Prologue
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.
Warning: Some parts of this story has a mature content
____________________________________________________
Prologue
Pagbaba ko ng jeep na sinakyan ko ay kaagad kong tinignan ang wrist watch ko. It was 9:55 in the evening and I'm five minutes early. I proceeded to the hospital canteen to spend the rest of my five minutes in drinking a hot coffee. While I'm sipping my coffee, I'm also constantly looking at my wrist watch. Hindi ko pa man nauubos ang kape ko pero kaagad na akong tumayo para magpunta sa ER. Doon ako naka assign ngayon. May mga nakasalubong pa akong dalawang nurse na nagkukwentuhan.
“Nakita mo na yung bagong intern?”
“Oo, ang gwapo!”
I overheard their conversation and I can't help but to slightly shake my head. Mukhang may bago nanamang doctor na magiging crush ng bayan. Just like what happened with doc Sison. Lahat ng mga bagong doctor dito na may hitsura ay laging pinagkakaguluhan.
Pagpasok ko sa ER ay kaagad na bumungad saakin ang isang umiiyak na batang pasyente at ang likod ng isang doktor na kasalukuyang ibinebenda ang siko nito. Sa tabi ng bata ay ang mukha ng isang nag-aalalang ina. Kaagad akong lumapit sa likod ng doktor para i-assist siya pero mukhang wala na rin naman akong maitutulong dahil patapos na siya.
"Hush now, sweetheart. We're all done." pag-aalo niya sa bata matapos niyang ibenda ang siko nito. After that he gave a prescription to the kid's mother. The lady thanked the doctor endlessly hanggang sa umalis na sila. Mukhang napansin na ako nung babae habang paalis sila kaya nginitian ko siya at nginitian niya rin naman ako pabalik, marahil ay ngayon lang niya ako nakita dahil sa sobrang pag-aalala niya sa anak niya kanina. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas na sila ng ER.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa doktor ay halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtanto ko na nakaharap na pala siya saakin. I was seeing blurred for a split seconds but when I realized who was standing infront of me my heart began to thump in shock. My head is spinning at it feels like I needed something to grip on.
"R-Ryan?" I couldn't even recognize my own voice! Ryan is now standing infront of me, at first he was surprised and now he's looking at me like he doesn't know me... But of course, the anger in his eyes proved that he does know me. How could you be so angry at someone who you do not know? I can't blame him.
"It's Dr. Ramirez to you." Malamig niyang sabi at akmang tatalikuran na ako pero kaagad akong nakapagsalita.
"Sandali!" There are thousands of thoughts running through my mind right now. Natigilan siya at tiim bagang akong tinignan.
"Y-you know... I've been looking for you—" naputol ang kung ano mang dapat kong sasabihin nang biglang may pasyenteng ipinasok sa ER kasama ang paramedics. The last thing he gave me was his bored look before turning his back at me to face the newly arrived patient. Isinantabi ko na muna ang personal kong nararamdaman para i-assist siya. Bagamat maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ay hindi ko na muna pinansin ang mga iyon para makapag focus ako.
This a matter of life and death situation. The newly arrived patient was bathing on his own blood. Looks like it was a hit and run. Ryan was so serious and professional. He did a pupil test using the pen light then he started asking for the equipments that he'll be needing, mabilis ko namang inaabot sakanya ang mga iyon.
"Can you tell me your name?" aniya sa pasyente habang aligaga sa paggamit ng mga equipments.
"What's your name, sir? Can you hear me?"
Sanay na ako sa mga eksenang ganito pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maawa sa mga pasyenteng isinusugod dito. Sigurado ako na may isa nanamang pamilyang nag-aalala.
"Ang lalim ng iniisip mo?" Puna ni Kaye na kasalalukuyan kong kasama ngayon dito sa canteen ng ospital. We're both having our break.
Saglit ko siyang tinignan bago sumagot.
"I-I saw Ryan, Kaye." I opened up. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ko ang eksena kanina. Matapos maging conscious nung pasyente kanina at nailabas sa ER ay hindi na kami muling nakapag-usap pa. He looks different now and ten times better. Pati pakikitungo niya at ang kanyang aura ay nag-iba. It came from nice to dark Ryan Ramirez.
I clenched my jaw as my guilt starts to consume me. Is it my fault? Kasalanan ko ba kung bakit siya nagkaganyan?
Natigilan si Kaye at kitang-kita ko kung paano lumawak ang mga mata niya.
"You mean the guy you mentioned to me?" gulat niyang sabi at hindi na natanggal ang tingin ng kanyang malalawak na mga mata saakin.
"Yes, yes. That one." Sagot ko.
"So... How was he? Nag-usap na ba kayo?"
Napangisi ako ng pagak. "Yeah... When he insisted me to call him 'Dr. Ramirez' instead of 'Ryan'."
Kung kanina ay nanlalaki ang mga mata ni Kaye ay ngayon ay mas dumoble pa ang mga ito. Kung kasalukuyan nga siyang umiinom ng kape ay baka naibuga niya pa ito saakin.
"The f**k, Trix! Don't tell me yung intern ang tinutukoy mo?" She said in disbelief.
I bit my bottom lip and nodded at her. Napasinghap siya at napaawang ang bibig niya.
She squinted her eyes after she recovered from her surprise.
"So you really rejected Dr. Ramirez before?"
I didn't answered, I just frowned at her and she took that as a 'yes'.
"Damn! You have issues." She accused me in disbelief. This time I glared at her but she seems not to care. "I mean, girl? Kung ayaw mo, akin na lang. Hindi mo naman kaagad sinabi na ganito pala kagwapo yung si Ryan!"
"I didn't rejected him, okay?" depensa ko. Wala akong matandaan na nireject ko si Ryan.
"Well, yeah but you neglected him. Pareho lang 'yon. Masakit pa rin 'yon sa damdamin!"
Hindi ako kaagad nakasagot. Napaawang ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas doon. Kaye’s right. Kahit saang anggulo tignan ay nakasakit pa rin ako.
“Ibang-iba na siya ngayon, Kaye… Hindi ko nga alam kung paano ko pa siya kakausapin.” bigla kong sabi kay Kaye. It’s just so frustrating.
“Mapapatawad ka rin naman siguro niya. Lalo na’t isang taon siya dito bago matapos ang internship niya. Marami pang mangyayari.” Malungkot akong ngumiti sa sinabi ni Kaye. Sana nga dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung may pag-asa pa ba akong mapatawad niya. Base sa ekspresyon niya at sa tono ng kanyang boses kanina ay malalaman mong may hindi tama.
Hindi lang sa pisikal na anyo ang ipinagbago niya pati na rin ang pakikitungo niya— well, Ryan’s a good looking man ever since. Siguro ang tamang sabihin ay naging ten times better siya pagdating sakanyang pisikal na anyo.
“Earth to Beatrix!” naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Kaye. Piniling ko ang ulo ko bago ko siya tinignan at tinaasan ng dalawang kilay.
“Sorry… Ano nga ulit yung sinasabi mo?”
She rolled her eyes. “Sabi ko may convention na gaganapin sa boracay, gusto mo ba’ng sumama?”
Pagkarinig ko pa lang no’n ay nagustuhan ko na. Attending a convention is beneficial to me and Kaye. Pareho kaming maraming matutunan. But flying to boracay requires an airplane so I guess I’ll say no.
“I’ll pass…” I said and gave her a faint smile.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
“Saan ka ba takot? Sa eroplano o sa piloto?” aniya. Napaawang ang bibig ko at sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang ako. I told this girl everything. Siya ang naging karamay ko no’ng mga panahong pakiramdam ko ay wala akong kakampi.
“Don’t tell me na hindi mo pa rin nakikita sina Yael hanggang ngayon?”
Just hearing his name made my stomach do that thing again. I looked away from Kaye and took a sip of my coffee.
“Sina Colton at Jess ay nakita ko na no’ng dumalaw sila sa bahay,” I paused and wet my lips. “Pero si Yael… Ni anino niya ay hindi ko na nakita.”
Wala na akong balita sakanya which is good. I’m not interested in seeing him again. Hindi rin naman ako interisadong makita sina Colton at Jess kaya sa tuwing napapadalaw sila sa bahay ay magkukulong lang ako sa kwarto ko.
“Baka naman may girlfriend na.” Ngisi ni Kaye. Napahigpit ang hawak ko sa baso ng kape.
“Good for him.” I retorted as I take another sip of my coffee.
“And bad for you?” Narinig ako ang halakhak ni Kaye kaya iritable ko siyang tinignan.
I looked at her in disbelief. “Why would it be bad for me?” I questioned. She just shrugged and chuckled.
“Alam mo, sumama ka na lang sa convention… Malay mo may hanap kang papi doon.”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano ba talaga ang balak mong puntahan doon? Boys or convention?”
Ngumisi siya. “Both…” sagot niya at itinaas baba ang kanyang kilay. Napabuga na lang ako ng hangin at iling-iling na nag-iwas ng tingin sakanya.
Siniko niya ako. “Ano, sama ka na?”
“Fine!” sagot ko na ikinatuwa niya naman. Napapalakpak pa siya. At least I’ll be away from home even just for two days.
“Ayaw mo ba talagang sumama, Beatrix?” Tanong ni mama. Umiling ako ng hindi siya tinitignan. Nasa telebisyon ang aking tingin.
“It’s been nine months!” She hissed. I clenched my jaw and just ignored her. Kunwari ay wala na lang akong narinig.
“Narinig mo ba ako, Beatrix!?” She snapped. Inis ko siyang hinarap.
“May duty ako, ma.” I said trying my best to hide the irritation in my voice. Mabuti na lang talaga at pumayag na akong sumama kay Kaye. I love the house but being alone with my ma is suffocating me. I’m so tired hearing her say that I have to move on because it’s been nine months.
She simply doesn’t know the pain. Hindi niya alam kung gaano kahirap na pinagkaisahan ka habang nakatalikod ka.
“Kapag gusto mo ay nagpapa-cover ka ng shift mo!” Puna niya. My brows furrowed and my teeth gritted.
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko do’n, ma? Makipag-plastikan?” hindi ko mapigilang sabi. Bakit ba pinipilit niya akong magpunta sa mansyon nila Jess na ngayon ay si Colton na ang may-ari?
I don’t like going into places or socializing with people in which where I have to plaster a fake smile on. I’d rather be with a grumpy patient!
Naningkit ang mga mata niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay dumating na si Papa.
“H’wag mong pilitin ang anak mo kung ayaw niya…” suway ni papa. Binigyan lamang ako ng matalim na titig ni mama at iling-iling na umalis dito sa sala.
I looked at papa and he’s looking at me sympathetically. “It’s okay. You don’t have to come with us,” Marahan niyang sabi.
“But please keep in your mind that Colton is still your brother… And Jess? She once became your bestfriend. You two were inseparable back then.” Pahabol niya bago siya tuluyang nagpaalam para ihanda na ang sasakyan. Nang maiwan na ako dito sa sala ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
Forgiveness is so hard to give lalo na kung nasaktan ka talaga. I feel so betrayed. Pakiramdam ko ay tinraydor nila ako lalo na’t sila pa naman ang mga pinaka pinagkakatiwalaan ko. Pinagmukha nila akong tanga. Like what my mama said: “It’s been nine months!” yes, it’s been nine months yet it still feels like yesterday. I just hope that our heart works with betadine too. Pero hindi e. Hindi gano’n kadaling paghilumin ang sugat sa puso lalo na kung malalim ang sugat nito. Kaya naiintindihan ko si Ryan kung bakit ganoon na lamang ang galit niya saakin… At maiintindihan ko rin siya kung hindi na niya ako mapapatawad pa.
Ang pagtitiwala ay ang pinakamabigat sa lahat. Trusting someone means you love that person more than enough to tell your deepest and darkest secrets to him; trusting is too risky, too dangerous.
Lalo na kung sa maling tao ka nagtiwala.
Hindi ako mapakali habang nasa airport kami ni Kaye. It feels like someone is always watching me even though there isn’t. I’m being paranoid and I hate it. Kanina pa ako palinga-linga para masigurong wala nga talaga at ang nakita ko lang ay ang mga taong abala sa kanilang mga ginagawa. Someone were taking groupie. Yung iba naman ay pini-picturan ang mga tickets nila.
“Girl, order muna ako ng frappe. Gusto mo?” aniya. May mga stalls kasi sa bandang side at sa likod. Tipid akong ngumiti at tumango sakanya. Nang umalis na si Kaye ay nagbaba ako ng tingin sa ticket na naka-ipit sa passport ko. Philippine Airline. Thank God, it’s not AirAsia. Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko. Ni isang text ay wala akong natanggap. I’ve changed my number at iilan lang ang may alam. Silly me, because sometimes I’ll insert my old sim card just to see if I’ve received any texts messages.
At meron naman. They’re from the guys who’s trying to hit on me. Kaya hindi na ako nangahas na muli pang i-insert ang luma kong sim sa phone ko. Ngayon ay pinanindigan ko na.
After 15 minutes ay nakabalik na si Kaye na may dala-dalang frappe sa magkabila niyang kamay. Iniabot niya saakin ang isa bago siya umupo sa tabi ko.
“Thanks, Kaye.” She just winked at me while taking a sip of her frappe.
“Shocks! Miss ko na si Nick!” Kaye beamed out of nowhere.
“Bakit hindi daw sumama?” Tanong ko.
“Ewan ko sa baklang ‘yon! Ang KJ.”
“Dalhan na lang natin siya ng pasalubong.” Suhestiyon ko.
“Naku, mga papi ang gustong pasalubong no’n! Baka kapag dinalhan mo ng buhangin ay isaboy niya pa sa mata mo.” eksaheradang sabi ni Kaye. Natawa naman ako sa paraan ng page-explain ni Kaye. Ilang sandali lang ay tinawag na ang mga bi-biyahe papuntang Caticlan. Panay ang picture namin ni Kaye habang papunta kami sa eroplano. Ito ang unang pagkakataon na sasakay kami ng eroplano ni Kaye ng magkasama. Usually, mga family lang namin ang kasama namin.
Pati sa eroplano ay panay pa rin ang pictures namin ni Kaye hanggang sa mag anunsiyo na ang isang flight attendant habang isinasara ang pintuan. Both Kaye and I fastened our seatbelt.
“Ladies and gentlemen, this is Tristine Mercado, I’m your chief flight attendant. On behalf of Captain Matthias Abrigo and his co-pilot Cyprian Abrigo…”
Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil ang pangalan lang na ‘Cyprian’ ang tumatak saakin. Napangisi ako at natutuwang hinarap si Kaye.
“Kilala ko yung co-pilot, Kaye!” I squeals. “Classmate siya dati ni Colton tapos crush na crush siya ni Jess noon!” Excited kong pagkukwento. I mean wow! This is mindblowing. Ilang taon na rin ang nakalipas. I remember those times when I used to ship Cyprian and Jess.
I stopped when I felt Kaye looking at me with amusement.
“What?” I furrowed my forehead.
“For the first time this year, you mentioned their names without bitterness…. Mas magandang pakinggan.” She smiled. Unti-unti namang nawala ang mga ngiti ko nang maging ang sarili kong boses ay nag echo saaking utak.
I frowned at Kaye. “Nadala lang…” Depensa ko. She just clicked her tongue and shook her head.
“Isn’t it ironic, Trix? Gusto mong mapatawad ka ni Ryan pero ikaw mismo ay ayaw mong patawarin yung tatlo.”
I clenched my jaw and stayed silent. Mukhang nahalata ni Kaye ang pagbabago ng aura ko kaya nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.
“I’m sorry. I didn’t mean to offend you.”
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ko. Tumango na lang ako sakanya at hindi na kami muling nagsalita pa.