CHAPTER 11 ~ECLIPSE part 2~ Mak's POV 8:09 PM na. "Mak, sabay ka na sa akin? Ila-lock ko lang ang kuwarto doon," pag-aaya sa akin ni Ian. Tumango na lang ako. Sumabay na ako sa kanya palabas ng locker room. Hindi ko na nakita si Curtis kanina. Hindi ko nga napansin na lumabas 'yong babae na iyon kanina, pasaway talaga. Gusto ko pa naman syang mabati ng personal ngayon pasko at bir- "Iuwi ka na ba pagkagaling mo rito?" biglang tanong ni Ian habang hinahanap ang susi ng private room at ini-lock na nila iyon. Tumango naman ako. Nilingon ko ang pinto ng private room nang parang may nakita akong anino sa ilalim ng pinto. Lalapit na sana ako para siguraduhin kung may tao pa, nang biglang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino iyon. Si Sir Arkin pala. "Mak, Ian lumabas na ka

