Maganda ang flow ng stock market at kasalukuyang pinanood ni Daneliya ang live trading ng mga tauhan sa ibat-ibang panig ng mundo sa naturang mga screens. Kumislap ang mata sa nakikitang pag-angat ng dolyares sa ibat-ibang accounts na gamit ng mga ito.
Yes! Doon siya kumukuha ng walang katapusang pondo para sa kompanya. Trading, stock market at cryptocurrencies. Nang mga panahong sinasabi ng iba na scam ang mga crypto tulad ng Bitcoin ay isang sugal ang ginawa niya. Nakipagsabayan siya sa mabilis na pag-angat ng bansang Dubai. After taking a loan from one of the Islamic Bank in the country ay inilagay niya lahat ang pera sa isang online trading platform. At ang resulta ay ang kaginhawang tinatamasa niya.
She will not make it alone if it weren't for Nitin Dawood. Isang magaling na IT at online trader na ngayon ay siyang namamahala sa mga accounts niya sa Dubai at sa iba pang mga branches. Ito ang nag-impluwensya sa kanyang pasukin ang naturang karera na hanggang ngayon ay hindi pinagsisisihan. Kagyat siyang nag-dial at nag-overseas call dito nang mag-jump sa hindi inaasahang income ang trades ng mga kasamahan.
"Cheers habibti!" Agad na bungad ng Indiano.
"It's a good night for all of us habibi." Sagot niya sa term na ginamit nito. Habibi means my love in Arabic language pero normal na endearment lang yun sa bansang kinaroroonan nito.
"Are you watching it live?"
"Of course! I always do it at night. I don't want to get scammed."
Humalakhak ang nasa kabilang. "After all these years Daneliya! Where is the trust, habibti!"
"I trust you, but to some people, I don't!" Walang pasakalyeng pag-amin.
"You know what, you should start trusting people. When are you going to do that?"
"When the time comes Habibi. I just called up to congratulate the team. Tell them my regards. Make sure to treat them out."
"From the pot money?" He teases. Ang tinutukoy nitong pot money ay ang allocated budget na buwanang inilalagay sa international account sakaling may team ng traders na malugi sa isang specific na bansa.
Masyadong komplikado ang naturang usapin kaya pinanatiling pribado ang sariling buhay at laging handa. Bukod sa mga trader ay mayroon din siyang grupo ng mga IT experts na hawak din ni Nitin na siyang buwanang nagpapalit ng password at nagmi-maintain ng mga spot wallet. "From your incentives." Sagot niya.
Tumawa ito. "Same old Daneliya! Am I going to get a big incentive soon?"
"You are getting half of what I am earning. Do your part as their boss. I'll call it a night. Keep up the good work." Hindi na niya binigyan ito ng pagkakataong tuksuhin pa siya.
Tumawag din siya sa ibat-ibang bansa upang sabihin ang parehong mensahe sa iba pang mga leaders. Pagkatapos ay mga IT upang i-zoom ang mga indicators na ginagamit ng bawat traders upang mapanood pa ng mas detalyado ang pagti-trade ng ibang mga hindi kumikita. She has to monitor everyone’s action. Isang taon din siyang naging trader kaya alam niya kung may maling ginagawa ang mga ito.
Halos isang oras din siyang nanonood bago tuluyang lumabas ng naturang kwarto. Kinalkal ang bag upang kunin ang isa pang telepono ng may makapa ang kamay. Inilabas at nakita ang card na inabot ni Leah sa kanya.
Queen's men lair. She like the name. Bakit ba may pakiramdam siyang nababagay siya sa lugar na yun? Is it because she is a queen herself?"
"But I have no time for you." Itinapon yun sa basurahan at dumiretso sa banyo. She enjoyed her warm bath. Pagkatapos ay sunod namang nag-check ng ibat-ibang accounts niya online. Sinisigurado lang na puro pasok at walang bawas ang perang naroon. Saka lang siya tuluyang nahiga sa kanyang mamahaling king-sized na kama.
"A king's throne that belongs to a queen." She dramatically slid her body to it. Umunat saka tumulala sa kawalan.
Laging sinasabi ng iba na boring ang buhay niya, kung alam lang ng mga taong mas nai-enjoy niya ang pagiging mag-isa.
"I don't need a man. O kung may magugustuhan man ako ay titiyakin kong luluhod siya sa mga paa ko." Gumuhit ang isang malditang ngiti sa labi. "Lights off!" Pagkasabi ay awtomatikong namatay ang mga ilaw kasunod ang pagkarinig sa bahagyang click sa pintuan. Automatic na nagla-lock yun kapag namatay ang ilaw.
Like the rest part of her house, everything is advanced. Para saan pa at marami siyang pera kung hahayaang malagay sa alanganing sitwasyon ang sariling kaligtasan.
"Goodnight, queen," she murmured to herself. Saka lang tuluyang ipinikit ang mga mata.
Nagtuloy-tuloy ang pasok ng swerte kay Daneliya sa larangan ng trading ng mga sumunod na araw. Kaya naman imbes na pumasok sa trabaho ay minabuting manatili sa loob ng watch room para i-monitor ang mga traders. Sa mga ganuong sitwasyon na bumabaha ang kita nila ay mas lalo siyang dapat mag-ingat. Hindi inaalis ang posibilidad na may magtakbo ng pera niya kaya dapat ay lagi siyang alerto.
Kinagabihan nang mailipat na ang ibang kinita sa dollar account ay nakapangalan sa sarili ay saka lang tuluyang lumabas ng kwarto ang dalaga. She was exhausted and drained kahit ang totoo ay nanonood lang naman siya. Naisipang sumagap muna ng sariwang hangin kaya naisipang lumabas ng bahay. Kagyat siyang nagpalit ng running outfit at bumaba.
"Madam, handa na po ang pagkain." Salubong ng isa sa mga kasambahay.
"Lalabas ako. Kainin niyo na lahat ang ng niluto ninyo." Ni hindi man lang nilingon ang nagsalita at dire-dertsong lumabas. Dumiretso sa nakaparadang pulang Audi A5 Cabriolet at pinaandar yun. Gusto niyang tumakbo dahil ramdam na ang pagbigat ng katawan sa maghapong pagbabad sa harap ng maraming screen kahit na nga ba nakasuot na siya ng anti-radiation glasses kanina.
Ipinarada ang sasakyan sa public parking at tumakbo ng walang direksyon. Biyernes kaya maraming tao sa park. At hindi niya gusto ang may paharang-harang sa harapan kaya lumayo siya sa mga ito. Sa paghahanap ng tahimik na lugar ay hindi namalayang napalayo na siya. Sa hindi inaasahang pagliko ay bigla na lang siyang naligaw sa kung saan.
Ni hindi nakaramdam ng kaba ay dumiretso siya ng lakad hanggang sa mapadpad sa isang maliit na eskinita. Isang grupo ng kalalakihan ang nadaanan at panay ang pagsitsit sa kanya.
"Saan tayo ma'am?" Tanong ng isa.
"Baka kailangan natin ng tricycle. Mura lang basta maganda at seksing tulad mo."
Nakasuot siya ng bluetooth headset pero kanina pa niya pinatay ang musika ng mapansing naliligaw siya. Hindi siya natatakot pero hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang masamang taong pagsamantalahan siya.
Nagkunwari siyang walang naririnig at dumiretso. Pero sa malas ay sumunod ang tatlo sa mga ito. Mataray siya pero alam niyang hindi kakayanin ang mga ito sakaling bigla nalang siyang sunggaban. Although may basic knowledge sa self-defense, ang lakas ng isang babae ay hindi maikukumpara sa natural na lakas ng lalaki.
"Madam, sandali, mukha ka atang naliligaw. Tulungan ka namin."
Damn man! Mga walang silbi at walang ambag sa lipunan! Useless people that waste their time when they can make use of it! Mga ayaw magbanat ng buto at tamad! Mang-peste ng iba ang alam gawin!
"Dead end na yang pupuntahan mo."
"Teka lang pare, mukhang alam ko na kung saan siya papunta."
Nagtawanan ang mga ito sa sobrang inis niya. Gustong-gusto na niyang humarap at magtaray pero inawat ang sarili. Come on Dane! You don't have to do that! Baka kung anong hawak nila at gamitin pa sayo.
"Lalaki ba hanap mo? Hindi mo na kailangan ng mga call boys na yun. Dito ka na lang sa amin, mas masarap pa sa pinakamatamis na gatas sa balat ng lupa ang matitikman mo." Tawanan ulit.
Binilisan niya ang lakad hanggang sa kunwari ay tumatakbo na siya. Walang-lingong likod siyang nagpatuloy hanggang sa isang pagliko ay nakalabas siya sa mismong highway. Sa isang malawak na espasyo sa gitna ng kawalan ay nakatayo ang isang malaking gusali kung saan maraming ilaw.
Dali-daling tumawid at nilapitan ang naturang establisyemento. Hindi siya sigurado kung nakarating na sa naturang lugar o kahit napadaan man lang pero isa lang ang sigurado siya. Ngayon niya lang nakita ang mailaw na gusaling iyun. It looks like a... nightclub?
Queen's men lair.
Nagsalubong ang kilay niya ng maalala ang card na ibinigay ni Leah. Pero kahit na may ideya na sa kung anong meron sa loob ay parang naakit parin siyang naglakad palapit sa establisyemento dahil sa kuryusidad.
Hahakbang na sana sa may baldosa ng magdalawang-isip. What are you doing? This is not your cup of tea! Napapailing na tumalikod at hahakbang na sana palayo ng marinig ang pagbukas ng pinto.
"Tuloy po kayo ma'am."
Lumingon siya at muntik ng mahulog ang panga ng makita ang anyo ng lalaking lumabas mula doon.