Hindi mahirap mahalin ang tulad ni Patrick. He was sweet. He was caring and thoughtful. He was— He… He— Che! Masosobrahan na siya sa paggamit ng "he" kapag ipinagpatuloy pa niya ang paglalarawan nito sa isip niya. Pero paano ba naman kasi? Lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki parang naididikit na niya sa pangalan ni Patrick. Hindi naman ito perpekto—alam naman niya iyon. May mga sandali na nakakainis din ito, lalo na kapag binibiro siya nang sobra. Pero still, it feels good to be around him. Para bang, whenever he was close, gumagaan ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya, parang isang prinsipe ito na hinugot mula sa isang alamat. Guwapo, matipuno, charming in his own casual way. Iyong tipong kahit hindi magsalita ng marami ay kayang agawin ang atensyon ng lahat. Iyong tipong bab

