Chapter 22 Yes Tahimik ko siyang sinundan habang naglalakad kami palabas ng elevator. I don’t know how he made me follow him without saying anything. Nang makarating kami sa parking lot ng HTO ay sinamaan niya lang ako nang tingin at hindi ko na nagawang makapag-protesta pa. Napasunod niya ako nang walang kahirap-hirap. I hate how he can make me succumb into him with those dark and deep eyes. Pero kailangan ko pa rin siyang labanan kahit na gustong-gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito. Tumigil kami sa tapat ng pintuan niya, pinanuod ko siya habang nakatalikod siya sa akin at binubuksan ang kanyang pintuan. Nang magtagumpay siya ay binuksan niya nang sobrang lawak ang kanyang pintuan saka ako nilingon. “Get inside,” his voice is low but it’s full of authority. I don’t

