Friends 1
Kilalanin Ang Magkaibigan
Nathan's POV
Hihiga na sana ako dahil kanina pa ako gumagawa ng editorial nang biglang bumukas ang pinto.
"Nathan dali! Bihis ka na! May pupuntahan tayo! Diba sale ngayon sa mall, naku baka mabili ko na yung dress doon,'' excited na sabi niya tsaka ako hinila patayo sa kama. Haytss! Eto na naman siya at ng bunganga niya. Kailan pa ba ito titigil ha? at kailan ba siya matutong kumatok?
"Ayaw ko nga! Pagod na ako Lexie, kanina pa kaya ako gumagawa ng editorial!'' sabat ko at tuluyan ng humiga.
"Hoy, ayan kasi bakit ka pa kasi---'' hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng sumingit ako.
"Oo na, oo na! Babangon na! Eto na oh!'' sabi ko tsaka bumangon. Alangan naman pagsalitain ko pa siya, siguradong aabot pa kami ng magdamag bago matapos ang napakahabang leksiyon niya sa akin kaya mas mabuti pang samahan na lang siya kaysa sa salita siya ng salita buong magdamag.
''Ayan mabuti at--''
''Sige po nay, magbibihis na po ako baka pwede na po kayong lumabas?'' sabi ko habang dinidiinan ang salitang po parang kasi siyang nanay na satsat ng satsat.
"Magbihis ka na lang pwede? Hindi naman kita titignan eh,'' sabi niya at inabot ang controller at nagsimulang maglaro.
Haytss! Alam kong hahaba pa ito kung pipilitin ko siyang umalis kaya nagtungo na lang ako sa loob ng banyo.
''Tara na!'' excited na sabi niya pagkatapos kong magbihis tsaka ako hinila pababa.
''Tita, sasamahan po muna ako ni Nathan ha? Thank you po!'' sabi niya tsaka ako hinila paunta sa kotse ko.
''Sige! Ingat kayog dalawa!'' dinig pa naming sigaw ni mama sa loob.
''At kailan mo naman ako naging driver ha?'' sarkastik na sabi ko sa kanya habang pinagbubukasan siya ng pinto.
''Syempre bestfriend kita kaya kailangan kasama kita sa lahat diba?'' sabi niya at ngumiti. Nagtungo naman ako sa driver's seat at nagpatuloy sa pagsasalita.
''Bakit nasaan ba sina Chloe at Reena ha?'' tanong ko at nag-umpisang magmaneho.
'' Eh busy sila eh, tsaka bakit ba gusto kitang makasama eh. Bakit ako ba nagrereklamo kapag gusto mo ng kalaro sa mobile games kung wala sina Justine at Gio ha?'' sabat naman niya.
''Tsk! Pasalamat ka kaibigan kita kundi kanina pa sana ako natulog,'' sabi ko at ngumisi.
''Kaya nga bestfriend kita eh!'' sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
At naging tahimik na sa loob ng kotse. Ahh! Mabuti naman, sana ganito na lang palagi. Peace pero hindi iyon nagtagal nang magsalita na naman siya. Tsk!
''Luhh! Ano kayang rank ko this grading?'' kinakabahang sabi niya kasi siya ang top of the class namin at mahigpit noyang kalaban si Stephanie.
''Tsk, alam ko namang no. 1 ka pa rin eh!'' panghihikayat ko sa kanya.
''Sana nga, pero paano kapag hindi?'' sabi niya at naging malungkot. Inihinto ko ang kotse ng nandito na kami sa mall at hinila siya palabas ng kotse.
''Ano ba! Cheer up! Huwag negative, sa galing mong yan may tatalo pa?'' sabi ko tsaka siya inakbayan. "Tara! Libre ko na sayo yung dress na gusto mong bilhin!'' sabi ko tsaka siya hinila papasok sa mall at nakita ko naman siyang ngumiti.
'Dahil kapag bestfriend mo malungkot, gagawin mo lahat para maging masaya siya kasi yun din ang magpapaligaya sa iyo,'