bc

My Secretary, My Enemy

book_age18+
721
FOLLOW
3.3K
READ
playboy
kickass heroine
boss
bxg
humorous
office/work place
enimies to lovers
punishment
office lady
like
intro-logo
Blurb

Anna Romero, simpleng babae na may simpleng pangarap. Gusto lang niyang makatapos ng pag-aaral ang dalawang nakababatang kapatid na lalaki. Ulila na sila at tangling ang Tiya Maria na lang nila ang nagtataguyod sa kanila bilang secretarya ng mga Valderama sa Manila. Nagkasakit ang kanilang Tiya hindi pa man nakapagtapos ng pag aaral ang mga kapatid. Kaya, si Anna ang pumalit sa posisyon ng tiyahin.

Paano niya magagampanan ng maayos ang tungkulin kung ang magiging amo niya na si Derrick Valderama ay may malaki ng bahagi ng kanyang nakaraan?

Paano kung singilin siya nito sa pinsalang idinulot niya sa buhay nito?

chap-preview
Free preview
MSME1: Away
“Anna, Anna! Madali ka si Obet pinagtutulungan ng mga Valderama!” Sigaw iyon ni Jepoy mula sa baba ng puno ng kaimito kung saan naroon ang trese anyos na si Anna, payapang itong nagbabasa ng kanyang paboritong komiks na wakasan. Sukat sa narinig ay parang butiki na bumaba mula sa matayog na kisame si Anna. Ayaw na ayaw niya sa lahat na inaaway ang kanyang ading lalo na kapag si Obet. Binilot muna niya ang kanyang komiks at siniksik sa kanyang bulsa sa suot na jogging pants. Maraming putik pa ang kumapit sa kanyang damit lalo pa at katatapos lang niyang dalhin ang kanilang kalabaw sa sapa na malapit upang malamigan. Nagmamadali siyang tumakbo na wala man lang sapin sa paa. Kahit halos madulas na siya sa putik na dinaraanan, hindi iyon naging hadlang para madali niyang maabutan ang kapatid sa gilid ng sapa. Napapalibutan na ng mga apo ng mga Valderama si Obet. Hawak ng isa sa kanila ang pobreng bata. Kahit kailan talaga ay tinik sa lalamunan ko ang mga Valderamang mayayabang na ito!, sigaw ng utak ng dalagita. Mahinahong lumapit si Anna sa mga naroon at nakita niyang nahulog na pala sa lupa ang baon niyang ihahatid sana ng kapatid na si Obet. Yumukod siya bilang paggalang kahit halos mabulunan siya sa galit sa pagmumukha ng mga lalaking apo ng mga Valderama. Si Derrick at Dustin Valderama na kung makatingin sa kanilang magkapatid ay tila bathala ang paningin sa mga sarili. “Ipagpaumanhin po ninyo mga Senyorito, kung anuman ang naging kasalanan ng kapatid ko. Paslit pa siya at walang alam,” halos piyok lang na saad ni Anna. “Madadala ba ng patawad ang kalapastanganan ng pilantod mong kapatid ang mantsa sa puting-puti kong polo? Kahit pa siguro magkandakuba kayo ng pagtatrabaho ay hindi ninyo kayang bayaran ang halaga nito!” Itinaas ni Derrick Valderama ang kanyang baba, tanda na hindi niya matatanggap ang dispensang hiningi ni Anna. “Ang tayog naman ng tingin ninyo sa inyong sarili Senyorito. Isipin mo, mayaman ka man mabaho pa rin ang utot mo at bigas pa rin ang kinakain mo,” ani Anna. Tiningnan muna niya ang mga naroon. Ang isa pang Valderama ay mas bata sa kanyang kaharap at ang isang tauhan naman ay kayang-kaya niyang patumbahin kung magkakagulo. “Mayabang ka ah! Hampaslupa!” Dumagundong ang boses ni Derrick sa lugar na iyon. Nilapitan niya si Anna at kinuwelyuhan. At dahil matangkad siya para sa edad na bente ay umangat mula sa lupa ang dalagita. “Bitawan mo ako, Valderama!” nanggagalaiti na saad ni Anna. “Aba! Matapang ang isang ito!” Amused na saad ni Derrick at tinitigan niya ng maayos ang hawak na lapastangan nang may napansin siyang kakaiba sa binatilyong malakas ang loob na sagot-sagutin siya. Bakit may umbok siya sa dibdib? Naguguluhan ang binata at dahil sa likot at pagpupumiglas ni Anna ay nabunggo ang ilong nito sa kanyang ulo. Nabitawan ng binata si Anna na sapo ang kanyang dumugong ilong. Doon na nahimasmasan si Derrick nang tawagin siya ng kanilang tauhan na si Lito. “Senyorito dahan-dahan at babae po ang isang iyan!” Namilog ang mata ni Derrick pero hindi niya napaghandaan ang ginawa ng dalaga. Halos panawan ng ulirat si Derrick nang sinapo niya ang kanyang sandata na tinamaan ng tuhod ni Anna. Napasinghap si Dustin at Lito nang masaksihan ang kapangahasan ni Anna sa panganay na Valderama. “Amanos na tayo, Valderama. Iyan para sa baon kong masarap, sa pagtawag mo kay Obet na pilantod at sa matangos kong ilong na nabali yata.” Lumuhod si Anna at hinuli ang tingin ng namimilipit sa sakit na si Derrick. Hinawakan niya ang baba ng binata at tinitigan ito. “Hindi lahat ng tauhan ay kaya mong apak-apakan at hamakin. Iyan ang itanim mo sa kukote mo, Senyorito. At kahit hagupitin ako ng latigo ng abuelo mo at ng aking Tiyang Maria ay hindi ako hihingi ng tawad sa’yo!” Padaskol na binitawan ni Anna ang mukha ni Derrick at tumalikod na sapo ang duguang ilong. “Umuwi na tayo, Obet!” tawag ni Anna sa kapatid. Ang kawawang Obet ay walang nagawa kundi sundin ang ate niya. Gustuhin mang tumayo na ni Derrick ay masakit pa rin ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Dahil sa sobrang galit ay napasigaw si Derrick. Umalingawngaw ang kanyang boses sa kakahuyan at pati ang mga ibong tahimik na nakadapo ay nagambala at lumipad na kung saan. Dali-daling nilapitan ni Lito ang amo. “Pasensya ka na talaga Senyorito at hindi kita nabalaan patungkol sa Anna na iyon. Barumbada talaga iyon lalo na kapag kinanti ang bunsong si Obet.” Halos mabali na ang katawan ng tauhan na nakayukod sa amo na kanina pa nakaluhod dahil sa sakit. Napabuga ng hangin si Derrick at minuwestra ang kamay sa tauhan. Inalalayan naman siya kaagad ni Lito at dahan-dahan silang bumalik sa kanilang mansion na matatagpuan sa medyo mataas na bahagi ng kanilang nayon. Ang Hacienda Valderama ay isang malawak na lupain na sakop ang tatlong Barangay. Panginoon kung ituring ang mga Valderama, lalo na ang matandang may-ari na si Don Vicente Valderama na bagamat istrikto sa mga tauhan ay kilala sa pagiging patas at makatao kung magpasahod. Ang Hacienda ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi nito ay pawang rattan ang tanim sa masukal na kagubatan na sakop ng malawak na lupain ng mga Valderama. Ang mga rattan na nakukuha doon ay siyang ginagamit ng mga furniture maker na empleyado ng mga Valderama. Paika-ika na pumasok si Derrick sa kanilang mansyon at siya namang pagbaba sa hagdan ng matandang Valderama. Napakunot-noo kaagad ang abuelo sa paika-ikang paglalakad ng apo at ang maruming polo nito. “Napaano ka Derrick at hindi maipinta ang iyong mukha?” untag ng abuelo sa apo. “Binayagan lang naman ako ng isang lapastangan na nagngangalang Anna Romero!” sagot ng binata. Imbes na magalit ay humalakhak ang matanda. Kilala kasi niya ang dalagitang si Anna bilang pamangkin ng kanyang sekretarya na si Maria. Kapag napunta sa kanilang mansyon ang dalagita ay nakabusangot sa tuwina at tomboy ang paningin ng matanda dito. “Naku apo, kantihin mo na ang lahat huwag lang si Anna marami na iyong napatumbang binatilyo dito sa atin. Kilalang butangera ang isang iyon lalo na kapag pinakialaman mo ang bunso nilang si Obet.” Napailing si Don Vicente sa nalaman. Sa ugali ng apo niyang masyadong mapagmataas ay malamang nakatikim ang pobreng dalagita ng insulto sa kanyang apo. “At hahayaan mo lang ang isang iyon Lolo na makalusot sa pananakit sa akin? My god paano na lang kung hindi na ako magkaanak kasalanan pa ng hampaslupang iyon!” nanggigigil na saad ni Derrick. “Pumatol ka sa babae na hindi mo kasinlaki tapos menor de edad pa? Nasaan ang dignidad ng isang Valderama? Ano paluluhurin mo ang pobreng tauhan dahil lang hindi matanggap ng iyong pride na naisahan ka ng pobre?” Tumikhim si Don Vicente at iniwan ang apo na nagpupuyos sa galit. ******** “Aray! Tiyang tama na!” atungal ni Anna habang hinahagupit ng sinturon ang kanyang puwetan. “Hindi ka na talaga nagtanda Anna! Kababae mong tao pumapatol ka sa mga kalalakihan! At pati si Senyorito Derrick ‘di mo na pinalagpas!” Muling humagupit ang sinturon ng tiyahin sa katawan ng pamangkin. “Tiyang, tama na po. Kawawa naman ang Ate Ana ko. Kasalanan ko naman kasi nadumihan ko ang polo ng Senyorito Derrick. Nadulas po ako at tumilapon ang ulam na adobong pusit sa damit niya,” umiiyak na saad ni Obet. Napaiyak na lang ang Tiyahin sa sobrang awa sa kanyang mga pamangkin. Kung bakit kasi tinamaan ng polio ang bunsong anak ng kanyang yumaong kapatid. Tuloy ay tampulan ng tukso si Obet at palagi namang napapaaway ang panganay na si Anna. “Tao po!” Buhat sa labas ay may tumawag sa tahanan ng mga Romero. Pagdungaw ni Maria ay si Don Vicente ang naroon kasama ang tauhan na si Lito. Nagmamadaling pinunasan ni Maria ang luha at pumanaog na sa hagdan para salubungin ang amo. Yumukod siya nang makaharap na si Don Vicente at bumati ng paggalang. “Maria, dinig ko ang palahaw ng mga pobre mong pamangkin. Huwag mo lahat ibunton ang sisi sa kanila at lalo pa na alam mo naman ang ugali ng apo ko. Kawawa naman ang maganda mong pamangkin kung magkaroon ng latay sa katawan dahil sa apo ko,” anang matanda. “Ako na po ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng pamangkin ko Don Vicente. Dangan kasi at basagulera ang isang iyon.” Nakayuko si Maria sa harapan ng amo na nakangiti lang. Napaangat ang paningin ng matanda at nakita ang luhaang mukha ng magkapatid na magkayakap na nakadungaw sa bintana. Napailing na lang ang matanda lalo na nang mabistahan ang namamagang ilong ng dalagita. “Maria! Hindi mo ba napansin na maga ang mukha ng iyong pamangkin? Paano na lang kung nabali pala ang ilong?” Sa narinig ay namutla na parang papel si Maria. Hindi niya napansin ang mukha ni Ana lalo pa at ang pag-aalala na baka mapalayas sila sa kanilang tinitirhan at masipa sa trabaho ang kanyang inaalala. ******** Mabilis na kumalat ang tsismis sa lugar nila Anna kung paano niya pinatos pati ang panganay na apo ng mga Valderama. Nagtaka ang lahat kung bakit hindi man lang naparusahan ang pangahas na dalaga. Isang araw ay napadalaw ang isang kaibigan ng mga Valderama, si Mauricia Cadena. Nabalitaan nito ang kapangahasan ni Anna kay Derrick at naiinis siya sa dalagita. Kaya, ang ginawa nito ay pinuntahan nito ang dalagita sa palayan kung saan ito abalang nagbabantay sa punla para hindi ubusin ng mga mayang bingi. “Ang kapal ng mukha mo para saktan si Derrick! Hindi mo ba alam siya ang mamanugangin ko? Paano na lang kung hindi niya mabigyan ang anak kong si Callista aber?” Nakapamewang ang Ginang na sinesermunan si Anna na may dalang tirador at isang supot ng maliliit na putik na binilog para gawing bala. Napabuga ng hangin si Anna. Ayaw niyang pumatol sa mga matatanda pero kapag inunahan ay hindi niya hinahayaan ang sinuman na pagalitan at hamakin siya ng wala sa lugar. “Una po, Ginang Cadena wala akong nababalitaan na nobya ni Senyorito Derrick ang anak ninyong mukhang chihuahua na may bakod ang nguso. Pangalawa, sino ba kayo para pagalitan ako ng walang dahilan? Hindi kayo ang nagpapalamon sa amin kaya pwede tigilan ninyo ako sa talak ninyong iyan!” Binanatan ng talikod ni Anna ang ginang. Sa galit at pagkapahiya ni Ginang Cadena ay nagpupuyos siyang bumalik sa mansion ng mga Valderama. Nagtataka si Don Vicente nang nakasalubong ang namumulang si Mauricia Cadena. Halos mabali na ang pamaypay ng Ginang sa bilis ng pagpagaspas nito sa sarili. “Ang kapal ng kutong lupa na iyon na sagutin ako at insultuhin ang anak ko!” hiyaw nito. “May problema ba?” tanong ng matanda. “Ang salbahe mong tauhan! Sinagot ako ng pabalang. Kumpadre, hindi ba pwedeng palayasin mo ang mga patay-gutom na iyon sa lupain mo?” hiling nito sa matanda. Napailing si Don Vicente sa kausap. Alam niya ang kalibre ni Mauricia Cadena. Kung siya ay istrikto, alipin naman ang turing nito sa mga tauhan sa kabilang lupain. “Wala akong rason para gawin iyon, Kumare. Ayaw kong nakikialam ka kung paano ko tratuhin ang aking mga tauhan. Pakiusap tapos na ang usapin nila ni Derrick at sana huwag mo ng ungkatin. ******** 10 years later “Tiyang Maria naman eh! Paano ko tatanggapin ang trabahong iyan eh, nangangamote nga ako sa typewriter!’ inis na saad ni Anna sa tiyahin. “Mamatay ako sa konsumisyon sa siyo Anna! Akala mo ay hindi ko malalaman ang kahiligan mo sa pagguhit at paggawa ng mga erotikong komiks!” Pinalo ng nakabilot na diyaryo ng tiyahin ang pamangkin sa ulo nito. “Aray naman Tiyang! Ang braincells ko naalog na!” hiyaw ni Anna. Nakasimangot siyang nag-eempake. Wala na siyang kawala sa gusto ng tiyahin. Isinilid niya sa may kalumaang traveliing bag ang ilang matitinong gamit niya. Dalawang sapatos na bagong laba at ilang may kalumaan na medyas. Libre ang uniporme at pawang issue lahat ng kompanya kaya hindi na magdadala ng maraming damit ang dalaga. Naka-advance na kasi ang sahod niya ng isang taon sa mga Valderama. Umpisa ng magkasakit ang Tiyahin ay naisanla na nila ang bahagi ng lupain na minana pa nila sa abuelo nila. Hindi pumayag ang kanyang tiyahin na maremata ito. Kaya, umutang ito sa amo at siya ang ginarantiya na pambayad ng tiyahin. Naempake na lahat ni Anna ang kanyang gamit. Buti na lang at libre ang tirahan pati na ang kalahating sako ng bigas bawat buwan ng mga nagiging sekretarya ng mga Valderama. Matagal rin nanilbihan ang kanyang Tiyahin sa mga amo. Noong magkasakit na si Tiyang Maria ay ang mga Valderama ang isa sa malaki ang naitulong sa kanilang pamilya. Paaral ng mga Valderama si Raven, ang sumunod sa kanya. Isa ito sa mga furniture designer na nakabase na sa Maynila kung saan din matatagpuan ang Main Office ng Valderama Furnitures. Maaga itong nag-asawa. Isang taon pa lang ito sa trabaho nang mabighani sa isang checker kaya walang nagawa silang magtiyahin kundi hayaan na ito. Napabuntong-hininga si Anna habang pinagmamasdan ang kanilang payak na tahanan, Sinadya ni Obet na hindi lumiban sa trabaho nito bilang trabahador sa Hacienda dahil baka maiyak lang ito. Hindi na binalak nito na magtapos ng pag-aaral lalo pa at palaging napapaaway ang panganay na kapatid. ********* “Anna, nandito na tayo!” untag ni Lito sa nakatulog na dalaga. Limang oras din ang ginugol nila para makarating sa tutuluyan niyang apartment. Namilog ang mata ng dalaga ng mabistahan ang kabuuan ng matayog na gusali. “Kuya Lito? Bakit dito sa opisina mo ako dinala at hindi sa apartment?” tanong ng dalaga sa tauahan ng amo. “Ah, sa penthouse kasi talaga tumitira sa ang lahat ng mga nagiging sekretarya ni Sir Derrick.” Patay kang bata ka Anna mukhang ang kaaway mo pa ang magiging amo mo! sigaw ng utak ng dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Daddy Granpa

read
279.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook