Chapter 3~Warriors ~

1028 Words
Chapter 3 ~Warriors~ Charlly's POV "Ay, sumosobra na 'tong ibon na 'to ah!" Naiinis na talaga ako. "Curtis, ano ba 'yan? halos mapunit 'yang noo mo sa sobrang lukot?" narinig kong sabi ni Mak habang umuupo sa tabi ko. Naiinis na nilingon ko siya. "Kainis ka," angil ko sabay hampas sa kanya. "Teka, bakit? Anong ginawa ko?" takang tanong niya. "Ano sa tingin mo?" "Uhm, kinausap kita? 'yon lang naman ang ginawa ko. " "Kaya nga!" inikutan ko pa siya ng mata ko. "Hayun nga, bakit ka nga nagagalit?" simangot niyang tanong. Gusto ko sanang isipin na ang cute nya, kaso 'di talaga bagay sa kanya, serious type kasi talaga ang mukha niya. "Kasi istorbo ka. Alam mo ba na malapit ko nang malagpasan ang high score ko sa flappy bird, kaso ginulo mo pa 'ko, hayan tuloy," sabi ko at tinalikuran siya. "Sus, akala ko naman kung ano na, iyon lang pala," pagwawalang bahala niya na ikinaliit ng mga mata ko. "Anong 'yon lang ha? Seryoso ako para pagtawanan mo," naniningkit ko pa rin na sinabi. "Alam mo, ang OA mo,'" sabay kurot nanaman sa pisngi ko. Nakanguso na hinihimas ko ang pisngi ko. "Hindi ako OA, KJ ka lang talaga. Isa pa mahirap lang talaga, to the point na dapat lahat ng atensyon mo ay nasa ibon lang." "Weh?" "Oo nga! kung madali lang bakit dumudugo na 'yong nguso ng ibon pero 'di pa rin makalagpas?" "Alam mo, 'wag na lang iyan ang laruin mo. Baliw ka na nga, lalo ka pang nababaliw dahil sa laro na 'yan, " nakangiti niyang sabi. Ano bang nakain o nainom nito? Bakit siya nakangiti nang nakangiti ngayon? Hindi ba siya pumasok sa work nya kagabi kaya 'di siya pagod? May energy siya ngayon, e, malakas. Buti pa siya, samantalang ako ay muntik nang mapahamak kahapon sa professor. Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Dapat ay mags-stay kami ni Martin sa detention room, pero luckily ay nakita kami ng kaibigan kong si Flame, tapos konting pagpapa-cute sa Kuya Glaze nya, hayun, safe na kami. Glaze Millers at Flame Millers ang anak ng may-ari ng GM academy, at dahil sa pangalan ni Glaze Millers ay higit syang may kakayanan na pasunurin ang mga staff, teachers at professors sa school. Halos siya na rin ang tinuturing na may-ari ng buong paaralan dahil sa ipinangalan talaga ang eskuwelahan sa kaniya. "Mak may sakit ka ba?" takang tanong ko sa wirdong si Mak. Kung siguro hindi si Mak ang kausap ko ay normal lang ang inaakto nya ngayon, pero dahil si Mak 'to, sobrang nakakapagtaka. Madalas kasi ay hindi talaga nya pinapansin ang kabaliwan ko sa araw araw. Ni hindi nga rin sya ngumingiti nang totoong ngiti. Sakto lang. "Eh? Bakit? " nawiwirduhan nyang sagot at mahinang tumawa. Oo nga, good mood talaga siya. Feeling ko tuloy ay nawawala ang kaibigan ko. Kailangang bumalik ng tunay kong kaibigan, iyong masungit, wala lagi sa mood at walang energy, pero sandali, parang mas okay na 'yong ganito siya palagi. "Hindi nga, Mak? Seryoso iyong tanong ko! Kahit 'di halata, seryoso ako. May lagnat ka ba?" Hinawakan ko ang noo niya pati ang leeg. "Wala naman." Pinisil nya lang ang pisngi ko at bumulong ng 'cute' habang natatawa. Namilog na ang mga mata ko. "Mak, seryoso, is that you?" "Ha?" tanging sagot nya. "Sino ba nagpadala sa 'yo rito? Si E.T ba, Minions, o 'yong parang ewan maglakad tapos nakataas pa 'yong kamay at nagsasabing 'brain brain brain' o ang cute na cute na si Cj-- aray!" Kinurot nya uli ang pisngi ko. Hinimas-himas ko lang 'yon nang nasaktan ako. "Masaya lang ako, Curtis," sabi nya at napailing na. Tumabingi ang ulo at kumurap-kurap. "Bakit? Good news?" excited na tanong ko. "Nalaman ko kasi kay Gian na ang grupo natin ang kinuha para sa febfire na magaganap sa February next year. So, ka----" Impit na sinigaw ko ang abilyedo ni Mak "Salazar!" Niyakap ko si Mak pero kaagad din akong humiwalay at pumalakpak. Alam kong nakatingin na sa amin ang buong kaklase namin. Hindi ko na lang sila pinansin. Wala naman kaming prof kaya walang mangsisita sa akin ngayon. I love dancing, especially ay hip hop, kaya nga nakasali ako sa dance group dito sa school. Not a cheering squad. May dance group ang GM academy at kasama ako roon. Doon din kami unang naging close ni Mak. Well, kahit busy siya masyado sa mga work nya ay may time siya basta para sa Warriors. Warriors ang pangalan ng grupo namin. Pareho kaming mahilig sumayaw, nagkasabay pa nga kami sa audition. Ito lang din ang freedom nya kaya todo support talaga ako sa kanya. Sa lahat ng ginagawa niya bilang selfless person, ang pagsasayaw lang ang ginagawa niya na para sa sarili niya mismo. Siguro iniisip ng iba ay OA kami dahil masyado kaming masaya ngayon, pero hindi ah! Masaya lang talaga kami kasi 2 years ago, first and last na nasali ang GM academy sa malaking competition kung saan marami kaming nakalaban na magagaling na group galing sa iba't-ibang schools, group namin ang sinali noon kahit marami pang ibang grupo na magaling sa loob ng GM, kagaya na lang ng Some TXT Missing, Silent Azuya, Collection Hop at marami pang iba. Sa rami ng grupo dito sa GM, kami ang napili kaya nga super proud kami noon. Sabi nga nila kaya lang daw kami kinuha noon kasi kapatid o pinsan ng may-ari ng school si Kuya Nathaniel, isa sa myembro ng Warriors. Pero kahit may mga kumontra ay proud pa rin na nakasayaw kami. Kaso mas magaling 'yong isang school kaya second lang kami. "Teka Mak, buti kinuha pa tayo?" takang tanong ko nang maalala ko ang nanyari noon. After ng pagkatalo namin ay akala namin last na sali na namin iyon sa mataas na competition sa mga schools. Ngumiti siya, marahil nang mabasa ang dismaya sa tono ko dahil naalala ko ang nangyari dati. "Ewan ha, pero Curtis, hindi na natin hahayaan na mangyari uli iyon. We'll do everything to win this time." Ngumiti ako. "Okay, nakaka-convinced English mo, e," ngisi ko. At nagbalik nga ang dati kong kaibigan. Sinimangutan niya ako at muling sinungitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD