-=Jake's Point of View=-
Ang sarap pala sa pakiramdamam na ramdam mong tanggap ka nang iba tao, kasama ko ngayon si Arnold at dalawa nitong kaibigan na sina Ken at Louie. Pinaramdam nila sa akin na hindi sagabal ang estado nang buhay kahit mayayaman sila maliban kay Ken na kapareho ko lang scholar sa school na ito. Ramdam ko ang genuine na pagtanggal nila sa akin.
Alas-dose ang napag-usapan naming oras na magkikita kita kami, iyon din kasi ang sinabing oras kung kailan icacancel ang mga klase, mabuti na lang talaga at alas cinco pa naman ang pasok ko sa trabaho.
Nang tumunog ang bell ay agad akong dumiretso papunta sa una kong klase, nakangiti pa nga ako habang naglalakad papunta doon, ngunit bigla iyong nagbago nang mapansin ko ang mga nadadaanan ko sa corridor na nagbubulungan, kitang kita ko naman ang pandidiri sa mga ito habang nakatingin sa akin, kaya naman alam kong ako ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko na sana papansinin ang bagay na iyon, ngunit isang babae naman ang lumapit sa akin, kitang kita ko ang malisya sa mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Did you enjoy what Professor Castro did to you?" puno nang insulto nitong tanong sa akin, biglang nanlamig naman ang buong katawan ko sa tanong nito.
"For sure naenjoy mo naman iyon." pagpapatuloy nito, sadya pa nitong nilakasan ang boses nito para marinig sa buong corridor, ilang sandali nga lang ay narinig ko ang pagtawa nila.
Natameme naman ako sa sinabi nito, akala ko tapos na iyon, pero dahil sa ginawa nito ay sunod sunod na masasakit na salita at komento ang binato sa akin ng mga ito. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang mapansin ko ang paparating naming Professor, ngunit bago pa man ako makapaglakad muli ay narinig ko na naman ang kaparehong babae.
"Anong karapatan mo na sumama sa barkada ni Arnold? Isa ka lang talunan, you don't have any right to be friend with Arnold, when you're nothing but a piece of trash." ang sinabi nito, bago tuluyan pumasok sa klase nito.
Naiwan akong mag-isa sa hallway ng corridor, bigla akong nakaramdaman ng sakit sa mga sinabi nito, dahil totoo naman talaga na talunan at basura lang ako.
"Mr. Angelo, ano pa bang ginagawa mo dito, pumasok ka na at magsisimula na ang klase." saka lang ako nagising nang marinig ko ang Professor namin, kaya naman dali dali akong pumasok at dumiretso sa upuan ko.
Ang buong akala ko talaga ay magiging maayos na ang lahat, ngunit mukhang nagkakamali ako, sandali kasing nawala sa isip ko na talunan pa din naman ako, kahit na nga ba kaibigan ako ni Arnold ay hinding hindi na magbabago ang katotohanang iyon.
Nothing has changed, kaya naman dapat inasahan ko na ganoon pa din ang magiging pakikitungo sa akin ng ibang tao, ngunit agad kong binura iyon sa isip ko.
"Tigilan mo ang pagseself pitty Jake!" inis ko naman na bulong sa sarili ko, ang mahalaga naman ay may bago na akong kaibigan sa katauhan ni Arnold at umaasa akong maging tunay ko din na mga kaibigan ang barkada nito, minabuti kong ituon ang buong atensyon ko sa lecture sa harap.
Minabuti kong huwag nang pansinin ang masasakit na salita mula sa ibang tao, pero hindi ibig sabihin non na hindi na talaga ako naapektuhan ng mga iyon.
Marahil ito ang kapalit nang pakikipagkaibigan ko kay Arnold, at kahit mahirap ay handa akong harapin ang kahit na anong ibato nila sa akin.
Nagpatuloy ang mga klase namin nang umagang iyon, hanggang sa mag alas dose na. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at paalis na sana ako nang muli kong makita ang kaparehong babae na nanglain sa akin at sa kasamaang palad ay mukhang pareho kami ng pupuntahan.
Pinilit kong huwag itong pansinin kahit patuloy ito sa pagpaparinig, pinilit ko itong lagpasan sa pag-asang titigilan na ako nito, natigil lang ito nang makita ko na si Arnold. For some reason ay tila nawala lahat ng sama ng loob ko mula sa mga masasakit na sinasabi sa akin ng iba nang makita ko ito, tuluyan napalitan nang labis na saya ang nararamdaman ko nang makita ko ang nakangiti nitong mukha.
"Sakto! Nakahanda na lahat Jake, handa ka na ba?" tanong nito, muli ay parang may kung anong mainit na bagay sa loob loob ko habang nakatingin dito.
"O...oo handa na ako." sagot ko naman dito,
"Hi Jake! Uuwi ka na ba?" hindi naman ako mapaniwala nang marinig ko ang boses sa bandang likuran ko, buong akala ko talaga ay umalis na ito, at ang mas nakakagulat ay ang paraan nito nang pagsasalita na para bang malapit kaming magkaibigan.
"Uhm.... hindi pa may lakad pa kasi kami." sagot ko naman, nagtataka pa din ako kung bakit ito bigla ako nito pinakikitunguhan nang maganda samantalang kanina........
Agad ko naman nalaman ang dahilan nang mapansin ko ang paraan ng pagtingin nito kay Arnold, kaya naman pala bigla itong bumait, gusto nitong makipaglapit kay Arnold.
"Ahhh akala ko pa naman puwede kitang maayang mamasyal." pinalungkot pa talaga nito ang boses nito.
Hindi ko alam kung paano sagutin ito lalo na't hindi pa din ako mapaniwala sa kinikilos nito.
"Baka naman puwede na lang sumamasa inyo?" tanong nito nang walang marinig kahit na ano, hindi ko alam kung napansin ni Arnold ang threat sa mga mata nito dahil sa akin nakatingin si Arnold.
Sandaling nagtama ang paningin namin ni Arnold at nakita ko ang pagsang ayon dito na sinundan nito ng marahang pagtango.
"Yey!" tuwang-tuwa nitong naibulalas, agad itong kumapit sa braso ni Arnold at agad na nitong inakay si Arnold.
"Ano ba Jake? Tara na para makaalis na tayo!" sigaw na tawag sa akin ni Cassandra nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko, muli ay tinignan ako nito ng may pagbabanta nang hindi ito nakaharap kay Arnold.
Bigla naman akong natauhan na dali daling sumunod sa mga ito, agad naman naming nakita na nakahanda na sina Louie at Ken sa parking lot. Magkasama si Louie at Ken, gamit nila ang itim na BMW ni Louie.
"Jake doon ka na lang sumabay sa kotse ni Louie." utos sa akin ni Cassandra.
Hindi na ko nakipagtalo at sumunod dito, kahit na nga ba labag sa loob kong hayaan itong makasama si Arnold.,ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko na ang mainit na kamay ni Arnold sa palapulsuhan ko.
"Actually ikaw na ang sumabay kela Louie at Ken. Ako nang bahala kay Jake, and besides, I don't think magiging kumportable ka dahil big bike ko ang dala ko." nakangiti nitong sinabi, at sino ba naman ang makakaresist sa ngiting iyon ni Arnold.
Para naman itong lovestruck teenager na agad sumunod sa sinabi ni Arnold, agad na itong pumuwesto sa likuran ng kotse ni Louie.
Pinauna na muna ni Arnold ang sasakyan ni Louie, bago nito inabot sa akin ang dala nitong extra helmet, siguro ito din ang pinapagamit niya sa mga babaeng kasama niya.
Sa naisip ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang damdamin.
"Mabuti naman at may bago ka nang kaibigan." Narinig kong sinabi nito bago nito tuluyang paandarin ang motor nito. Talaga palang iniisip nito na kaibigan ko si Cassandra, napaisip tuloy ako kung anong gagawin nito kung malaman nito ang totoo, pero sinaloob ko na lang iyon dahil ayokong manira ng iba.
Naging mabilis lang ang biyahe namin, matapos magpark ay dumiretso na kami sa Starbucks, kung saan kami hinihintay ng mga kasama namin. Sakto naman na nakabili na din sila ng tickets at snacks. May twenty minutes pa naman bago magsimula ang movie.
"Arnold, baka puwede mo naman akong samahan sa supermarket may nakalimutan kasi akong bilhin?" maarte naman nitong sinabi, at talagang nagpapungay pa ito ng mga mata.
"Ahhhh ehhhh sige ba." napipilitan naman nitong pagsang-ayon, sabay na silang tumayo at pumasok sa loob ng mall.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong sundan ng tingin ang dalawa hanggang hindi ko na sila matanaw nang makasakay na sila sa escalator. Muli ay naramdaman ko ang kakaibang emosyon na naramdaman ko kanina. Natigilan naman ako nang marealized kong nasasaktan ako.
"Grabe din sa bilis ang kaibigan mong iyon Jake, grabe din makakapit kay Arnold." ang natatawang biro ni Louie sa akin.
"Ahhh ganoon ba." kunwaring pagtawa ko sa biro nito.
"Pero in fairness kay Cassandra maganda siya at sexy. Ganoon ganoon ang tipo ni Arnold, hindi ba Ken?" tanong naman nito sa kaibigan.
"Oo, just like Arnie." sagot ni Ken dito.
"Oo.... nga eh maganda si Cassandra, for sure bagay sila kung magiging sila." para namang may nakasapal sa bibig ko ng sinabi ko iyon, ngunit laking gulat ko ng sabay silang nagtawanan.
"Listen carefully Jake, yes maganda si Cassandra, pero wala pang babaeng sineryoso si Arnold. Ang mga babae ang humahabol sa kanya at wala pa siyang naging girlfriend." paliwanag nito, bigla naman akong nakaramdam ng relief sa sinabi nito na pinagtaka ko na naman.
Ilang sandali lang ay dumating na din sila Arnold at Cassandra at katulad kanina ay nakakapit pa din ito sa braso ni Arnold.
Nakaramdam naman ako ng selos nang makita ko kung paano alalayan ni Arnold si Cassandra. Naisip ko na lang na nagseselos lang ako bilang kaibigan.
Five minutes bago magsimula ang movie nang pumasok na kami, madilim sa loob kaya naman muntik na akong matapilok, mabuti na lang at naagapan ako ni Arnold kaya napahawak ako sa mga balikat nito.
"Mag-ingat ka." banayad nitong sinabi sa akin, kahit madilim ay ramdam ko ang tingin nito sa akin, mabuti na lang talaga at madilim, kung hindi ay makikita nito ang pamumula ng mukha ko.
"Salamat." sagot ko dito.
Nahanap na din naman ang nakaassign naming seats, nasa kanan ako ni Arnold samantalang nasa kaliwa si Cassandra, katabi naman nito si Louie na katabi si Ken.
Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa movie, ngunit hindi ko naman maiwasang sulyapan ang katabi ko. Focus ito sa panonood, kaya naman nagtaka ako ng nagulat ito at tumingin kay Cassandra.
Kapansin-pansin ang pag-angat ng kanang kamay papunta sa kaliwang bahagi nito, hindi ko alam kung anong ginawa nito lalo na't sandali lang iyon at bumalik na ito sa dating puwesto.
Hindi sinasadya nang biglang magdikit ang mga kamay namin. Nakaramdam ako ng kuryente sa sandaling pagkakadikit naming iyon, agad akong napatingin sa mukha nito at nakita ko ang isang emosyon na hindi ko mabigyan nang pangalan.
"Sorry." bulong nito, sabay balik nang atensyon sa pinapanood.
Mas lalo naman akong nahirapan mag focus sa pinapanood ko ng dahil sa nangyari, nagtataka ako kung ano iyong tila kuryente na naramdaman ko.
"Mukhang matatagalan itong movie na ito." sa loob loob ko, minabuti ko na lang pagtuunang kainin ang binili nilang cheetos sa akin
-=Arnold's Point of View=-
Abala ako sa panonood at sa pakikiramdam ko sa kanan ko nang maramdaman ko ang kamay ni Cassandra na humawak sa kaliwang kamay ko, agad naman akong napatingin dito at kita ko ang tila pang-aakit nito.
Awtomatikong kumilis ang kanang kamay ko para tanggalin ang kamay nito na sobrang higpit ang hawak sa kamay ko. Nang binalik ko ang kanang kamay ko sa armrest ay hindi sinasadyang masanggi ko ang kamay nito. Bigla akong nakaramdam nang kakaibang kilabot at nang tigna ko si Jake ay mukhang may naramdaman din ito.
"Sorry." bulong ko dito.
I tried to ignore that weird feeling since it doesn't make sense, natigilan naman ako nang may marealize akong bagay.
Noon kasi kapag may magandang babae na nag iinitiate ay agad agad ko iyong sinusunggaban, pero bakit parang wala akong naramdaman ng hinawakan ako ni Cassandra, samantalang sandali lang nagdikit ang kamay namin ni Jake ay may iba na akong kilabot na naramdaman.
Nagpanggap ako na focus ako sa pinapanood ko, pero ang totoo ay nakatuon ang buong atensyon ko sa lalaking nasa kanan ko.
Natapos ang movie na hindi ko namamalayan, matapos ihatid si Jake sa trabaho nito ay nauna na akong umuwi. Pinahatid ko na lang kela Louie si Cassandra.
Nang makauwi ay patuloy ko pa din naaalala ang spark na naramdaman ko nang magkadikit kami ni Jake.
"Snap out of it Arnold! Pareho kayong lalaki, ang naramdaman mo ay static lang." kastigo ko sa sarili. Naisip ko naman na baka nga static lang ang naramdaman ko kanina.
Naligo na muna ako at sandaling naglaro ng dota, kahit paano ay naalis naman noon kahit paano ang nangyari kanina sa sinehan.
Twelve midnight nang makaramdam na ako ng antok, matapos iturn off ang computer ko ay agad na akong humiga at nakatulog.