Chapter 28 Fears Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang tadhana o ano pero sa tuwing may mahahalagang okasyon ay hindi ko nakakasama si Yael. Noong nakaraang pasko ay wala siya at ganoon rin noong New Year. Ang sabi ni papa ay kailangan ko daw masanay dahil ganoon daw talaga ang mga piloto. Halos palagi silang wala tuwing holidays dahil maraming mga tao ang nag a-out of the town and country. Naiintindihan ko naman iyon dahil maging ako ay nagdu-duty pa rin kahit pasko dahil dumadami ang mga pasyenteng naia-admit sa tuwing ganitong mga season. So far this is year is going really well. Colton and Jess are already okay. Hindi ko alam kung papaano nangyari iyon dahil hindi ko pa naman nakakausap nang solo ang dalawa. Pero masaya ako para sa kanila. Actually, mga bata pa lang

