CHAPTER FOURTEEN: Meet My New Friend

1770 Words
-=Arnold's Point of View=- Hindi ko mapigilang mapahinga nang malalim, hindi kasi kami nagkita ni Jake noong Linggo dahil nga hinatid namin si Mommy sa airport kaya naman sobra kong namimiss si Jake, pero hinding hindi ko naman pinagsisihan na hinatid ko si Mom sa airport, aaminin ko, sobra ko talagang mamimiss si Mom, dahil kapag may problema ako o kung hindi maganda anga raw ko ay pupunta lang ako sa kanya at alam na niya kung paano papagaanin ang nanaramdaman ko. Parang wala akong ganang magkikilos ngayon, sobrang tamad na tamad akong gumalaw nang umagang ito, ngunit bigla akong natigilan nang may marealized ako.  "Wait! Monday ngayon ah." sa loob loob ko, sa naisip ay tila bigla akong nakainom ng isang dosenang energy drink, dali dali akong bumangon sa kama. Araw nang Lunes, ibig sabihin ay meron na akong pasok ng araw na iyon, at katulad ko ay ganoon din si Jake, tila ba naging source of energy ko na malaman magkikita kami nito sa school. Pasipol sipol pa ako habang naghahanda sa pagpasok sa school, hinanda ko na muna ang mga kakailanganin ko bago ako naligo at nagtoothbrush.  Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin, simula kasi nang makilala ko ang gloomy at aloof na si Jake ay tila may nabago ito sa buong sistema ko. Inabot din ng halos isang oras bago ako maging handa sa pagpasok, hindi naman ako makapagdecide kung ano ang gagamitin ko ngayong sasakyan sa pagpasok.  "What to use?" ilang minuto din akong nasa ganoong pag-iisip hanggang mapagdesisyunan kong gamitin na lang ang Red Ducatti ko, maliban sa paborito ko iyo, ay mas madali pa akong makakalusot sa madadaanan kong traffic. Nagsimula ako sa mabagal na pagpapatakbo, but since I'm Arnold Saavedra, mas binilisan ko pa ang papatakbo ko, dahil nga sa bilis ng pagdadrive ko ay inabot lang ako ng kulang kulang thirty minutes hanggang makarating na ako sa school. Agad naman akong sinaluduhan nang kaclose naming security guard, binagalan ko ang pagpapaandar ko ng bike ko para saluduhan ito pabalik. Nang makapasok sa school ay dumiretso na ako sa usual parking spot, ang tagal tagal na din pero walang kahit na sino ang nagtatangkang magpark sa puwesto kong iyon na pinagkibit balikat ko na lang. Sandali kong tinignan ang oras sa suot kong wristwatch, kaya naman nalaman kong ala sais pa lang nang umaga, meron pa akong isang oras bago magsimula ang una kong klase. Minabuti kong dumiretso sa usual tambayan namin, nagbabakasakali kasi ako na baka nandoon na ang tropa, naabutan ko naman doon sina Ken at Louie, ngunit wala doon si Larry. Medyo matagal tagal na din nang huli kong makasama si Larry, at alam kong kailangan kong bumawi sa best friend kong iyon. Mula elementary ay magbest friend na kami ni Larry.  "Morning, kumusta?" masayang bati ko sa dalawa, nakipag fist bump naman ako sa mga ito nang makalapit sa mga ito. "Ayos naman tol. Nag-iisip lang kami ni Ken kung ano bang magandang panoorin na movie mamaya. Maaga daw magcacancel ng klase mamaya dahil merong teachers meeting, so sasama ka ba o baka meron ka na naman importateng gagawin?" biro naman ni Louie, hindi ko naman maiwasang hindi makonsensya sa sinabi nito, alam kong biro lang iyon, pero medyo guilty ako doon lalo na't nababawasan ang oras na ko sa kanila. "Ahhh ngayon pala iyon, oo ba sabihin niyo lang kung anong oras?" nagdecide akong sumang ayon sa mga ito. "Saan nga pala si Larry?" tanong ko sa mga ito. "Hindi ko din alam tol eh pero kung hindi ako nagkakamali ay nagpaalam ata siya na hindi siya makakapasok ng tatlong araw." sagot naman ni Ken, na patuloy lang sa binabasa niyang libro.  Kumpara kasi saming tatlo nila Louie at Larry ay mahirap lang si Ken at nakakuha lang ito ng scholarship kaya nakakapag-aral itong sa school na ito, pero hindi naging sagabal ang estado ng buhay namin para hindin namin maging kaibigan ito. Actually kaibigan na ni Louie si Ken bago pa man silang mag-aral dito.  "Pero bakit daw?" tanong ko dito, agad ko naman binalik ang isip ko kay Larry.  "Hindi ko din alam, hindi ko pa uli nakakausap si Larry." sagot uli ni Ken, na hindi man lang ako pinagkakaabalahang tignan.  "Pero, wala ba kayong nanapansin kakaiba kay Larry? Akala ko lang una wala lang iyon, pero masasabi kong mukhang problemado si Larry sa mga nakalipas na araw, tapos idagdag mo pa na basta naang itong hindi papasok ng tatlong araw." narinig ko naman na sinabi ni Louie.  Bigla naman akong natigilan sa sinabi nito, napapansin ko nga ang kakaibang kinikilos nito ng mga nakaraan araw, pero hindi ko masyado iyong pinapansin, dahil na din sa pagkakaabala ko sa pagpipilit na makipagkaibigan kay Jake. Agad akong nakaramdam ng guilt dahil dito, naturingan pa naman akong bestfriend ni Larry, pero tila binalewala ko iyon.  Mukhang kailangan ko talagang bumangon kay Larry. Kaya naman nagdecide ako mas bibigyan ko ng atensyon ito kapag nagkita na uli kami, ngunit biglang nawala sa isip ko ang bagay na iyon nang mapansin ko si Jake na kakapasok lang sa gate ng school. "Sandali lang guys, may kailangan lang akong puntahan Be right back!" pagpaalam ko sa mga ito, hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali ako naglakad papunta kay Jake.  "Good morning Jake!" masayang bati ko dito, sobrang gaan na naman ng pakiramdam ko, mas lalong may kung anong lumundag sa dibdib ko nang bigla itong mapangiti nang makita ako dito, pakiramdam ko tuloy mas lalong nagliwanag ang paligid ng ngumiti ito.  "Magandang umaga din Arnold. " nakangiting bati din nito sa akin, sandali itong nagpacheck ng bag nito at matapos nga noon ay sabay na kaming naglakad.  Isang ideya naman ang naisip ko kaya agad ko itong hinatak papunta sa tambayan naming magtotropa.  "Saan tayo pupunta?" nagtataka naman nitong.  "Gusto kitang ipakilala sa mga kaibigan ko." sagot ko dito, naramdaman ko naman ang bigla nitong pagtigil sa sinabi ko at nang tignan ko nga ito ay kita ko ang pag-aalangan sa mukha nito.  "Baka puwedeng next time na lang." pakiusap naman nito.  Isang ngiti lang ang naging sagot ko dito, ngunit imbes na pakawalan ito ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko dito, muli ay naramdaman ko ang kakaibang kilabot mula doon, nagpatuloy namin kami sa paglalakad.  I don't take no for an answer, kaya naman wala na itong nagawa kung hindi magpatianod na lang sa akin. Hanggang sa makarating na kami sa tambayan.  "Guys! Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago kong kaibigan, his name is Jake." tawag ko sa atensyon nina Louie at Ken.  "Jake, sila naman ang mga kaibigan ko, iyong nagbabasa ay si Ken at si Louie naman iyong isa." pagpapakilala ko sa kanila.  Kitang-kita ko ang kabang nararamdaman ni Jake sa mga oras na iyon, ang dalawang loko kasi ni hindi man lang magsalita, at kahit man lang tignan ito ay hindi ginawa nang dalawang mokong.  Lumipas ang dalawang minuto, pero hindi pa din nagsasalita ang dalawa kaya naman mas lalo tuloy kinabahan si Jake, nagsisimula na din magpawis ang noo nito sa kaba.  "Cut it off already!" iritable ko nang sinabi sa kanila, alam ko naman ang ginagawa nila, pinagtitripan nila si Jake.  Ang buong akala ng mga tao ay mga snob at untouchable ang grupo namin, lalo na't galing kaming tatlo nila Larry at Louie sa mayamang pamilya, pero maling mali sila doon, kaya nga naging kaibigan din namin si Ken, dahil hindi naman kami tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao.  "Sus! Ang KJ mo talaga Arnold, pero biro lang iyon Jake. Ako nga pala si Louie." ang natatawa naman na sinabi ni Louie.  "Ako naman si Ken." pagpapakilala naman ni Ken.  Napilit ko naman si Jake na samahan muna kaming tumambay dahil maaga pa din naman, noong simula ay naiilang pa din ito hanggang maparamdam ng grupo na tanggap namin siya bilang kaibigan namin. Mas naging at ease na din ito sa mga kaibigan ko.  "Oo nga pala Jake, manonood kami ng sine mamaya, gusto mo bang sumama?" tanong naman ni Louie.  "Ahhhh.... sige, anong papanoodin natin?" pagsang-ayon nito, natuwa naman ako na makakasama namin ito mamaya.  "Hindi pa din namin alam. May suggestion ka ba?" tanong naman ni Ken.  "Uhm how about Oblivion ni Tom Cruice." suhestyon naman ni Jake.  "Tama! Showing na nga pala iyon, iyon na lang panoodin natin." pagsang-ayon ko namam sa sinabi ni Jake, mabuti na lang din at sumang-ayon din ang dalawa.  Sandali pa naming pinag-usapan ang plano hanggang sa tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang mga klase, kaya kanya kanya na kaming lakad papunta sa mga klase namin.  Naglalakad na ako papunta sa una kong subject nang bigla naman tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko iyon ay nalaman kong may message pala ito sa messenger.  "Hello Anak, nandito na ako sa Paris, sana lang talaga ay kasama kita dito para man lang makapagbonding tayo." napangiti naman ako sa nabasa kong message nito, dahil naiimagine ko itong namamasyal sa sinasabi nilang most romantic city in the world.  "Sana nga nandiyan din akk, miss na agad kita, kaso may pasok pa ako, nandito na din ako sa school." reply ko dito.  "I understand, take care Arnold. I love you." muling message nito sa akin, minabuti kong huwag na itong replyan baka lalo pang humaba ang kamustahan namin.  Agad naman akong sinalubong ng mga classmates ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom, lahat sila ay nagpaparating ng good luck sa padating naming basketball match nitong Friday, kalaban namin ang isa pang private university sa Manila.  Maayos naman ang kondisyon nang buong team ayon nga kay coach ay we are in our best condition, kaya handang handa kami sa padating na laro, mas lalo tuloy nagsigawan ang mga kaklase ko.  Hindi ko naman maiwasanng mangiti sa mga suportang natatanggap ko sa mga classmates ko, well sa buong school actually, bahagya din akong nakadama ng guilt dahil sa muntik muntikanan kong pagkasipa sa school at hindi ko maimagine ang disappointment nang mga classmates ko sa akin kung nangyari nga iyon, mabuti na lang talaga niligtas ako ni Jake, kahit mahirap ditong ikuwento kay chancellor ang nangyari. Ilang sandali nga lang ay dumating na din ang Professor namin sa Psychology, ilang sandali lang ay nagsimula na ang boring na lecture nito, mabuti na nga lang at may isa akong bagay na inaabangan at iyon ay ang panonood namin ng sine kasama si Jake.  And with that in mind, a smile appeared on my face while I imagine myself seating beside Jake inside the cinema. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD