-=Arnold's Point of View=-
We won! Sobrang saya nang lahat dahil ang ibig sabihin noon ay uusad kami sa quarterfinals, kahit nanalo ay parang kulang ang sayang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, na para bang may hinahanap ako.
It all started nang simulan kong iwasan si Jake, nagdecide kasi akong lumayo na muna habang hindi ko pa nahahanap ang sagot sa mga nangyayari sa akin, sa mga damdamin na umuusbong sa puso ko sa paglalapit naming iyon ni Jake.
Muli kong tinignan ang puwesto kung saan ko nakita si Jake kanina, pero wala na ito doon, muli ay naramdaman ko ang kahungkagan sa dibdib ko.
Aminin ko man o hindi ay tuluyan na akong nahulog kay Jake, hindi ko nga alam kung love na ba ang nararamdaman ko dito. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman ko para dito, ang tanging alam ko lang ay hindi tama ang nararamdaman kong ito, we're supposed to be friends, just friends, at maliban pa doon ay pareho kaming lalaki.
Kaya naman nagdecide akong layuan muna ito, umaasa kasi akong mawala ang nararamdaman ko dito, kahit na mahirap kahit na maski ako ay nasasaktan. Mas lalong masakit dahil alam kong nasasaktan ko ang taong mahal ko.
Minabuti ko na munang magshower na muna, at matapos nga noon ay sabay-sabay na kaming lumabas nang mga teammates ko, gaya nang inaasahan ay dinumog kami ng mga schoolmates namin, mas nagulat ako nang may isang babaeng basta na lang humalik sa akin, agad naman akong lumayo dito, for some reason ay may naramdaman akong nakatingin kaya nakaramdam ako nang guilt na para bang may pinagtaksilan ako.
Matagal-tagal din bago tuluyan akong nakatakas sa mga ito, agad akong dumiretso sa parking lot, dahil gustong gusto ko na talagang makauwi at makapagpahinga.
I was starting my bike, when I noticed a figure walking towards me, nagulat ako nang tuluyan na itong makalapit.
"Jake ikaw pala yan, anong ginagawa mo dito?" katulad nang mga nakaraang araw ay sadya kong iniwas ang paningin ko dito, natatakot kasi akong makita nito ang totoong nararamdaman ko dito.
"Pu...puwede ba tayong mag-usap?" narinig kong tanong nito, ramdam ko ang insecurity sa boses nito, at labis akong nasasaktan dahil ako ang dahilan nang insecurity nito.
"Sorry Jake puwede bang next time na lang, may importante kasi akong gagawin." sagot ko dito, sa totoo lang gustong gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, at nararamdaman ko na konting konti na lang ay hindi ko na makakayanang magpigil.
"Please tell me Arnold...... ayaw mo na ba akong maging kaibigan?" ramdam na ramdam ko ang panginginig sa boses nito. Minabuti kong bumaba na muna ng bike ko at labis na pag-aalala ang naramdaman ko nang makita ko sakit sa mukha nito.
"Ano bang iniiisip mo Jake, of course I still want to be your friend." sagot dito, unti unti akong lumapit dito.
"Kung ganoon, bakit mo ako iniiwasan? Please tell me, may nagawa ba akong kasalanan, kung meron man patawarin mo ako, parang awa mo na huwag mo naman akong iwasan." mas lalong nadurog ang puso ko sa ginawa nitong pagmamakaawa habang patuloy ang luha sa mga mata nito.
"Wala kang ginawa masama Jake, it's just..... it's just..." pilit kong inisip kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya, natatakot pa din akong malaman nito ang totoo.
"Please tell me Arnold, naguguluhan na kasi ako, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi mo ako layuan." tanong nito, paano ko ba sasabihin na kaya ako lumalayo ay dahil natatakot ako sa damdamin ko para dito, na hindi na lang tinging pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya na mahal ko na siya na kahit sa tingin ko ay mali ay hindi ko maiwasang mapamahal sa kanya.
Lumipas ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa, hanggang sa binasag ni Jake ang katahimikan na iyon, at parang nadurog ang puso sa sunod nitong sinabi.
"Naiintindihan ko na Arnold, lalayo na ako kung iyon ang gusto mo, pero lagi mong tatandaan, nagpapasalamat pa din ako at nakilala ko kayong magkakaibigan, lalong lalo ka na." pagpapaalam nito giving me a sad smile, hindi ako nakahuma nang agad itong tumalikod.
Parang nadudurog ang puso ko sa idea na tuluyan na itong lalayo sa akin at mawawala ito sa buhay ko.
Kusang kumilos ang mga kamay ko at mahigpit itong yumakap patalikod kay Jake, naramdaman ko ang pagkagulat nito sa ginawa ko.
"Please don't go Jake, I love you." tuluyan na akong nagtapat dito, hindi ko alam kung matatanggap ba ako nito o baka mas lalo lang itong lumayo sa akin, pero hindi ko na talaga kayaning lokohin ang sarili ko, tama man o mali ay nagdecide akong sundin ang puso ko.
Agad naman akong kumalas dito at hinarap ko siya sa akin, kitang kita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha nito nang dahil sa confession kong iyon, halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang sagot nito.
"Hey Jake! Please say something." bahagya ko pa itong inuga para magising ito, gusto kong malaman kung may pag-asa ba ako dito, kung pareho ba kami nang nararamdaman.
"Mahal din kita Arnold, mahal na mahal." maluha luha nitong sagot sa akin.
Para tuloy nagliwanag ang buong paligid nang marinig ko ang sagot nito, I've never felt this happy in my entire life at dahil iyon sa taong pinakamamahal ko.
Matiim akong napatingin sa mga mata nito, namalayan ko na lamang na unti-unti ko na palang nilalapit ang mukha ko sa mukha ni Jake.
He closed his eyes waiting for our lips to meet, bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko habang unti-unting lumiliit ang distansya sa pagitan namin.
Finally our lips touched, at para akong mababaliw habang nararamdaman ko ang malalambot nitong mga labi. Noong una ay naging marahan ang paghalik ko dito, ayoko naman kasing biglain ito, ngunit nang maramdaman ko ang naging pagtungon nito ay mas nilaliman ko ang halik naming iyon.
Mas naging mapahangas ang sunod kong ginawa, my tounge seek entrance to his mouth and to my delight ay agad niya iyong tuluyang makapasok. I explored the sweetness inside his mouth, and felt him doing the same thing, giving me the same intensity.
Para akong isang explorer na nagtravel sa disyerto na sa wakas ay narating na ang oasis.
Mas lalong naging maalab ang ginawa nitong pagtugon sa mga halik ko, mas lalo tuloy nagningas ang pagnanasang nararamdaman ko, naramdaman ko na lang ang pagrereact nang p*********i ko. Bigla lang kaming tumigil nang marinig ko ang papalapit na boses mula sa bandang kanan ko, habol habol namin ang paghinga namin nang lumabas ang dalawang security guard sa school.
"Magandang gabi po mga sir." nakangiting bati ng mga ito, mabuti na lang at mukhang wala naman silang napansin na kakaiba dahil agad silang naglakad palayo.
Nang makasiguradong wala ang dalawang guard ay agad kong sinuri ang mukha ni Jake, muli ko na naman naramdaman ang pag-iinit ng katawan nang mapansin ko ang swollen lips nito nang dahil sa nangyari sa amin.
"We better leave or else baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." birong totoo ko dito. Agad kong hinawakan ang kamay nito at sabay na kaming naglakad pabalik sa bike.
Ako na mismo ang nagsuot nang helmet dito, nagawa ko pang nakawan ito nang halik, at matapos nga noon ay pinaandar ko na din ang bike ko.
Hanggang sa makaalis kami ng school ay hindi namin napansin ang isang tao na nakatago sa isang puno na malapit sa parking lot.
Hawak-hawak nito ang cellphone nito at isang nakakatakot na ngiti naman ang nakaguhit sa mukha nito.
Nasa kahabaan na kami nang EDSA nang mapansin ko ang oras, medyo late na din pala, kaya nakakaramdam ako nang pagkalam ng sikmura.
"Kain muna tayo!" sigaw ko, hindi ako sigurado kung nadinig ako nito. Nagdecide akong dumiretso sa Shakey's na nasa bandang Centris sa Mother Ignacia.
We ordered a party size pepperoni thin crust pizza, a box of mojos and chicken at isang good for two na meatball spaghetti, nag order na din ako nang isang pitcher nang iced tea.
Sandali lang ang naging paghihintay namin nang sinerve ang mga order namin. Natawa na lang ako nang marinig ko ang pagkalam ng sikmura ni Jake, mukhang pareho kaming kanina pa nagugutom.
"Sorry, kanina pa talaga ako nagugutom." nahihiya ko naman sa sinabi dito nang sikmura ko naman ang tumunog, ngumiti lang ito sa akin at ito na din ang naglagay ng slice ng pizza sa pinggan ko.
Sobrang saya naman ang naidulot nang simpleng ginawa nito, ako naman ang naglagay nang pagkain sa pinggan nito. Habang kumakain ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tanungin ito.
"Jake, alam kong masyado pang maaga, pero gusto ko sanang maging tayo. Puwede bang maging tayo?" tanong ko dito nang tumigil muna ako sa pagkain.
"Sigurado ka ba diyan Arnold? Isipin mo kung ano ang iisipin nang mga tao sa school kapag nalaman nila kung maging tayo, sigurado akong iinsultuhin ka nila." nag-aalala nitong paliwanag, hanggang ngayon ay ang kapakanan ko pa din ang iniisip nito.
"I don't care kung ano man ang sasabihin nila, ang mahalaga ay masaya ako kapag kasama kita at magiging mas masaya ako kapag naging tayo." nakangiti kong sinabi dito, napansin ko ang spaghetti sauce sa bibig nito kaya naman pinunasan ko iyon gamit ng daliri ko.
"Ayoko lang may masabi silang hindi maganda sayo, kaya kong tanggapin ang kahit na anong ibato nila sa akin, pero hindi ko kaya na masasaktan ka nang dahil sa akin." nag-aalala pa din nitong sagot.
Hinawakan ko ang kamay nito, at matiim ko siyang tinignan sa mga mata.
"Ang mahalaga sa akin ay tayo, at sa mga nararamdaman natin sa isa't isa." nakangiti kong sinabi dito, sa wakas ay nakita kong ngumiti ito.
"Paano nga pala ang mga kaibigan mo?" muli nitong tanong, aminin ko man o hindi ay isa iyon sa mga bagay na naiisip ko, paano sila magrereact kapag nalaman nilang homosexual na ako, but come to think of it, wala akong nararamdaman na attraction sa ibang lalaki, tanging kay Jake lang. I'm not homosexual, I'm a Jakesexual dahil tanging kay Jake lang ako magkakagusto.
"Kung tunay ko silang mga kaibigan ay tatanggapin nila kung sino ako, at kung sino ang taong mamahalin ko." pagpapalakas ng loob ko dito.
He just nodded his head na para bang sinasabi nitong pumapayag na ito, agad naman gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi ko.
Matapos naming magdinner ay inihatid ko na ito sa tinutuluyan nito, akma akong aalis nang mapansin kong parang may hinahanap ito sa bulsa nito.
"May problema ba?" nakakunot noong tanong ko dito.
"Mukhang nawala ko kasi ang susi ko, si Aling Helen naman nagbakasyon sa kapatid niya sa probinsya kaya hindi ako makakahiram sa kanya nang susi." paliwanag nito.
"Paano na yan?" tanong ko dito.
"Well, hihintayin ko na lang si Jonas na dumating, padating na din naman siya nang bandang alas dos." sagot nito.
"Eleven-thirty pa lang, maghihintay ka pa nang matagal. Mabuti pang sa condo ko na lang ikaw matulog muna." aya ko naman dito, kita ko ang pag-aalangan nito, pero mabuti na lang ay pumayag na din ito.
"Welcome to my sweet little home. Gusto mo bang kumain na muna?" tanong ko dito nang makarating kami sa condo unit ko.
"Hindi na, kakakain lang din naman natin kanina." sagot nito, kapansin pansin ang tila pagkabalisa nito.
"Kung gusto mo munang magshower nasa loob ng kuwarto ko ang banyo, ipaghahanda na lang kita nang puwede mong isuot na pantulog." sinabi ko dito.
Hindi ko alam kung nanginginig ba ako dala nang kaba o excitement o baka puwede ding pareho. Pilit kong pinalis ang bagay na naiisip ko at hinanda ko na susuotin nito, isang tshirt at boxer shorts ko ang naisipan kong ihanda para dito.
Abala ako sa pag-aayos nang kamang tutulungan namin ni Jake ng lumabas ito nang banyo, tanging ang puting tuwalya lang ang
suot nito, wala itong pang itaas kaya naman kitang kita ko ang hubad nitong pang-itaas.
Bigla akong napalunok nang makita ko ang kahubdan nito, pakiramdam ko ay nag-init ang kuwarto kong iyon, kahit na nga ba kanina pa bukas ang AC, my eyes wander mula sa mamasa masa pa nitong buhok, papunta sa maamo nitong mukha, muling naglandas ang tingin ko pababa sa kanyang dibdib, mamasa masa din iyon mula sa paliligo nito, para naman akong nahipnostimo nang mapansin ko ang patak na galing sa dibdib nito patungo sa pusod nito, going to his.........
Hindi ko maiwasang hindi mapahiya sa mga naiisip ko habang si Jake ay walang kamalay malay na kanina ko pa pinagnanasaan ang katawan nito.
"Uhmmm nasa silya ang susuotin mo, maligo na muna ako." agad kong paalam dito, hindi ko na hinintay itong magsalita at dali dali akong pumasok sa banyo.
"Kalma ka lang Arnold." sunod sunod na paghinga ang ginawa ko nang tuluyan na akong makapasok sa banyo, pilit kong nilalabanan ang libido sa katawan ko na kanina pa gustong umalpas. Inabot din siguro nang mga twenty minutes bago ako lumabas nang banyo na ang tanging suot ay ang boxers na kinuha ko kanina habang naliligo si Jake.
Naabutan ko si Jake na suot ang hinanda ko para dito, nakaupo ito sa gilid nang kama, seeing him wearing my clothes makes me so horny na para bang iyon na ang pinakasexy na nakita ko.
Unti-unti akong naglakad palakad dito, I can see admiration from the way he looks at my almost naked body.
I started kissing him and felt him respond with the same intensity, na lalong nagpawala nang libido ko.
Sinimulan kong hubadin ang t-shirt nito, ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan nito at nagulat ako nang matitigan ko ang mukha nito, nakapikit ito nang sobrang higpit at kita ko ang takot sa mukha nito. Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig nang makita ko ang takot nito.
And then it hit me. Agad kong naalala ang ginawa ni Professor Castro dito, kaya naman nauunawaan ko kung bakit ito nagkakaganito, tuluyan nang nawala ang pagnanasa ko nang maisip ko ang bagay na iyon.
Minabuti kong tumayo na lang, at dahil sa ginawa ko ay agad itong nagmulat nang mga mata.
"If you're not ready yet for this, then hindi kita pipilitin." nakangiti kong sinabi dito, tuluyan na itong napangiti sa sinabi ko at tuluyan na ding nawala ang takot sa mukha nito.
Nagkasya na lang ako na katabi ko ito sa pagtulog, nakaunan ito sa dibdib ko habang ako naman ay nakayakap dito.
"Bakit ka nangingiti?" tanong ko nang mapansin kong kanina pa ito nangingiti.
"Wala lang ang sarap lang kasing pakinggan nang t***k ng puso mo." sagot nito, sa posisyon naming iyon ay naamoy ko pa ang bango nang shampoo na ginamit nito.
I felt contented just by hugging him, and a smile formed in my lips, hanggang sa talunin kaming pareho nang antok.