Nang makarating sa bahay ng tiyahin ay hindi na sya umaasa pang sasalubungin ng masayang pagbati. Tahimik sa loob ng bahay ngunit alam niyang may tao.
"I'm home Tita!" Masiglang bati nya sa tiyahin na hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan.
"Dumating ka na pala. Tamang-tama may sasabihin ako sa'yo."
Napatingin sya sa seryoso nitong anyo. Iminuwestra nito ang mga maleta at bag na nakalagay sa pinto. Napakunot-noo sya. Napakapamilyar ng mga bag at maleta. Sa kanya ang lahat na iyon. Hindi niya maiwasang kabahan. Ano ang ibig nitong sabihin?
"T-tita?"
"I'm sending you out of this house, Francheska. You have stayed long enough here." Simpleng sabi nito pero napakalakas ng impact sa kanya. Tila ay nanlamig siya bigla, hindi makapagsalita sa narinig.
"Since tapos ka na sa pag-aaral, tapos na rin ang obligasyon ko sa iyo. You can live in your own now. Pasalamat ka at kinukupkop kita ng halos sampung taon. Di kita pinabayaan na tumira lang sa kalye. Now that you are matured enough to live alone you may now leave this house." Dugtong nito sa napakalamig na boses. Napakurap siya. Pinipigilang pumatak ang mga luha. Her cold voice and cold treatment do not make her feel any better. Bakit parang napakadali lang nitong sabihin ang mga katagang yun? Nasasaktan siya sa naririnig.
Show her that you're strong Cheska.
Tumingala muna siya bago ibinalik ang tingin dito. Pilit na pinapatibay ang kalooban kahit sa totoo lang parang binabasag siya.
"W-why Tita? Kayo lang po ang natitira kong kamag-anak. Baka pwede po nating mapag-usapan muna?" Nagpapasalamat siya at hindi nabasag ang tinig niya. She needs an explanation, deserve nya naman siguro yun di ba?
"At bakit hindi Francheska? You've been under my roof for almost ten years. Hindi pa ba sapat yun para sa'yo? If you're not asking your presence is already a nuisance to us, especially to my children. Di lang talaga kita mapaalis-alis dahil sa pangako ko kay ate na ipagtatapos kita sa pag-aaral."
Para siyang sinampal sa narinig. It's the first time that she tells those words directly to her.
She is a nuisance.
Kahit noon alam niya at ramdam na ramdam na malayo ang loob nito sa kanya pero ni minsan ay di siya nakarinig ng masasakit na salita dito. Talaga bang pabigat siya para dito?
Sasabihin nya ba kung hindi?
Mapait siyang ngumiti. Walang saysay kung ipagpipilitan niya ang sarili niya dito. Hindi lang ang sarili niya ang masasaktan kundi pati ang tiyahin. Tumalikod siya. She can't find words to say anymore. Tila naubos ang lahat, pati ang mga katanungan na gustong-gusto niyang malaman ay naglahong parang bula.
"Francheska."
Natigilan siya pero di lumingon. Ayaw niyang makita siya nito sa ganung estado.
Lumapit ito at may inilagay na sobre sa kamay niya. Nakatungo lang siya habang sunod-sunod na bumabagsak ang masasagana niyang luha. Medyo makapal iyon ang sobreng inabot sa kanya.
"Ito na ang huling pagtulong ko sa iyo Cheska. Now leave. Wala ka ni isa mang gamit dito sa bahay."
Gusto niyang sumbatan ito ngunit wala siyang lakas. Totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya at may karapatan itong palayasin sya anumang oras nito gugustuhim. Sabagay, ano nga ba sya sa pamamahay na yun? Bukod sa sampid na, pabigat pa. Muling sumakit ang lalamunan niya sa matinding emosyon ngunit bago pa ito tumalikod at makalayo ay mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. Ramdam niya na natigilan ito. Wala siyang pakialam kahit magalit ito at itulak siya. Kailangan niya itong pasalamatan sa lahat. Kahit masama ang loob niya sa desisyon nito ay mahal pa rin niya ang tiyahin. Ito na ang itinuturing niyang pangalawang ina, hindi siya masasaktan ng ganoon kung wala siyang nararamdaman para dito.
"T-thank you Tita."
"Thank you for all these years. Hindi man niyo sabihin alam kung may puwang din ako diyan sa puso mo. Well, yan ho ang gusto kong isipin." Pinahid niya ang luha.
"Mag-iingat kayo lagi. Huwag kayong magpasobra ng pagod at kumain ka lagi sa oras. May katigasan pa naman ang ulo niyo minsan. You're my second mother at hindi ako makakaalis ng matiwasay dito kung papabayaan nyo ang sarili. Please take care always." Tumawa siya ng marahan at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay na naging tahanan niya sa loob ng sampung taon.
"Huwag din kayong mag-alala sa akin Tita. Kaya ko po ang sarili ko. I know, I can survive. " Saka niya ito nginitian ng buong puso bago humakbang palabas ng bahay.
Bago pa man niya naisara nag pinto ay tila narinig niya pa ang boses nito.
"Happy graduation Iska. Go and live your life independently."
Wala sa sariling humakbang sya sa kung saan. Walang tiyak na direksyon.
Gusto niyang kurutin ang sarili kung nanaginip lang ba siya. Pero totoo eh. Leaving this house is for her good. Iyon ang pilit niyang inuukilkil sa sarili. Hindi na niya kailangan pang-iasa ang buhay sa ibang tao. Kailangan na niyang tumayo sa sariling paa.
Where am I going now?
Naisip nya si Scarlett at ang alok ng mommy nito ngunit agad niyang inalis ang ideya. Ayaw nya maging pabigat sa kaibigan. She had to figure it out. She has her own now at ang umasa sa ibang tao ang huli niyang gagawin.
Pilit niyang hinamig ang sarili at pinagana ang isip. Wala sa lugar niya ngayon ang panghihina at pagmumukmok. She needs to move forward.
Binuksan nya ang sobre at nakitang malaki ang halaga ng perang nandoon. She won't be worried about the money. May naipon sya mula sa pagiging working student at scholar at alam niyang sapat iyon. Pansamantala.
Graduate sya sa kursong MassCom at alam din nyang mataas ang kanyang credentials. Ang poproblemahin nya ngayon ay kung papaano makakahanap ng trabaho at pansamantalang tirahan.
Tumunog ang cellphone nya at nakitang nagtext si Scarlett.
"Where are you? Susunduin na ba kita diyan?
Napakagat-labi sya. She nearly forgot. Doon pala sya matutulog kina Scarlett. Hindi nya alam kung ano ang uunahin. Hahanap ng pansamantalang tirahan o dederetso sa bahay ng kaibigan. Pero alam niyang malabo ang huli kasi kapag nakita nito ang mga gamit niya tiyak na mag-uusisa ito. Hindi sya nito papayagang mamuhay ng mag-isa at pipiliting tumira sa bahay ng mga ito. And she wouldn't let that happen.
Yeah, she knew her bestfriend way too much. Saka sa mga pinagsasabi ng nanay nito kanina hindi imposibleng doon talaga siya papatirahin. Ayaw niyang madamay sa problema nya ang pamilya ni Scarlett. Nakakahiya na at dagdag pasanin lang sya.
May naalala siyang apartment malapit sa lugar nila. Nakita nya ito noong minsang sinamahan ang kaklase sa paghahanap ng matitirhan nito. Mabilis siyang tumawag ng taxi at inutusang tumungo doon.
Sana may bakante pa... Piping hiling niya sa sarili.