Chapter one ~Necklace ~

833 Words
Love for revenge Chapter 1 ~ Necklace ~ NAKARINIG ako ng malakas na katok mula sa labas ng aking silid at kaagad na sinundan ng malakas na boses. "Charlly, bilisan mo na, male-late na tayo!" katok ni Ate Ericka galing sa labas ng kwarto ko, ang pinsan ko. Marahil ay iniisip nya na hanggang ngayon ay tulog pa ako o wala akong balak pumasok sa school. "Oo na, babangon na!" "Anong babangon na? Nakahiga ka pa rin hangang ngayon?!" gulat at galit na tono ni Ate Ericka. First day nga ngayon ng pasukan kaya umpisa pa lang ay inaasahan na nila na hindi ako papasok ng school, pero klinaro ko na sa kanila na papasok ako kaya marahil ay nagulat siya na hangagang ngayon ay nakahilata pa rin ako. Mariin akong pumikit. They're acting like normal just like before. Just like nothing happened. Siguro nga, mas mabuti na rin 'to for good, for moving forward. Damn! Is it because they are acting normal, should I act as if I'm okay, too? Like pain just gone because I said that I'll live normally again after everything that happened? Umiling-iling ako para iwaksi lahat ng nasa isip ko, umaasa na sa bawat mabigat na galaw ng ulo ko ay titilapon palabas lahat ng nasa isipan ko. "Just moved on, Charllyana," bulong ko sa sarili ko pagkabangon ko, hindi na sinagot pa si Ate Ericka. Mabilis lang akong naligo at nag-ayos. Sinuklayan ko lang ng konti ang buhok at nag-lagay lang ng powder. "Ayos na," bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko na ang bag ko sa ibabaw ng study table ko. May mahina na tunog akong narinig na senyales na may nahulog kaya naglikha ng tunog. Pinulot ko ang mga papel at libro na nahulog pagkakuha ko ng bag ko. Naagaw ng isang bagay na may kinang ang paningin ko. Pinulot ko ang kuwintas na hanggang ngayon ay nangingibabaw pa rin ang kintab at ang ganda. . Tinitigan ko ang kuwintas na iyon. Nang Unang beses kong nakita ang kuwintas na 'to, manghang-mangha ako sa ganda, atna pakiramdam ko ay ang suwerte ko dahil sa akin ito napunta. Pero ngayon ay hindi ko na iyon nakikita, hindi ko na rin madama. Everytime I'm seeing this necklace, memories from my past kept on flashing back on my mind. It was like it's just happened yesterday. Pain continuing to hit me. It has never stop. Bumuntong-hininga ako. Mabilis kong linigpit ang mga gamit na nagkalat at basta na lang inilagay sa drawer ang kuwintas. Napabalik ang tingin ko sa salamin. Kahit anong pilit kong iwaksi sa utak ko ang mga nangyari ay paulit-ulit lang bumabalik ang lahat. Tuwing humaharap ako sa salamin ay ang rekplesyon ko lang ang nakikita ko, rekplesyon ko kasama siya, ang repleksyon ko habang nagpapauto at nagmumukhang tanga dahil sa kaniya... Ganoon pa man ay kailangan kong mabuhay nang normal. Hindi ko maaring hayaan ang sarili ko na masira dahil sa kaniya. Lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko kaagad si Ate Ericka "Akala ko wala ka nang balak lumabas ng kuwarto." "Heto na nga, e. Relax!" sabi ko na nakataas ang isang kamay. "'Wag ka ngang high blood diyan, maaga kang tatanda," pagbibiro ko at nilagpasan siya. Naramdaman kong sumunod siya sa akin pababa ng hagdanan. "Oh, akala ko wala ka nang balak pumasok," bati ni Candice pagkakita niya sa amin nang makababa kami. Nagaabang pala siya sa amin sa may hagdanan. Great pretender na nginitian ko ang isa pa sa mga pinsan ko at nilagpasan siya. "Kumain ka na CeeCee at ikaw na lang ang hindi pa nag-aalmusal. Sige na at pumasok na kayo, " sabi ni Lola na nakaupo sa sofa. Si Lolo at Lola lang ang kasama naming lumaki at gumabay sa paglaki naming magpipinsan mula pagkabata pa lang namin. Pare-pareho kasi kaming may issue sa pamilya namin. Kung hindi pumanaw ay nag-asawa na nang iba kaya iniwanan kami. Umiling ako pagkabigay ko ng halik sa pisngi ni Lola. "Hindi na po 'La, magkakape na lang po ako sa school," sabi ko at nilingon sina Ate Ericka. "Tara na, male-late na tayo, " sabi ko sa malaking boses. Pagkalabas ko ay kaagad na pumasok ako ng sasakyan. Naging tahimik ang biyahe. Hindi ko napansin na ilang minuto na ang nakalipas at natatanaw ko na kaagad ang eskuwelahan kung saan kami na-aaral, Glaze Miller Academy. Malaki at mataas, hitsura pa lang nito sa labas ay alam nang mayaman ang paaralan na ito. Sa malawak na lupaing sakop ng paaralan ay marami nang estudyante ang nagsisidatingan at naglalakad. Kaniya-kaniyang kuwentuhan, kaniya-kaniyang kaibigan. Naroon pa rin ang masiglang awra ng eskuwelahan, it's like nothing changed. Kunsabagay, sa laki ng paaralan ay hindi lahat kagaya ko, kagaya ng mga nasira kong kaibigan. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang huli kong makita ang labas ng aming paaralan. Ngayon ay parang isang pelikula sa isipan ko ang mga nangyari, kung saan nagsimula ang pagiging miserable ng puso ko, na ngayon ay kusang bumabalik...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD