“HEY, are you okay?” Napapitlag si Graciella nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Walang kaabog-abog na pumasok si Patrick, parang wala man lang konsepto ng pagkatok. Dahil sa gulat at dahil ayaw pa niyang makipag-usap, mabilis siyang pumikit. Nagpanggap siyang tulog, hoping na mapapaniwala niya itong wala siyang naririnig. She still didn’t want to talk to him. Hindi pa siya handa. Mabigat pa rin ang dibdib niya sa mga bagay na pilit na bumabalik sa isip niya kanina. “C’mon, alam ko gising ka.” Malumanay ang boses ni Patrick, pero may kasamang paglalambing na tila ba gusto nitong pilitin siyang bumangon. She groaned, hindi na napigilan ang inis. “No, I’m sleeping. Respect the sleeping beauty. Get out.” Natawa ito, iyong tipong mababa at mahina pero ramdam niya ang pang-aasar. “H

