"Zen!" Galit na sigaw ni kuya Zack, pagkapasok niya agad sa mansion. "K-kuya."kinakabahang saad ko. "Kailan pa? Kailan pa na may relasyon kayo ni Vicente!" Nanlalaki naman ang mga mata ko.Alam na ni kuya Zack? "K-kuya, please.Huwag niyo saktan si Jaime."mahinang saad ko sa kan'ya. Namumula naman sa galit si kuya Zack. "Simula ngayon huwag kang lalapit sa kan'ya! Naintindihan mo!" "M-mahal ko siya, please po, hayaan niyo na po kami."mangiyak-ngiyak na saad ko kay kuya Zack. "f**k, Zen! Ikakasal na siya!"sigaw ni kuya. "Uso naman ang agawan ngayon."nakangising saad ni ate Zia.Pababa ito ng hagdan at kagigising niya lang. "Really Ziandra? Tinuturuan mo ang kapatid natin ng mali! Gamitin mo iyang pagiging Assassin mo kay Vicente!"nanlilisik ang mga mata ni kuya Zack kay ate Zia. "K

