Chapter 2 ~Again ~

1436 Words
Chapter 2 ~ Again ~ Flashback Charlly's POV "Mak!" malakas na tawag ko sa boy best friend ko na si Mak at tinalunan sya sa likod. "Ano ba, Curtis! Baba! Ang bigat mo kaya!" reklamo nya. "Parang ako lang naka-missed sa 'yo ah! 'Di mo ba ako na-missed?" reklamo ko din sa kanya. Wala naman magagawa 'yan, as if kaya nya akong tiisin. "Oo na, sige na, na-missed na kita. Masaya? Oh siya, baba na at mabigat ka na talaga," sabay tapik nya sa kamay kong nakakapit sa leeg nya. "Curtis, baba," utos nya ulit. Naku, masaya 'to, na-missed kong pagtripan siya. Two weeks ko rin syang hindi nakita. Katatapos lang ng sembreak kaya naman ngayong balik eskuwela ay siya ang una kong naisipan na pagdiskitahan. "Curtis, isa," mababang tono nyang sabi pero maririnigg mo ang pagbabanta nya. "Dalawa, tatlo, tatay mong kalbo, marunong akong magbilang, Mak!" sabi ko na nagpipigil ng tawa. "Charllyana Curtis Aldama!" pagbuo nya sa pangalan ko, and that's my cue na tama na ang pang bubuwisit kay Michael Salazar, dahil nagwagi na ako. Bumaba na ako sa may lukuran niya. Napailing na lang sya sa akin nang nag-beautiful eyes ako sa kanya. Sanay na sa akin 'yang si Mak. Kaibigan ko na siya since birth, kidding. Basta bata pa lang kami ay kaibigan ko na siya. Tahimik na umupo siya sa puwesto namin palagi. Sa bench sa gilid ng hallway. "Ang init ata ng ulo natin ngayon? Anong oras ka umuwi kagabi? Nag-over night ka sa bar 'no? Alam mo naman na may pasok na tayo ngayon pero nagpakapuyat ka pa rin? Mak naman," sabi ko at umupo sa tabi nya. "Baka ikaw naman ang magkasakit nyan, inaabuso mo 'yang katawan mo," sermon ko. Palagi na lang siyang ganyan. "Kung meron lang akong choice, " sabi nya at nangalumbaba na parang sanay na sanay sa laging nangyayari sa buhay nya. Scholar siya rito sa GM academy, matalino, masipag, workaholics, well, may dahilan naman. Siya na lang ang nagtatraboho sa pamilya nila kaya hayan, no choice siya. Pareho kaming napatingin sa narinig namin na sobrang pamilyar ang boses. "Ay Candice naman, para kang linta," reklamo ni Eugene. "Ang ganda ko naman para maging linta," angal din ni Candice na naka-bear hug ngayon kay Eugene. "Ay, bitiw na kasi!" sabi ni Eugene na halatang nawawalan na ng pasensya. "Ganyan ba talaga ang lahi n'yo? Ikaw nangtatalon sa likod, si Candice naman nangyayakap," sabi ni Mak na natatawa. Oo nga 'no! magkalahi talaga kami ng pinsan kong si Candice. "Tuwang-tuwa ka naman dyan, e, may sayad 'yang lahi ni Candice, edi may sayad ka rin," sabi pa ni Mak at hinampas sa akin ng mahina ang papel nya. "Ganyan talaga, ipagmalaki ang lahi! Simula ngayon love ko na ang OPM, ayoko na sa R&B," sabi ko at sumigaw bilang cheer. "Sira ka talaga," ani Mak sabay kurot sa pisngi ko "Aray, Mak," reklamo ko at hinimas ang pisngi ko. Masakit kaya! Namumula pa yata. "Ang ingay mo kasi," natatawa niyang sabi. Nag-pout na lang ako. Binalingan nya ako habang nakapangalong-baba. Tinitigan ko lang sya saglit. Napailing na lang ako nang ma-realised ko na nakangiti siya. That's the best thing about him, for me. Kahit problemado at pagod, nagagawa pa rin nyang ngumiti. *** Ilang minuto na ang nakalipas. Supposed to be ay nag-uumpisa na ang klase, ngunit hanggang ngayon ay nakatanga pa rin kami. Kanina pa kami naghihintay sa room pero ang tagal talaga ng professor namin. Vacant na yata kami. First day pa naman ulit ngayon ng klase. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Oy, aalis ka? Saan ka pupunta? Baka padating na si Ms. Manxano, wala ka," kunot-noong tanong at pigil ni Mak sa akin. "Text mo na lang ako kapag nandyan na, nakakainip na, e," sabi ko at sinukbit ang bag ko. "Wala akong load," sabi ni Mak at umingos. "Benta mo cellphone mo, bili kang load," sigaw ko bago ko tuluyang lumabas ng room. Mga prof nga naman oh, kapag kami ang late laging galit, kapag sila late o absent okay lang. Unfair, kidding. Nawala ang focus ko sa pagpapata-- este pag-iisip tungkol sa magaling naming prof nang may narinig akong ingay galing sa isang room. Ano kayang meron? At dahil pinanganak akong tsismosa ay sumilip ako sa medyo naka-awang na pinto. Don't get me wrong, hindi naman ako sisilip kung hindi nakaawang ang pinto, 'no! "Naku, tigilan n'yo na nga 'yang si James! kayo talaga," narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa loob ng room. Teka, boses ni Kuya Bryant iyon, ah! "Onats! Ano ba!" Halatang asar na si James, but oh well, isa siya sa pinaka cool sa mga lalaking kilala ko. Actually, super chill lang talaga siya, ang gwapo pa. Isa siya sa famous sa school dahil sa hitsura. "Tama na nga 'yan! Ang harot n'yo talaga!" sigaw nanaman ni Kuya Bryant sa kanila. Si Kuya Bryant ang manliligaw ni ate Ericka in his own style. Papaputiin niya ang buhok ni Ate Ericka sa sobrang kunsumisyon. Napailing na lang ako. Naghahabulan na naman silang mga baliw. Siguro inaway na naman ni James iyong luto ni Jenica, ang girlfriend ng mga lalaki dito sa room nila. Well, not totally girlfriend. Kaya lang nila gusto si Jenica kasi magaling magluto kaya lagi silang busog, at mabait at maganda pa. Natatawa na lang ako kasi habang hinahabol nila si James, nilalantakan na nila Francis 'yong sa tingin kong luto ni Jenica. Dahil sa sikat sila dito sa school, ewan ko kung bakit, dahil sa hitsura o dahil sa mayayaman? Pero ang ilan sa kanila ay kilala ko na since then. Hindi ko alam, basta parang pinagtatagpo lagi ang mga landas namin. Just like Kuya Bryant 'bago pa niya ligawan si Ate Ericka ay lagi ko na siyang nakikita. We're always studying at the same schools since grade school kami, hanggang maging kaibigan ko na siya at dahil nag-alok siya ng pagkakaibigan. Hindi ko mapigilang pagtawanan sila sa kalokohan nila. Napatingin naman sa akin si Kuya Bryant na parang naramdaman ang presensya ko. "Charlly?" he mouthed. Kaagad siyang lumabas ng room nila. "Charlly, anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba nag-uumpisa ang klase n'yo?" tanong nya. "'Di pa nga, e, adik, 'yong prof yata namin nasarapan na sa bakasyon," irita kong sinabi. "Kapag hindi pumasok, adik kaagad? baka naman na-late lang. Sana naghintay ka na lang," natatawa nyang sabi. "Maghintay? Hindi mo ba alam na ang simpleng paghihintay, iyon pa ang pinakamahirap at masakit sa lahat?" "Charlly!" warning tone nya. Pinagtawanan ko lang ang reaksyon nya. "Bakit ka nga nandito?" tanong nya at sumandal sa pader. "Wal-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may unggoy na umepal. "Anong ginagawa mo rito? Alam mo naman na ayaw kitang nakikita 'di ba? Bakit ka nandito?" sabi nito na parang required na gawin ang mga bagay na gusto nya at iwasan ang ayaw nya. "Ang kapal ng mukha mo, akala mo ba may pakielam ako sa 'yo? Wala 'no. Ayaw ko rin naman nakikita iyang pagmumuka mo, kaya patas lang tayo!" direkta ko sa kaniya. "At FYI, Martin Maldrid, wala akong pakielam kung gusto mo o ayaw mo," magkakasunod kong sabi, inis-talo. High school pa lang ako ay school mate ko na si Martin, at wala siyang ginawa kundi guluhin ako. Ewan ko ba, palagi siyang nakakahanap ng dahilan para asarin ako. "Hayun pala, e, alis na," utos nya. "Bakit ako aalis? Dahil gusto mo? sa 'yo ba 'tong room para palayasin mo 'ko?" "Basta, alis na, bawal ka dito." "At bakit? Sa pagkakaalam ko wala kang pangalan dito, kaya wala kang pakialam kung sinong nandito and besides, Mr. Maldrid, I'm not born in this world just to follow your orders." "E, bawal nga ang panget at kawayan, pati walang boobs dito! Ikaw lahat 'yon." Napatngin naman ako sa may dibdib ko. Bastos talaga. Wala talagang magawang matino 'tong lalaking 'to. "Ah, gano'n? Walanghiya ka talagang unggoy ka, bastos ka talaga!!" sigaw ko sabay taas ng manggas ng t-shirt ko at tinalunan ko sya. "Walanghiya ka, unggoy ka talaga!" "Arayyy! Charllyy! ano ba!" Sa inis nya ay sinabunutan nya ang mahaba kong buhok. "Bitiw! bakla ka talaga!" "Hindi ako baklaaaa! Sadista ka lang!" "Ehem..." "Bakla ka talaga! Unggoy na nahilig sa nagsasalitang sponge!" mahilig kasi siya kay Spongebob. "Hindi ako bakla, panget na mahilig kay Stitch!" "Ehem!" Hindi namin pinansin si Kuya Bryant, sanay na 'yan sa amin. "Bwiset kang kolokoy na bastos ka!" "Pang---" Naputol 'yong sasabihin ni Martin nang... "Ms. Aldama Mr. Maldrid, balak n'yo bang mag-cut ng klase?" Sabay naming nilingon ang nagsalita... Si Professor Valdez. Patay. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD