INAASAHAN na ni Graciella ang presence ng magaling niyang kapatid sa opisina niya nang sumunod na araw. Hindi pa nag-iinit ang pwet niya sa swivel chair ay sumugod na agad ito—tila may kasamang alon ng bagyo sa bawat yabag ng kanyang stilettos. "Can you explain why you're ignoring my calls yesterday?" singhal agad ni Terry, diretsong nakapameywang sa harapan niya. Napansin agad ni Graciella ang suot nito—sobrang revealing na para bang walang pakialam sa paligid. Halter top na halos dibdib lang ang natatakpan, at pangbaba na sobrang ikli na parang isang maling galaw lang ay makikita na ang lahat. Hindi naman siya conservative pagdating sa fashion, kaya hindi siya kailanman naging problema ang suot ng kapatid. Ngunit sa isip niya, sa gano’n lang bang pananamit nasilaw si Yana? Hindi niya

