Chapter 26 Happy Birthday We already arrived here in Makati. Dito pala sila nakatira sa Salcedo Village. Noong una ay akala ko ay niloloko niya lamang ako pero seryoso pala talaga siya. Sinipat ko ang isang malaking bahay mula sa bintana ng itim na vios ni Yael. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok. My heart is beating so rapid like it's about to jump out of my chest. Pinagpawisan ang aking mga palad nang buksan na ni Yael ang pintuan dito sa passenger seat. Ipinatong niya ang kanyang palad sa bubong ng kotse at doon sa itaas ng pintuan saka siya bahagyang yumuko para silipin ako. Gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi. "Ready?" I took a deep breath. "Sandali lang..." Sabi ko pa habang pinagapapatuloy ang aking pag inhale-exhale. Narinig ko ang masar

