"Unfortunately, there is no empty table. Pwede bang sa bar ka muna maupo?"
"I-I need to go." Sa halip ay sagot niya at tangkang aalis.
"Why?" Pigil nito. “Is there something wrong?”
Napansin na parang bigla itong nalungkot, she felt guilty all of a sudden. Kung bakit kasi masyado itong friendly. But she stayed firm! Hindi siya papaapekto sa charm nito. "I'm not actually planning to enter this establishment. I-I was lost."
"You were asking for water a while ago. Have some first then you can leave." Bumalik ang ngiti nito.
She was confused with his character. Kung simpleng strip teaser lang ang kaharap ay bakit ganito ito manalita? He sounded like professional. Nahiling na hindi sana ito scammer at baka bigla nalang siyang mawala sa sarili at paglabas ng lugar na yun ay nailipat na agad ang lahat ng pera rito.
"Nakikita ko ang pagkalito sa mukha mo. Don't be scared, hindi kami masasamang tao." Walang pagdadalawang-isip nitong inabot ang isang kamay at iginiya siya sa tinutukoy nitong dapat na puntahan niya. Nadatnan nila ang isang lalaking nakatalikod at busy sa ginagawa nitong paggawa ng inumin. "Hercules, isang tubig nga."
"Walang lumabas na order sa POS." Pasigaw na sagot ng lalaki sa buong-buong tinig dahil sa lakas ng musikang pumupuno sa buong bulwagan at ni hindi nag-abalang lumingon.
Kagyat na nakuha ng lalaki ang atensyon ni Daneliya na hindi napigilan ang sariling pasadahan ito ng tingin. Kalahati lang ang tanaw dahil mataas ang counter. Nakasuot ito ng itim na long sleeves na marahil ay siyang uniporme pero hindi naitago nun ang magandang bulto nito. Wide-chiseled chest! Clean-cut haircut na nagpalitaw sa makinis nitong leeg. Napalunok siya sa kakaibang damdaming lumukob sa kanya. Bakit bigla siyang nagkaroon ng ganung kakaibang damdamin kahit hindi pa ito nakakaharap.
"Courtesy! Starter!" Sagot ng katabi.
Doon lumingon ang lalaki at hinding-hindi makakalimutan ni Daneliya ang mukha nito. He wasn't the typical type than you can call handsome. Mas bagay ang description na yun sa katabi. But the man behind the counter is outrageous! Perfect jaw and a pointed nose. At dahil maliwanag sa kinaroroonan nito ay kitang-kita niya ang magandang kulay nito. Olive-tone. At kung napalunok siya sa leeg nito kaninang nakatalikod pa lang ay kailangan alisin ang tingin rito ng magtama ang mata nila. She was caught off-guard and was forced to compose herself.
"Dito muna siya mauupo dahil walang bakanteng mesa." Bumaling si Adonis sa dalaga. "Finish your water then you can leave. It's on me."
Ipinaghila siya ng upuan kaya hindi siya nakatangi. Palipat-lipat ang tingin rito at sa bartender.
"I'll leave you for the meantime."
Bago pa siya makatanggi ay tinalikuran na siya nito at nagtungo sa isang mesa. She almost felt ashamed when she realized something. Inakala niyang nagpi-flirt ito sa kanya kanina dahil sa pag-ngiti nito pero mukhang normal rito ang ganuong personality. Mabuti na lang at hindi siya nagtaray.
She relaxed herself for a bit. Wala ni isa sa mga naroon ang pumupukol sa kanya ng atensyon. Strange, but it doesn't bother her at all. Sa halip ay nag-umpisa siyang maaliw sa live performance na ginagawa ng mga lalaki kahit madalas ay inaalis ang mata sa stage dahil medyo may kalaswaana ang ibang moves ng iba.
And a weird thought crossed her mind. She will never ever fall in love with such a kind of man. Panalo sa panlabas na kaanyuan pero may ganuon namang trabaho. Mas pinili na lang na gamitin ang pisikal na kaanyuan para kumita ng pera sa halip na magbanat ng buto o kaya naman ay dumiskarte.
"Want a specific drink?" Agaw ng bartender sa atensyon.
Ikaw ang gusto ko! Maging siya ay nagulat sa isinigaw ng utak. Did her mind seriously said that? Sa unang pagkakataon at yumuko sa kaharap upang itago ang pamumula.
Crazy girl! Sigaw ng inner self. Hindi mo kailangan magpa-intimidate. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan at nagtaas ng mukha pero ng makasalubong ang mata nito ay biglang nahinto sa dapat na sasabihin. Bakit ba ito ganun tumitig? Parang nanunuot sa kalamnan niya. "W-What is this place?" Ipinagpasalamat na malakas ang tugtugin kaya hindi masyadong halatang pumalya ang boses.
"Ano sa tingin mo?"
Umakyat ang dugo sa ulo niya pero naunahan siya nitong magsalita.
"What you see is what you get. Hindi ka naman siguro inosente sa mga ganitong lugar."
Tumikwas ang kilay niya. "Hindi ako inosente pero naguguluhan ako." Leah said this place is interesting. Pero puro lalaking naghububad sa harap ng mga matrona ang mga narito.
"Do not judge everyone here. May kanya-kanya kaming rason kung bakit kami nandito.”
Lihim siyang napasinghap. Paano nito nalaman ang nasa isip niya? Pero magka-gayunman ay hindi siya nagpahalata. "I'm not judgemental."
"You are not a very good liar." Tumaas ng bahagya ang sulok ng labi nito.
"And what do you mean by that?"
Imbes na sagutin ang tanong ay hinarap ng lalaki ang POS dahil sa pagtunog ng order.
Habang gumagawa ito ng inumin ay hindi napigilan ang sariling pasadahan muli ang kabuuan nito. Long legs and nice butt. Kasunod nun ay hindi napigilan ang paglitaw ng pwedeng maging imahe nito kapag nakahubad at tanging boxer shorts lang ang suot. She cleared her thought and so is her mind. Bakit siya nagkaka-ganuon? Yes, he is attractive. Pero marami na rin naman siyang nakaharap na mas nakahihigit dito. Pero bakit ganun na lang ang epekto ng naturang lalaki sa kanya.
You have to leave! Pagtataboy ng sariling utak. Hinanap ng tanaw ang lalaking nagpapasok sa kanya pero mayroon na itong kinakausap na iba pa. Their face almost inches to each other. Hindi sinasadyang makita ang pagsuksok ng babae ng isang papael sa suot nitong slacks.
Napapailang siya. Cougar!
And you will end up exactly like one if you keep on acting the way you are right now. Kantiyaw ng isang maliit na boses sa utak. Hindi na niya hinintay na makabalik si Adonis at dali-dali siyang tumalilis palabas ng lugar. Saka lang napansin ang pagbilis ng adrenaline rush ng tuluyang makalabas.
That was a crazy scene! At ipinapangako sa sariling hinding-hindi na siya babalik sa lugar na yun kahit na anong mangyari..