CHAPTER 11 ~ECLIPSE part 1~ Charlly's POV "Mak, hindi ka ba magse-celebrate ng Christmas? May trabaho ka pa rin mamayang gabi?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas sya ng isa sa mga mesa na nagkalat dito sa Sweet Trucks. "Wala akong trabaho mamayang gabi," aniya na hindi man lang ako nilingon. "Oh? Buti naman," sabi ko. Naaalala ko na noon ay may trabaho sya ng Christmas Eve. "Rest day mo?" Umupo sya sa tabi ko. "Hindi. Isasara ang Sweet Trucks mamaya, hanggang sa 26, holiday naman daw. Ang mga chef na lang at ilang trabahador na lang ang may pasok, pero para na lang sa delivery service, at hindi ako kasali para doon," paliwanag niya. Tumango na lang ako. Nandito ako ngayon sa Sweet Trucks. Wala lang, wala akong sapat na lakas para pigilan ang mga paa ko sa paggala. Actually, nai

