MSME9: Option

1519 Words
Napakatamis ng ngiti ni Derrick habang binubuksan ang cottage habang si Chelsea ay buong paghangang ninamnam ang tanawin ng payapang karagatan. “Hali ka na Chelsea, malamig na at baka sipunin ka pa,” paalala ni Derrick sa nobya. Lumingon naman ito sa binata at masayang pumasok na rin sa kanilang cottage, bitbit ang kanilang mga bag ni Chelsea. They only brought few clothes, lalo at wala naman silang planong magliwaliw kundi magkulong lang sa cottage na iyon at pagsawaan ang isa’t isa sa susunod na dalawang araw. Napahanga silang dalawa sa kabuuan ng kwarto. Yari ang dingding sa kawayan na barnisado at pawang mga bamboo furniture din ang naroon. Ang mga muebles ay gawa rin sa kawayan at rattan pero hindi iyon hadlang para hangaan nila ang mga iyon. Nakilala pa ni Derrick ang mga iyon na galing yata sa kanilang line of rattan furnitures. Nang tiningnan niya ang ilalim ng rattan chair ay tama nga ang hinala niya. “Now, loverboy, let’s go do our business---” Hindi na natapos ni Chelsea ang sasabihin nang walang babala siyang pinangko ni Derrick at umikot sa maluwag na silid nila. Napatili at napahagikgik naman ang dalaga sa ginawa ng nobyo. Ilang sandali pa naghinang ang kanilang mga labi. Kapwa sila sabik sa mga araw na hindi sila nagkasama lalo at pawang abala sila sa kani-kanilang mga trabaho. Hindi sapat ang halik na iyon para matighaw ang mga katawan nila sa kasabikan. Dahan-dahan na ibinaba ni Derrick ang strap ng dress ni Chelsea at pinaraanan ng halik ang leeg nito. Napaungol naman ang dalaga sa ekspertong paghalik ng nobyo. Iginiya na siya nito sa naghihintay na higaan habang ang kanyang mga kamay ay abalang nagbukas ng butones ng polo shirt ni Derrick. Marahan na itinulak ni Chelsea si Derrick sa kama na ngayon ay naghuhubad na rin ng pantalon. Napangiti nang itaas na ni Chelsea ang kanyang dress at tanging lacy underwear na lang ang naiwan. Brief na rin lang ang naiwan sa katawan niya at hindi niya maiwasang ihambing ang katawan ni Chelsea kay Anna. Mas mahahaba ang legs ng huli kaysa sa nobya. Mas makinis din at may mas makurba ang katawan ni Anna kaysa kay Chelsea. Napailing siya at gusto niyang kastiguhin ang sarili. Bakit niya kinukumpara si Chelsea kay Anna? “Are you okay Derrick?” saad ni Chelsea. Doon lang bumalik sa huwisyo si Derrick at napakagat labi na pinagmasdan ang hubot hubad na nobya. Napaawang ang labi niya at maghuhubad na sana siya ng underwear nang pigilan siya ni Chelsea. “Huwag ka muna maghubad. Watch me Derrick as I pleasure myself and see how I survived when we are apart.” Napataas ang kilay ni Derrick at nangunot nang nag-umpisang gumalaw na ang mga kamay ni Chelsea. Ang kanang kamay nito ay nasa kaselanan na at isiniksik nito ang gitnang daliri sa bahagyang nakahiwaly na nitong hita. Habang ang kaliwang kamay nito ay pinipisil nito ang kanyang dibdib. “You don’t have to do that, Chelsea. I am here and I am willing to serve you,” tutol ni Derrick ngunit hindi nakinig ang nobya. Ilang sandali pa ang ungol ni Chelsea ay narinig na ng binata sa apat na sulok ng kanilang silid habang humahalo ang ingay ng basang kaselanan nito na kanina pa labas masok ang daliri nito. “Derrick, ahh, I’m c*****g!” sigaw ni Chelsea. Napangiwi si Derrick nang makita kung gaano karami ang dumaloy na katas sa hita ni Chelsea matapos nitong paligayahin ang sarili. Lalapitan na sana niya ito para saglit na punasan ang mga hita nito nang tumunog ang kanyang cellphone. Nakatingin lang sa kanya si Chelsea na ngayon ay medyo lupaypay na humiga sa kama. Tumayo si Derrick at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon na basta na lang niyang hinagis kanina matapos itong mahubad. Hindi niya kilala ang nakatatak na numero dahil hindi iyon galing sa local call. Pinindot ni Derrick ang cellphone at sinagot iyon. Hindi pa man siya nagsasalita ang galit na boses na kaagad ng abuelo ang narinig. “Sinabi ko na may magmamasid sa iyo habang wala ako. Where are you Derrick? Nakipagkita ka na naman ba kay Chelsea? Siguro ay hindi pa niya alam na may asawa ka ng tao? Nakakasira ng karera ng mga modelo ang napapaugnay sa mga may asawa, not unless you want ruin her career!” Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na sumagot si Derrick lalo at nakatingin na sa kanya si Chelsea at may luha na sa kanyang mga mata na kanina pa nagbabadyang mahulog. Nang tingnan niya ang cellphone ay gusto niyang kastiguhin ang sarili! Naka-loudspeaker iyon at lahat ng sinabi ng abuelo ay narinig ng nobya. “Are you married? When? Sino ang asawa mo?” mahina at sunod-sunod na tanong ni Chelsea. Tumalikod ito kay Derrick at dinig ng binata ang mahinang hikbi nito. “Chelsea, I can explain. Please, kausapin mo ako!” pagsusumamo ng binata. Tumayo si Chelsea at pinulot ang mga hinubad na damit. HIndi niya akalain na sa ikalawang pagkakataon ay iiwanan siya ni Derrick kung kailan handa na siyang magretiro bilang modelo at magpakasal sila ng nobyo. She felt so betrayed. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit habang si Derrick ay nakatunghay sa kanya at nagsusumamo. “Ayoko na Derrick! Pagod na akong maghintay at umasa na papakasalan mo ako. Ganito ba ako kawalang kwenta at hindi mo man lang ako sinabihan tungkol sa kasal mo?” sumbat niya rito. “Please, it was all a mistake. May kasunduan na kami ni Anna na maghihiwalay din kami after a year. Don’t worry, unlike Callista walang gusto ang sekretarya ko sa akin---” Napapikit si Chelsea sa narinig. Paano niya mababawi si Derrick kung ang asawa nito ay katrabaho pala nito at sekretarya pa pala nito. She knows na ang abuelo na naman ni Derrick ang may kagagawan ng pagmamanipula nito sa kanyang nobyo.Pero hindi sapat na assurance sa kanya ang sinabi ni Derrick. Kung nagawa nitong itago sa kanya ang katotohanan na kasal na pala ito sa sekretarya niya, paano pa niya pagkakatiwalaan ang nobyo. “Please bumalik na lang tayo ng Manila. Ayoko habang kasal ka pa, ayokong maging kabit, Derrick! For Christ's sake!” Pumiyok na ang boses ni Chelsea. Ang dami na niyang plano sa para sa kanilang dalawa and yet, ayaw pa rin makiisa ang tadhana sa kanila! “Please at least let’s stay for tonight!” pagmamakaawa ni Derrick. “Ayoko makasama ang lalaking may asawa. Hindi ako kabit Derrick! Kaya utang na loob iuwi mo na ako sa Manila ngayon din!” Laglag ang balikat ni Derrick. Ang masaya sana nilang out of town trip ni Chelsea ay nasira dahil sa katangahan niya! How could he forgot to turn off the loudspeaker? Kaya, walang nagawa si Derrick kundi pagbigyan ang hiling ni Chelsea. Pagbibigyan muna niya ito sa ngayon at susuyuin niya iyo once nakapag-isip na ito ng mas malinaw. Masyado pang emosyonal si Chelsea para lang itapon ang limang taon nilamg relasyon. Matapos nilang magbihis, binitbit na ni Derrick ang kanilang dalawang overnight bag at umalis na sa magandang cottage na iyon. Hindi naman siya nanghinayang sa babayaran doon lalo at kakilala naman niya ang nagmamay-ari sa naturang private resort na iyon. Napakatahimik nilang dalawa sa kabuuan ng biyahe. Tanging ang malamig na buga ng aircon ang naririnig nila. Nagpaandar ng car stereo si Derrick pero pinatay iyon ni Chelsea at paismid na lumingon sa labas ng sasakyan. Mas pinili nitong lumingon na lang sa labas ng bintana kahit napakadilim ng kanilang dinadaanan dahil na rin sa halos wala pang kabahayan ang rutang tinahak nila. Nang marating na nila ang condo ni Chelsea, bumaba ang huli pagkatapos nitong hablutin ang overnight bag nito. Ni hindi na nagpaalam si Chelsea sa nobyo at walang lingon-likod itong pumasok na sa condo. Napabuntong-hininga si Derrick at hindi na muna siya uuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak at iyon ang gagawin niya. Kaya, muli niyang pinaandar ang sasakyan at binaybay ang daan papuntang BGC. Halos trenta minutos din ang byahe papunta sa paborito niyang bar. Maayos muna niyang pinarada ang sasakyan at bumaba na. Nang makita siya ng guard ay kaagad itong sumaludo sa kanya. Suki na siya doon sa Pacific Bar kaya pagpasok pa lang niya, diretso kaagad siya sa bar counter. Scotch on the rocks ang order ang binigay sa kanya ng bartender. Maingay ang bar lalo at alas dos na ng madaling araw, marami ng mga lasing ang nasa dance floor ang nagsasayawan. May namataan pa siyang mga magkapares na naghahalikan at naglalampungan. Napangiti ng mapakla si Derrick lalo at hindi na niya kailangan pa na umorder. Pamilyar na masyado ang mga empleyado sa kanya lalo at pagmamay-ari iyon ng kanyang kaklase noong college pa siya. Tinungga niya ang laman ng kanyang baso. Inisang lagok niya iyon at kahit mainit iyon sa lalamunan ay wala siyang pakialam. Gusto niyang pansamantalang kalimutan ang kanyang problema. Isa, dalawa, tatlo, apat na sunod-sunod na shot ang ginawa ni Derrick. Simpait ng alak ang sitwasyon niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD