-=Arnold's Point of View=-
"Hindi ito puwede!" hinihingal akong napabalikwas nang pagkakahiga nang magising ako kinabukasan.
Sobrang bilis ng pintig ng puso ko nang maalala ko ang napanaginipan ko. Sa panaginip ko kasi ay magkatabi kaming dalawa ni Jake sa iisang kama, ok lang naman sana na magkatabi kami, dahil kahit ang ilan sa mga kaibigan ko ay nakakatabi ko din sa pagtulog, ang mali nga lang ay ang bagay na ginawa namin sa panaginip, mga bagay na dapat ginagawa ko lang sa isang babae, hindi sa katulad ko na lalaki.
It doesn't make sense lalo na't alam ko sa sarili ko na straight ako. Pero sabi nila kabaliktaran ang nangyayari sa panaginip sa katotohanan kaya matapos ang ilang sandali ay pinakalma ko na ang sarili ko at pinagkibit balikat ko na lang iyon.
Sandali kong pinasadahan ng tingin ang alarm clock na nasa sidetable at napansin ko ngang alas cinco pa lang nang umaga, masyado pang maaga, pero minabuti ko nang bumangon na din at dumiretso sa banyo na nasa mismong kuwarto ko.
"What the hell?!" gulat na gulat kong naibulalas nang may mapansin ako sa harapan ng boxer shorts ko, agad kong kinapa ang tila basang naroon, at naramdaman ko ang tila malagkit na likido na nandoon.
"s**t! Did I just have a wet dream?" hindi ako makapaniwala sa bagay na iyon, the last time I had a wet dream was when I was still in sixth grade at ang masama ay dahil iyon sa panaginip ko kay Jake.
"No... hindi ito maaari. This is impossible! For crying out loud we're both men at hindi maaring mangyari ito. There is no way........ unless..." napipipilan kong sinabi sa sarili ko, agad ko naman inalis sa isip ko ang dapat na kasunod na unless na sinabi ko. Arnold Saavedra is not gay! He's straighter than a ruler, I am straight!
Minabuti ko na lang maagang maligo, baka maalis non ang gumugulo sa isip ko. I went straight to my bathroom and tossed my soiled boxer shorts on the laundry basket. Agad kong tinapat ang sarili ko sa dutsa nang tubig na nanggagaling sa shower.
Agad ko namang naramdaman ang lamig na nanggagaling sa tubig na dumadaloy sa hubad kong katawan, kahit paano ay nakatulong iyon para mabawasan ang init na nararamdaman ko, at kahit paano ay nalalayo nito ang isip ko sa napanaginipan ko kanina. Pinilit kong alisin sa isipan ko ang weird na nararamdaman ko kay Jake, ngunit sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay tila naman nananadya na ang maamong mukha pa din ni Jake ang nakikita ko, his innocent eyes, his sexy red lips na para bang ang sarap halikan.
Muling nanumbalik sa akin ang tila kuryente na dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga kamay namin nang manood kami ng sine.
Hindi ko namalayan nang kusang kumilos ang kamay ko patungo sa p*********i ko.
"s**t! s**t! s**t!" ang paulit ulit na lumabas sa bibig ko nang marealized ko ang ginagawa ko, I was actually pleasuring myself while thinking about Jake.
Agad kong tinanggal ang kamay ko sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na magrereact nang ganoon ang p*********i ko ng dahil kay Jake. Agad kong tinapos ang paliligo kong iyon, mahirap na at baka kung ano na naman ang magawa ko.
Matapos maligo ay sandali kong tinignan ang f*******: account at sakto naman nang makita ko ang message ni Mommy.
"Good news Arnold! We got the deal!" ang nabasa kong message mula dito, bigla naman ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko sa nalaman, sobrang proud ako sa naachieved nito lalo na't alam ko kung gaanong effort ang binigay nito para sa kumpanya.
"Congrats Mom! I am so proud of you." reply ko sa message nito, naghintay ako kung magrereply pa ito nang ilang sandali ay wala pa ay tinurn off ko na agad ang computer ko, naghanda na din ako sa pagpasok sa school kahit na nga ba five thirty pa lan naman.
Past-six nang makarating ako sa school gamit ang isa sa mga kotse ko. Naisipan ko kasi munang magshooting bago pumasok sa una kong klase. Halos walang tigil ako sa ginagawa kong shooting na iyon, na tila ba buong atensyon ko ay nakatuon lamang doon, kaya naman labis na pagod ang naramdaman ko nang matapos ako.
The idea of me being gay still bothers me, alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla at never pa akong naattract sa isang lalaki, pero paano ko naman maipapaliwanag ang nararamdaman ko kay Jake?
"He's just like a brother to me." sa loob loob ko habang naliligo bago pumasok sa una kong klase, naging mantra ko na ang linyang iyon habang patungo ako sa tambayan namin, naisipan ko muna kasing dumaan muna doon bago dumiretso sa klase ko.
Naabutan ko naman ang mga kaibigan ko na mukhang kanina pa din nandoon, agad kong napansin na wala pa din si Larry doon.
Agad akong nakipag fist bump kela Louie at Ken nang tuluyan akong makalapit sa kanila.
"In all fairness maganda din talaga ang Oblivion no?" narinig kong sinabi ni Louie. Iyon ang movie na pinanood namin kahapon.
Tanging pagtango lang ang ginawa kong tugon sa sinabi nito, kasunod naman nang isang pilit na ngiti, ang totoo kasi ay wala akong maalala sa palabas na iyon, wala kasi sa movie ang isip ko kung hindi sa lalaking katabi ko sa sinehan.
Tila naman nananadya ang panahon nang mapansin kong naglalakad palapit si Jake sa puwesto namin, tila ako nahipnotismo habang pinagmamasdan ang nakangiti nitong mukha.
Para bang hinihigop ang buong sistema ko nang presensya ni Jake, tila ba hindi ko na pansin ang buong paligid habang nakatingin lang dito.
Hindi ko maalis ang tingin ko dito, with his perfect set of white teeth na para bang model ito nang isang toothpaste commercial, at ang mapangakit nitong mga ngiti na para bang para sa akin lang ang ngiting iyon. Muli ko na naman naramdaman ang paggalaw ng bagay sa pagitan nang mga hita ko.
Mabuti na lang talaga at nagising ako sa trance na iyon, bago pa man ito tuluyang nakalapit sa amin. Pinilit kong pakalmahin ang damdamin sa dibdib ko.
"Good morning!" tila masiglang bati ko dito, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kagustuhan kong ikulong ito sa mga braso ko, mas lalo tuloy nag react ang harapan ko nang tuluyan na itong nakalapit. Inayos ko pa ang pagkakaupo ko para maitago ko ang harapan ko.
"Magandang umaga din! Maraming salamat uli sa libre ninyo kahapon." nakangiti nitong sagot, sandali ko itong tinitigan at wala naman akong napansin na kakaibang kilos nito, ni wala akong naramdaman na kahit na anong pagkailang mula dito nang dahil sa nangyari kahapon.
Mukhang ako lang talaga ang na-bother sa pagkakadikit ng kamay namin kahapon, and the weird part ay bakit bigla akong nalungkot sa naisip kong iyon.
"Huwag mong alalahanin iyo." balewala ko naman na sagot dito at patuloy kong iiniwas ang harapan ko dito.
Hindi din naman ito nagtagal dahil may kailangan pa daw itong gawin sa library at agad na itong nagpaalam.
"That was so closed." sa loob loob ko. Tuluyan lang ako nakahinga nang maluwang nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
Mukhang kailangan kong mag-ingat sa susunod kaming magkita nito.
Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan tungkol sa movie na pinanood namin, well actually pinag-usapan nila ang moie, dahil nanatili lang ako sa pakikinig sa kanilang dalawa. Sa wakas ay tumunog na ang bell kaya kanya kanya na kaming alis.
Agad kong sinukbit ang backpack na dala ko, at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa una kong klase.
Classmate ko sa unang klase si Larry which is Calculus, ngunit kanina pa umiikot ang tingin ko sa loob ng classroom, pero hindi ko makita ni anino nito.
Hanggang sa nagsimula na ang klase ay hindi pa din dumadating si Larry, kaya naman nagdecide na akong puntahan ito mamaya sa kanila, sakto naman dahil nasa pareho lang kaming subdivision.
Pinilit ko talagang ituon ang atensyon ko sa klase, ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy na lumilipad ang isip ko kay Jake.
At dahil dito ay makailang beses akong napapagalitan ng Professor ko nagpatuloy ito hanggang sa mga sumunod kong klase, lalo na't nahuhuli nila ako na tulala at kung saan saan nakatingin.
Sa wakas natapos din ang lahat ng klase ko nang araw na iyon, at dahil wala namang practice ay minabuti kong dumiretso na sa bahay nila Larry, ngunit agad din nawala sa isip ko iyon nang makita ko si Jake na naglalakad na may dala dalang libro na galing marahil sa library.
Dali-dali ko itong nilapitan at kinuha ang kahalati sa mga dala-dala nitong mga libro.
"Woah! Bakit dala mo ang buong library?" biro ko naman dito na tinawanan lang nito.
"Kailangan ko kasi ito para sa research ko." paliwanag naman nito, patuloy nitong binabalanse ang mga natirang libro na hawak nito, sinubukan pa nitong bawiin ang kinuha kong mga libro.
"Bakit hindi ka na lang nag search sa internet, libre naman ang internet sa library." sinabi ko dito, tuluyan ko nang kinuha ang lahat ng libro nito.
He was about to complain at tinangka pa nitong bawiin ang mga libro nito kaya naman nagmamadali akong dumiretso sa kotse ko at nilagay iyon sa likod.
Nagdecide kasi akong ihatid na ito kaysa naman mahirapan pa ito sa pagcocommute, lalo na't madami pa itong libro, mabuti na lang talaga at kotse ang dala ko at hindi ang big bike ko.
Hindi naman kalayuan ang tinutuluyan nito kaya madali lang kaming nakarating, nilapag ko na ang mga libro nito sa kamang nakita ko sa kuwarto nito, hindi ko mapigilang hindi iikot ang mga mata ko sa loob and for some reason I felt a certain connection habang nasa loob ng kuwarto ni Jake.
"Maraming salamat Arnold sa paghahatid." sinabi nito, nagulat naman ako nang bigla nitong hinubad ang suot nitong polo kasunod nang damit panloob nito. Tumambad tuloy sa akin ang hubad na pang itaas nito.
Biglang kumabog nang sobrang bilis ang puso ko nang matitigan ko ang hubad na katawan ni Jake, hindi ko tuloy napigilang hindi mapalunok na para bang bigla akong nauhaw sa nasa harap ko mabuti na lang talaga at hindi nito napansin ang kakaibang kinikilos ko.
I gazed upon his tanned body, napansin kong medyo skinny siya pero hindi sobrang payat with the right muscles in the right places, it made me wonder how does it feel if his body is next to mine and again I felt my manhood growing and getting harder.
Dali-dali akong tumalikod nang bigla itong tumingin sa akin para itago ang nakaflag ceremony kong alaga.
"Ah Jake sige mauna na ako." paalam ko dito habang nakatalikod kay Jake na walang kamalay malay sa reaksyon sa katawan ko, hindi na ako naghintay nang sagot mula dito at dali dali akong umalis na para bang hinahabol ako nang kung ano.
Mabilisan akong nagdrive from Quezon City papunta sa subdivision namin sa San Juan. Pauwi na sana ako nang maalala ko ang balak ko kanina at iyon ay ang puntahan si Larry. Imbes na dumiretso pauwi ay nagtuloy na ako sa bahay nila Larry.
"Hi Tita! Nandiyan po ba si Larry?" nakangiti kong tanong dito nang pagbuksan ako nito nang pinto Si Tita Anette ang Mommy ni Larry.
"Oo nasa kuwarto ang kaibigan mo, akyatin mo na lang." nakangiti nitong sagot, agad ko naman napansin ang tila napipilitan nitong pagngiti, maliban pa doon ay hindi nakaligtas sa akin ang mugto nitong mga mata.
Pamilyar sa akin ang pasikot sikot sa loob ng bahay na iyon nila Larry, dahil elemtary palang kami ay madalas na ako sa bahay na iyon, madalas nga ding nag isleep over kami dito.
Hindi na ako nag-abalang kumatok at basta basta na lang ako pumasok sa kuwarto nito, pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong nakita si Larry na abalang abala sa pagpipinta nito sa canvas na nasa harap nito.
Maliban sa basketball, magaling din ito sa pagpipinta, ngunit kahit paulit ulit kong sabihin ito sa kanya ay hindi ito naniniwala at tinatawanan lang ako.
"Hey, tol long time no see." biglang kong bati dito at napansin kong nagulat ko ito dahil mukhang ang focus nito ay sa ginagawa nito na hindi man lang namalayan ang pagpasok ko sa kuwarto nito.
Finally humarap na din ito sa akin at agad kong napansin ang nangangalumatang mata nito and saw his swollen hand na nababalutan nang puting gasa.
"s**t man you look like a messed." napapailing ko naman maibulalas nang tuluyan ko itong makita.
"Anong ginagawa mo dito? Just leave me alone." malamig nitong sinabi at muling bumalik sa ginagawa nito.
"Nandito ako para makita ka Larry, ano bang problema mo?" tanong ko dito, ngunit mukhang wala talaga itong balak na kausapin ako.
"You're coming with me." determinado kong sinabi dito.
"Why don't you just leave me alone?!" iritable nitong tanong sa akin, nakipagmatigasan pa ito hanggang sa maramdaman nito marahil na hindi ko talaga siya titigilan hanggang hindi ko siya napapapayag, kaya naman mabigat man sa loob ay sumang ayon na din ito sa akin.
Matapos magpaalam kay Tita Anette ay dumiretso na kami sa bandang Timog para sana makapag-usap habang umiinom, ngunit pagkapatong na pagkapatong pa lang nang order namin ay sunod sunod na ang ginawang pag inom ni Larry. Nakakaisa pa lang ako samantalang nakakatatlo na ito.
"Hinay-hinay lang, hindi naman tayo nagmamadali." biro ko dito, ngunit hindi man lang ito nangiti at nagpatuloy lang sa pag-inom.
Nagpatuloy ito sa pag inom hanggang makawalong bote na ito, hinayaan ko lang ito hanggang sa nagsimula na itong magsalita.
"Iniwan na kami ni Dad, pinagpalit niya kami sa iba." mahina nitong sinabi, mapait pa itong napangiti sa sinabi. Nagulat ako sa sinabi nito dahil hindi ko inaasahan ang bagay na iyon.
Kilalang-kilala ko ang Daddy nito na si Tito Lucas, dahil nga close ang pamilya nila sa pamilya namin, hindi ko lubos maisip na magagawa nitong magtaksil at ipagpalit ang pamilya nito sa ibang babae, no wonder na ganoon ang itsura ni Tita Anette.
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam nang pagkaawa sa matalik kong kaibigan, hindi nito deserve ang ganitong problema sa pamilya.
"Kahit na anong mangyari, always remember nandito lang kami, hindi mo kailangan sarilinin ang problema mo." nakakaunawa kong sinabi dito, sa wakas ay muli ko itong nakitang ngumiti.
Hinayaan ko na lang ito sa pag-inom, pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid, agad naman nakatawag nang atensyon ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa far right side nang bar at laking gulat ko nang marealized ko ang ginagawa nila, they are kissing na para bang wala silang pakialam sa paligid.
Agad ko naman nilayo ang tingin ko sa mga ito.
"The nerves of these people." narinig kong galit na nasabi ni Larry at nang sundan ko ang tinitignan nito ay nalaman kong nakatingin ito sa dalawang lalaking naghahalikan.
I saw hatred in his eyes na ngayon ko lang nakita kay Larry.
"Sinusumpa ko ang lahat ng bakla sa mundo, they should all go to hell!" turan nito na punong puno nang galit, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit nito. For some reason ay parang may nadetect akong pain sa boses nito.
Bigla naman akong pinagpawisan nang malapot nang marinig ko iyon dito at para akong biglang nauhaw kaya dali dali kong ininom ang beer na nasa kamay ko.
"Bottoms up!" nakakaloko nitong sigaw, muli kaming nagpatuloy sa pag inom hanggang igupo na ito nang labis na kalasingan.
Hinatid ko na ito sa kanila, sinalubong naman kami ni Tita Anette na halata ang pag-aalala sa mukha sa nakitang kalagayan ng anak.
" Sorry po Tita." hinging paumanhin ko dito.
"Walang problema Arnold, maraming salamat sa pakikipagkaibigan mo sa anak ko, marahil ay alam mo na kung bakit nagkakaganyan ang kaibigan mo?" tanong nito sa akin.
Tumango lang ako dito para sagutin ang huling sinabi nito at kitang kita ko ang kalungkutan na sinubukan nitong itago.
"Promise me Arnold kayo nang bahala sa kanya." pilit ngiting sinabi nito, pilit pa din nito tinatago ang sakit na nararamdaman nito.
"Pangako po." sagot ko dito, magkatulong naman namin na hinatid si Larry sa kuwarto nito at matapos nga noon ay nagpaalam na din ako dito. Dumiretso ako sa bahay namin sa San Juan.
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa pinagdadaanan nang pamilya ni Larry, they are one of the nicest people na kilala ko at hindi nila deserve ang pinagdadaanan nila ngayon.
Muli kong naalala ang naging reaksyon ni Larry kanina, muli kong naalala ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa dalawang lalaking naghahalikan kanina at aminin ko man o hindi ay talaga namang nababother ako doon.
"Ano bang pinag-iisip mo?! Hindi ka bakla!" muli kong kastigo sa sarili ko.