CHAPTER SEVENTEEN: Avoiding Me

2283 Words
-=Jake's Point of View=- That day ay nameet ko din ang isa pa nilang kaibigan na si Larry Samonte, matagal din daw itong hindi pumasok kaya ngayon ko lang nakilala. Sa unang pagkikita pa lang namin na iyon ay napansin ko na agad na para bang may mabigat itong problema at maliban pa doon ay ramdam ko na hindi ako nito gusto. Ganoon talaga siguro kapag sanay ka nang ayawan nang mga tao, madali mong mararamdaman sa kanila kung ayaw nila sa iyo, pero hindi ko na minasama iyon dahil sigurado naman akong may sarili itong dahilan. "Handa na ba kayo sa match niyo nitong padating na Friday?" tanong ko sa mga ito. "Oo naman sigurado iyon, sabi nga ni coach ay nasa pinakamaganda kaming kondisyon ngayon, kahit na nga ba hindi umaattend ang isa diyan sa practice." panunudyo naman ni Louie kay Larry na tinawanan lang nito. "I already said sorry, for sure babawi ako at baka nga mas magaling pa din ako sayo." balik biro naman nito sa kaibigan na pabiro pang sinuntok sa braso nito. Nakangiti ito pero alam kong pang-ibabaw lang iyon. Nanatili lang akong nakikinig sa pag-uusap nang magkakaibigan, wala pa si Arnold na madalas ay ang kakuwentuhan ko, ilang sandali lang ay dumating na din ito, at gaya nang dati ay binabati ito nang lahat ng nadadaanan nito, binabati din naman nito pabalik ang mga nakakasalubong nito, sobrang bait talaga nito sa kahit na kanino, no wonder at naging mabuti ang pakikitungo nito sa isang loser na katulad ko. "Hi guys! Woahhhh welcome back Larry." agad nitong bati sa mga kaibigan. "Hi Arnold!" nakangiti kong bati dito, bigla naman nawala ang ngiti kong iyon nang mapansin kong hindi man lang ito tumingin sa akin. "Hi." ang tanging sinagot nito sa akin na hindi pa din tumitingin sa akin. "Tara na practice muna tayo." aya nito sa mga kaibigan, agad naman silang nagpaalam at matapos nga noon ay dumiretso na sila sa gymnasium. Wala akong pasok ngayong araw na ito, pero sa kagustuhan ko sanang makita si Arnold ay pinili kong dumiretso nang school, kaya naman masakit para sa akin ang kinilos ni Arnold, minabuti kong dumiretso na lang sa trabaho, sumakay na muna ako ng tricycle at matapos noon ay sumakay naman ako nang jeep patungong SM North. Hanggang sa makarating ako sa store ay patuloy kong naiisip ang kakaibang kinilos na iyon ni Arnold. Hindi ko gusto ang naiisip ko na para bang iniwasan ako nito. Agad ko naman inalala kung meron ba akong hindi magandang nagawa dito, pero kahit anong isip at piga ko sa isip ko ay wala talaga akong maisip. Pinilit kong ituon ang isip ko sa trabaho, ayoko naman kasing maapektuhan nang kakaibang kilos ni Arnold ang trabaho ko. Sobrang dami ng tao sa store nang araw na iyon, dahil nga sa sale sa mall, tapos sumabay pa na sahod ngayon, mas mabuti na din siguro iyon dahil kahit papaano ay naooccupied ang isip ko. "Dining pa-serve!" narinig kong sigaw ni Shiela sa counter. "Copy!" sagot ko naman, agad kong kinuha ang pending order nang customer, napangiti naman ako nang makita ko kung para kanino ang order na iyon, para pala iyon sa mga kaibigan ko na nakaupo sa bandang gilid nang store, sa sobrang pagka-abala ko ay hindi ko man lang napansin ang pagdating nila. Pilit ang pagtawa ko habang papalapit sa mga ito. "Anong ginagawa niyo dito?" natatawa kong tanong sa mga ito, kumpleto kasi silang apat, awtomatiko naman na lumipad ang tingin ko kay Arnold na nanatiling tahimik. "Nandito kami para kumain, is there any problem with that?" kunwari ay pagsusupladong tanong ni Louie, pero kita naman na halatang nagpipigil ito sa pagtawa. Hindi ko namalayan an na nasa likod ko na pala ang manager namin na si Ma'am Rose, mukhang narinig kasi nito ang sinabi ni Louie, iniisip siguro nito na may problema kaya agad itong lumapit. "May problema po ba mga sir?" nagulat na lang ako nang marinig kong magsalita ito sa likod ko, nakita ko pang nakangiti ito habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Tuluyan nang hindi napigilan ni Louie ang sarili at tumawa ito nang malakas, bigla naman napatingin ang mga tao dito, pero para bang balewala ito sa kanya, mabuti na lang at tumahimik dito ito matapos makatikim nang batok kay Ken. "Wala naman po, nagbibiro lang ang isang ito." ang magalang naman na paliwanag ni Ken kay Ma'am Rose, ibang iba talaga ang ugali nito sa best friend na si Louie. Sandali kong tinignan si Ma'am Rose and for some reason ay para bang nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa grupong ito. "Uhmm... mga schoolmate ko po sila, guys manager namin si Ma'am Rose." pagpapakilala ko sa mga ito, mas lalong kinilig naman si Ma'am Rose nang kamayan ito ng mga ito. Hindi din naman ito nagtagal at agad na ding umalis, pero promise parang nakaheart shape ang mga mata nito at tila ba nasa cloud nine ito. Muling lumipad ang tingin ko kay Arnold at katulad kanina ay hindi pa din ito tumitingin sa akin, at patuloy lang ito sa paglalaro sa cellphone nito. Muli ko na namang naramdaman ang sakit sa dibdib ko sa hindi pagpansin sa akin ni Arnold, hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyari bakit ito nagkakaganito at aminin ko hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang damdamin na ito. Iniwan ko na sila para makakain na din sila, napapailing na lang ako sa lakas nang appetite nang mga ito na agad nilantakan ang mga order, hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang para bang pagdami ng mga tao, lalo na nang mga babae na pilit pumupuwesto sa malapit sa table ng apat. Mas lalo iyong nakumpirma nang marinig ko ang kinikilig na kuwentohan nang isang grupo nang babae. Napapailing na lang ako habang tinitignan ang mga ito, hindi pa din kasi ako makapaniwala na magiging kaibigan ko ang mga ito, at dahil iyon kay Arnold, kaya naman masakit lang isipin na maari ngang may nagawa akong masama para hindi ako pansinin nito. "Jake..... halika dito." ang halos pabulong na tawag sa akin ni Ma'am Rose. "Bakit po Ma'am?" tanong ko dito nang makalapit ako sa pinagtataguan nito, para kasi itong nagtatago sa posisyon nito. Jake.... puwede ko bang makuha number nang mga kaibigan mo?" nahihiyang tanong nito, pinilit kong huwag ipahalata ang gulat sa hinihingi nito. Hindi ko talaga inaasahan na maririnig iyon sa manager namin, pero narealized ko na bata pa din pala ito mga nasa twenty five lang ito. "Sorry po talaga Ma'am, wala po kasi akong cellphone kaya wala din akong number nila." hinging paumanhin ko dito, kita ko naman ang biglang paglungkot ng mukha nito. "Sige po Ma'am kunin ko po bukas ang number nila." pagpatuloy ko at bigla naman umaliwalas uli ang mukha nito. Minabuti kong bumalik sa puwesto ko at abala pa din sa pagkain ang mga kaibigan ko, agad ko naman napansin na wala doon si Arnold. "Nasaan na si Arnold?" tanong ko sa mga ito, inikot ko pa ang tingin ko at baka may kinuha lang ito. "Nauna na, may kailangan daw siyang gawin sa bahay nila." sagot ni Louie habang iniinom ang coke float nito. Muli ay nakaramdam na naman ako nang lungkot dahil dati kapag aalis na ito ay nagpapaalam muna ito sa akin. "Nga pala punta ka sa upcoming game namin sa Friday." nakangiting aya naman ni Ken, hindi ko alam pero parang may kakaiba sa paraan nang pagtingin nito sa akin, na para bang nararamdaman nito ang nararamdaman ko.  "Oo naman." sagot ko dito. Matapos ibigay ang oras nang game ay umalis na din ang mga ito, nakita ko pang kumakaway si Ma'am Rose sa mga ito at mas lalo itong kinilig nang kumaway pabalik si Louie. Dalawang araw pa ang lumipas at patuloy pa din akong iniiwasan ni Arnold na lalong nagpapabigat sa dibdib ko, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ito nagkakaganito, at labis akong nasasaktan. Sa wakas dumating na ang pinakahihintay na basketball game, nasa loob na ako nang gymansium, kasama ang halos lahat ng schoolmates ko, ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang laban. Finally ay narinig sa paligid ang boses nang commentator, pinakilala nito ang kalabang grupo na sinalubong naman ng pagboboo nang mga schoolmates namin, na malayong malayo nang ipakilala ang basketball team ng school. Maririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao nang ipakilala na ang starting five sa pangunguna nang star player na si Arnold, kasama nito sila Ken, Louie, Larry at isa pang kateam nito na hindi ko masyadong kilala.  "Good luck." nakapakit kong bulong sa hangin, pag-angat ko nang tingin ay bigla ang pagkabog ng dibdib ko nang para bang magtama ang tingin namin ni Arnold, hindi naman nagtagal iyon at naisip kong baka sa iba ito nakatingin. Nasanay na ako na layuan nang mga tao, pero iba pa din pala talaga kapag naramdaman mo ang pagpapahalaga ng ibang tao at mas masakit kung mawala iyon. Ilang sandali ay nagsimula na ang game, unang nakapuntos ang team namin na nagpawild sa mga schoolmates ko, ilang sandali lang ay humigpit na din ang depensa nang kalaban, napansin kong tila isang foreigner ang nagbabantay kay Arnold. Nasa around six-five ang height ng foreigner samantalang six footer naman si Arnold, akala ko talaga mahihirapan si Arnold, pero mukhang hindi naman naging problema kay Arnold kung mas matangkad ang nagbabantay dito, at dahil iyon sa bilis ng pagkilos nito. Naging mainit ang laban, at mas nag-init pa iyon nang tumuntong na sa fourth quarter, lalong humigpit ang laban nang lumamang nang dalawang puntos ang team ng school, meron na lang six seconds na natitira, kaya naman lahat halos ay nakatayo na at tila pigil ang paghinga. Sinubukan nang kalabang koponan nang magthree, mabuti na lang talaga at hindi iyon pumasok, mas lalong makapagil hininga kung sino ang makakakuha nang rebound. Larry got the rebound, niyakap nito ang bila na para bang nakasalalay ang buhay nito dito. Sa wakas ay tumunog na ang bell, bilang pagtatapos ng laban. Isang nakakabinging sigawan naman ang sumunod. Sobrang saya nang buong paligid sa pagkakapanalo naming iyon. "We won!" parang hindi ako makapaniwala habang pabalik balik ang tingin ko sa scoreboard, at sa mga players na nasa court, kitang kita ko ang saya sa mukha ni Arnold habang niyakap si Larry, hindi ko alam kung saan nanggaling ang selos sa nakikita kong pagtrato nito kay Larry. Nagdecide akong hintayin ito para makausap nang masinsinan, naghintay ako sa labas ng gymnasium. Lumipas ang halos fifteen minutes nang lumabas ang mga player, agad naman silang dinumog nang mga tagahangang schoolmates namin. Agad ko naman nakita si Arnold sa grupo, ngunit laking gulat ko nang makita kong halikan ito sa labi ng isang babae. bigla akong nakaramdam nang labis na pagseselos sa nangyari, alam kong hindi dapat ako makaramdam nang ganito. Naghintay pa ako hanggang sa wakas ay nakita ko na din itong mag-isa, tahimik itong naglalakad papuntang parking lot, kaya agad ko itong sinundan. He was starting his bike nang tuluyan na akong makalapit dito. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito nang tuluyan ako nitong makita. "Jake ikaw pala yan, anong ginagawa mo dito?" tanong nito na agad nag-iwas nang tingin sa akin, na tila ba ayaw ako nitong makita. "Pu...puwede ba tayong mag-usap?" mahinang tanong ko dito, umaasa akong tumingin ito sa akin para makita ko ang totoong nararamdaman nito. "Sorry Jake puwede bang next time na lang, may importante kasi akong gagawin." sagot naman nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko, ramdam ko ang panginginig ng boses nang dahil sa emosyong kanina ko pa nilalabanan. "Please tell me Arnold... ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" sa wakas ay tinatanong ko na dito ang kinatatakutan ko ang bagay na gumugulo sa akin simula nang iwasang niya ako. Agad itong bumaba ng bike nito at sa wakas ay tumingin na din ito sa akin, kita ko naman ang pag-aalala sa mukha nito na lalong nagpalakas sa pag-iyak ko. "Ano bang iniiisip mo Jake, of course I still want to be your friend." sagot naman nito, dahan dahan itong lumapit sa akin. "Kung ganoon, bakit mo ako iniiwasan? Please tell me, may nagawa ba akong kasalanan, kung meron man patawarin mo ako, parang awa mo na huwag mo naman akong iwasan." pagsusumamo ko dito habang patuloy pa din sa pagdaloy ang mga luha ko. "Wala kang ginawa masama Jake, it's just... it's just..." sagot nito.  "Please tell me Arnold, naguguluhan na kasi ako, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi mo ako layuan." malungkot kong tanong dito habang nakatingin sa naguguluhan nitong mukha. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin sa akin, hindi ko nga alam kung may balak pa itong magsalita. Finally I get it. "Naiintindihan ko na Arnold, lalayo na ako kung iyon ang gusto mo, pero lagi mong tatandaan, nagpapasalamat pa din ako at nakilala ko kayong magkakaibigan, lalong lalo ka na." malungkot kong sinabi dito. Tumalikod na ako dito, dahil ayoko nang makita nito ang paghihirap ko, I was about to leave, leave his life nang maramdaman ko ang mga braso nito nakayakap sa akin, nagulat ako sa higpit ng pagkakayakap nito sa akin, naramdaman ko ang mukha nito sa likod nang ulo ko at ang mas kinagulat ko ay ang kaalaman na umiiyak din ito. "Please don't go Jake, I love you." maemosyon nitong bulong sa akin, bigla naman ang pagkabog ng puso ko nang mabilis sa sinabi nito. Tama ba ang narinig ko? Sinabi ba talaga niyang mahal niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD