Chapter 4

2055 Words
"Oh, bakit pulang-pula ka? Sino ang may kagagawan bakit ka nagbu-blush diyan ng bonggang-bongga?" Nang-aasar na tudyo ni Scarlett ng makita syang nag-ala tomato paste sa kapulahan ng mukha. Sisihin mo ang topakin mong kapatid! Hiyaw nya sa isipan ngunit nungkang sasabihin nya ito. Nandoon sila sa sala at nagpapahinga ngunit di pa rin maalis-alis ang pamumula ng pisngi. Sinong bang hindi? Iisipin nya lang muli ang nangyari kanina ay gusto na niyang magwala at mag-amok ng away. Nanginginig ang kalamnan niya sa inis kay Damon. Iniiwasan lang talaga niya ang magwala sa kapakanan ng mga magulang nito. Hindi niya gusting magkagulo-g**o pa silang lahat. "Wala ano ka ba? Imaginations mo lang yan. Nakainom ka ata eh." Nakasimangot niyang balik dito. Tumawa ito. "Hayy friend nagkaila ka pa. Seeing you blushed like that is very unusual. Bato yata ang mukha mo eh, di madaling tablan ng blush-blush na yan. Kilalang-kilala kita mula anit hanggang talampakan. So, who's this unlucky guy? Magkuwento ka na dali." Mas lalo siyang napasimangot, nagngingitngit. Ang mas pinagsisintir nya ay ang katotohanang nadala siya sa halik ni Damon kanina. Hindi niya matanggap tanggap na naging marupok siya. Of all other people kay Damon pa! He's too young for her at kapatid pa ng bestfriend niya. Nungkang sasabihin nya yun kay Scarlett, alam niya ang likaw ng bituka nito. It’s either magagalit ito ng bonggang-bongga o di kaya magtitili sa kilig. At wala sa dalawa ang gusto niya, parehong sakit sa ulo. Isang baliw din ang isang ito eh. "Pinalayas ako ni Tita." Pinili niyang iyon ang ikuwento. Mabisang distraction tungkol sa tanong nito kanina. At mukhang nagtagumpay naman siya. Yeah,maging siya nga ay nadistract din, dahil sa halik ng bubuwit na yun ay pansamantalang nalimutan niya ang problema. "Wha-What?!" "I said pinalaya-" "I get it. Pero bakit? Paano? Kailan lang? Naku! Sabi ko na nga ba diyan sa tita mo eh!" Nanlilisik ang mga mata nito at tila handang-handang makipag-away. Medyo napangiwi siya. Mukhang ito pa ata ang naagrabyado. Nevertheless, naibsan ang bigat na nararamdaman niya. At least mayroon pa siyang kaibigan na nag-aalala sa kanyang kalagayan. "Calm down Scarr. It's for the better, okay? It's the perfect time to stand on my own, na hindi umaasa kay Tita Corrine o kaninuman." Natigilan ito at malalim na napaisip. Tila may nais timbangin. Maya-maya ay lumiwanag ang mukha nito. "Yeah, you're right! It's a great news indeed Francheska! Ibig sabihin malaya ka na, pwede ka ng tumira dito sa bahay. Oh my God! I'm sure Mommy will be happy about this. Why won't we process your legal adoption paper? Hindi pa rin naman huli ang lahat diba? We can be really sisters now! Oh, I'm so excited. You'll be legally Francheska Maria Montefalco!" And now she won't stop blabbering. Kinutusan niya ito. Kanina lang galit na galit sa tiyahin niya ngayon tila gusto nitong magpaparty ulit dahil lamang sa pinalayas sya. Magkapatid nga sila ni Damon! Parehong topakin! Pero bakit ba niya naiisip ang batang bubuwit na yon? "Awww ano ba?" "Scarlett Heart Rio tigil-tigilan mo yang kaka-overthink mo. Anong adoption? Anong magkapatid? Alam mo, di ko na masakyan yang takbo ng isip mo." "Eh ano naman? Doon din naman ang punta mo. Tsaka saan na ang gamit mo, sana dinala mo na rito kanina tutal dito ka na titira sa amin." Tila inaalok lang sya nito ng candy. "No Scarlett, you don't get it." Seryoso ang mga matang tiningnan niya ito. "Mayroon na akong bagong tirahan. Well, it's a small apartment pero okay naman sa akin. Just to be clear, hindi ako titira dito, walang mag-aadopt at walang apelyido ang magbabago. I want to do it on my own na hindi umaasa sa inyo. I know,hindi habang buhay nandiyan kayo para tumulong sakin. Gustong kong tumayo sa sarili kong paa. Please try to understand me." Idagdag pa ang kapatid mo na sakit sa ulo. Ginugulo ang nanahimik kong sistema! Si Scarlett naman ang napapalatak. "Ayyy, ano ba yan? Sayang naman. Pero sige kahit gustong-gusto ko na nandito ka nirerepesto ko ang desisyon mo. Hindi naman gaano katigas ang puso ko no?" Nakalabing pahayag nito. "Payag din ako pero basta lagi kang bibisita dito ha? O di kaya ako na lang bibisita sayo doon." Dugtong pa nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit kailan si Scarlett na ang nasasandalan nya. May topak minsan ngunit alam niyang naiintindihan sya nito. "Thank you Scarr." Saka pabiro niya itong hinampas kahit naluluha na siya. "Ikaw, saan mo nakuha ang ideyang magpapa-adopt ako? Really Scarlett?" Napanguso ito. "Eh, kung makakalusot lang naman. Matagal ko ng gustong maging legally sisters tayo." "Baliw. Apelyido na nga lang ng magulang ko ang naiwan sa akin, papalitan ko pa?" "Eh, eventually mapapalitan talaga iyan. Obvious naman na magbabago ang apelyido mo once mag-aasawa ka." "Alam ko okay? Pero Scarlett iba yung pag-aasawa iba rin ang ini-insist mong adoption." "Asawa? Adoption? Ano itong naririnig ko sa inyong dalawa ha, Scarlett at Cheska?" "Mommy!" Napalingon siya. Sa likod nila ni Scarlett ang Mommy nito na naka-kunot ang noo. Kasunod din si Tito Zander at si Damon. Si Damon na matiim kung makatitig sa kanya na tila inaarok ang buo niyang pagkatao. Tila sirang plaka namang nagreplay ang nangyari kanina, kung paano nito inangkin ang labi niya. Ugh! s**t na malagkit naman oo. Bakit ba apektadong- apektado sya sa halik nito? Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Just freaking move on Francheska! "You're planning to get married Cheska?" Tanong ni Tito Zander. Lahat ng atensyon ay natuon sa kanya. Tila ay gusto niyang mahilo. Si Scarlett naman ay napahagikhik na lang sa tabi niya. Tila walang balak na tulungang siyang mag-explain. "I never heard na may boyfriend ka. But don't you think it's too early hija? Kaga-graduate mo pa lang." Si Tita Dianne na ngayon lang ata niya nakitaan ng seryosong ekspresyon. Na kapag magkamali siya ng sagot ay patay siyang bata siya. Nagtama ang mata nila ni Damon. Ang pesteng puso nya ay hindi nakisama sa lakas ng palpitation. Tila may nagrambulang daga sa loob. His sharp gaze is making her uncomfortable. Kasi pesteng halik na yun! Yun ang dahilan kung bakit akward na akward siya kapag nasa paligid ito. Ito ang may kasalanan ng lahat! Naku-corrupt ang sistema niya kapag nasa malapit ito. "T-tita you got it wrong." Pinanlakihan nya ng mata si Scarlett. Ang tabil ng dila nito eh. "I don't have a boyfriend and I have no plans in getting married, yet." Siya lang ba pero mukhang nakahinga ng maluwang ang mga tao sa paligid niya. Tila gumaan ang atmosphere hindi tulad kanina na parang kay bigat-bigat. "Let me explain." Agaw na ng magaling niyang kaibigan. Nagsiuwian na ang mga bisita kaya kumpleto ang buong pamilya sa sala and that includes her. Nagpadala ng tsaa ang mag-asawa sa katulong. At nanadya talaga si Damon dahil doon talaga ito umupo sa tabi nya na kung tutuusin napakaraming bakanteng upuan. Ang lagay eh, napagitnaan siya ng dalawang magkakapatid. Hindi sinasadyang magdikit silang dalawa, sa di maipaliwanag na dahilan ay parang nakuryente siya. Mabilis siyang umisod palayo at binigyan ito ng matalim na tingin. "What?" "Lumayo ka sa akin Damon." Gigil na banta niya sa mahinang boses. Ayaw niyang marinig siya ng mga magulang nito at ni Scarlett tiyak na uulanin siya ng tanong. Bahagyang kumunot ang noo nito ngunit ilang mga sandali pa ay tumaas ang isang sulok ng labi nito. Inilapit nito ang sarili sa kanya at huli na sa kanya ang umiwas. “Oh, you’re getting uncomfortable,” anas nito malapit sa tenga niya. Nangilabot siya sa ginawa nito. What’s with him?! Pasimpleng tinulak niya ito at saka nilingon. His eyes were dark and she can see desire in it. Malakas na tumahip ang dibdib niya. Desire? Para sa kanya ba ang titig nito? Ipinilig niya ang ulo para maalis ang mga agiw sa utak niya. Magsasalita pa sana siya ngunit nagsalita na ang Daddy nito. "So ano ang pag-uusapan natin?" Tanong ni Tito Zander matapos ibaba ang tasa sa center table. Nabaling ang atensiyon niya dito. "Actually Ti-" "Kasi Dad, itong si Cheska pinalayas na sa bahay nila." Agaw ng mahaderang si Scarlett kaya ang nangyari ang lahat uli na atensyon ay natuon sa kanya. Great! Remind her later to give Scarlett a good and lasting smack. Mahabang katahimikan, mukhang hindi makapaniwala ang lahat sa narinig. "Wow! That's good to hear." Tita Dianne broke the silence by her excited giddy tone. Hindi niya maiwasang ngumiwi, mukhang good news pa ata ang dala niya para dito. "Mommy! Nakakahiya kay Cheska. Baka sabihing tuwang tuwa pa tayo." Saway ni Scarlett. Aba at nahiya pa talaga ang kaibigan niya sa kanya. Mas malala pa nga ang reaksyon nito kanina. "Huwag ka ng mahiya Scarr. Ako ang nahihiya sayo eh." Nilangkapan niya ng sarkasmo ang tinig, alam naman niyang labas sa ilong tong pinagsasabi ng kaibigan niya. Halata namang tuwang-tuwa ito base sa ekspresyon nito. Napalabi lang ito. Si Damon naman ay prenteng nakaupo sa tabi niya na parang hari. Ang kamay nito ay nakapatong sa itaas ng sofa kaya kung titingnan parang nakaakbay ito sa kanya. Naamoy niya ang mabango nitong pabango. "Then why don't you live with us hija?" Mabilis siyang umiling. Gustong kutusan ang sarili dahil sa pagka-distract. "Salamat po Tita pero may nakita na po akong tirahan. Napag-usapan na namin ni Scarlett kanina ang mga plano ko." "Yeah, Mom. I'm not that convinced though. Pero dahil bestfriend ko sya susuportahan ko ang gusto nya." "Sayang naman hija. Well, I respect your decision pero kung sakali mang magbago ang isip mo palagi kang welcome dito sa bahay." Medyo napangiti siya. Alam niya yun pero ayaw niyang maging pabigat dito. "Sorry for the word but why did your aunt dismiss you hija?" This time Tito Zander asked her. Nalumbayan ng lungkot ang mukha niya pero agad din niya itong binura at pilit na ngumiti. "She wants me out Tito, tapos na daw ang obligasyon nya sa akin. She wants me to be independent too. I can't blame her though. Sobra-sobra na ang sampung taon na pag-aaruga nya sa akin." "Kahit na! Tita mo yun eh." Angal na maktol ni Scarlett. "Hayaan mo na Scarlett nangyari na ang nangyari." Si Tita Dianne. "But still Mommy-" Napabuntong-hininga ito ng marealize walang patutunguhan ang pagmamaktol nito. "Okay fine. Let's not talk about her Tita Kontrabida. It will just ruin our night." She used to call her aunt Tita Kontrabida kasi iyon daw ang role sa buhay niya na tinatawanan nya lang. Tita Corrine is not that bad as she thought. Kahit anong explain niya dito, di naman ito nakikinig. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kaibigan. Mula sa pagkayamot ay napalitan ito ng excitment at kaunting mischief. Dahil kilala niya ito alam niyang may niluluto itong kalokohan. "The night is still young. Why don't we play a game-" Sadya niyang nilakasan ang paghikab para maputol ang pagsasalita nito. Knowing Scarlett tiyak na siya ang igigisa sa game na sinasabi nito. Her past experiences told her so. Tumayo siya. "Inaantok na ako. Let's call it a night!" Saka walang paalam na tumakbo paakyat ng hagdan. Narinig nya ang tawa ng mag-asawa at ang pagtili ni Scarlett sa pangalan niya. "Francheska your unfair!" "Good night po Tito and Tita, sorry po at medyo pagod na ako." Binalingan naman niya ang kaibigan. “Next time na Scarr or maybe never. Ang dugas mo pa naman.” Sumimangot naman ito. Natuon ang tingin niya kay Damon. Is she supposed to say good night too? Marahas na humugot siya ng hininga at saka walang anumang tumalikod. Wala na siyang pakialam pa kung ano ang isipin nila. Hindi pa man nakakalayo ay rinig na rinig niya ang tila pagsita dito ng ina. "What happened this time, Damon Alexander? Are you giving Francheska a hard time again?" Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame, sapo ang dibdib. Ramdam na ramdam nya ang lakas ng t***k ng puso nya doon. Damon’s no longer a kid, she must admit. Ang bawat araw na dumadaan ay nagbibigay sa kanya ng ibayong kaba habang nasa malapit ito. Nagagalit siya at kinakabahan sa parehong sandali. Is it even normal for her to feel this way? Nalilito siya sa sariling damdamin. Pumikit siya at unti-unting nagsalimbayan sa isipan ang unang araw nilang pagkikita…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD