"Sir Jaime, nandito po ang mga kaibigan mo."ani ng bagong sekretarya.Umalis na kase si Nina, kaya kumuha ako ng bagong sekretarya sa Marketing Department. "Papasukin mo na sila." Agad ko sinarado ang aking laptop.Napatingin ako sa pinto nang nagbukas ito. "Hey."saad ko sa mga kaibigan ko. Pagkatayo ko, isang malakas na suntok ang sinalubong agad sa akin ni Zack. "f**k!"usal ko nang nalasahan ko ang dugo sa king bibig. "Putang-ina mo Vicente, binaboy mo ang kapatid ko!"namumula ang mukha ni Zack sa sobrang galit. "B-bro." "f**k you! Kailan pa! Kailan pa na may relasyon kayo ni Zen!" Lumapit naman si Roice sa akin. Susuntukin ulit sana ako ni Zack, bigla naman pumagitna si Ulysses at Lewis. "Bro, mag-usap na lang kayo ng mahinahon."seryosong saad ni Ulysses. "Mahinahon? Pinapak n

