-=Arnold's Point of View=-
Nagising ako kinabukasan nang may ngiti sa labi, I felt so recharge na para bang hindi ako napagod sa game namin kahapon, mas lalong lumapad ang ngiti kong iyon nang mabungaran ko ang himbing na himbing na si Jake, nakahiga ito sa braso ko. Waking up next to Jake seems so right, na para bang tama na siya ang magigisnan ko kapag nagising ako at siya din ang huling taong dapat kong makita bago ako matulog.
Gustong gusto na lang talagang manatili kami sa ganoong posisyon, ngunit kinakailangan kong alisin ito sa pagkakahiga sa braso ko, sobrang ingat kong tinaas ang ulo nito at inihiga sa unan.
Sandali akong nag-inat inat dahil bahagyang namamanhid ang braso ko at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kusina.
Nagdecide akong magluto nang almusal.
Nagscramble lang ako ng limang itlog, nagtoast nang bread, nagprito ng bacon at naghanda nang fresh orange juice.
"Arnold?" abala ako sa pagluluto ko nang marinig ko ang tawag na iyon ni Jake. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko nang makita ko ang itsura nito. Bahagyang magulo ang buhok nito dahil sa pagkakatulog nito and goodness he's so sexy looking like that, bahagyang nakalabas ang balikat nito dahil na din maluwag ang t-shirt na naibigay ko dito. Mukhang kailangan ko talagang pahabain ang pagtitimpi ko kapag kami lang ang magkasama.
"Bakit bumangon ka agad? Ipapaexperience ko pa naman sayo ang breakfast in bed, the Arnold Saavedra's style." biro ko dito na sinundan ko na mabilis na halik sa labi.
"Nagising kasi ako nang maramdaman kong wala ka na sa tabi ko." nahihiya naman nitong sagot, mas mukhang relaxed na ito kumpara sa mga nakaraang araw.
Nagdecide kaming sa kusina na lang kumain, next time ko na lang ipaparanas sa kanya ang "The Arnold Saavedra's style".
Matiim akong napatingin sa kanya habang pinapanood siya sa pagkain ng mga hinanda ko, hindi ko kasi alam kung magugustuhan niya ang mga iyon.
"Masarap ah." sinabi nito habang tumango tango pa na tila naeenjoy talaga nito ang almusal.
"You gotta be kidding, right?" natatawa ko namang tanong dito, alam ko naman kasi na nasobrahan ng asin ang scrambled egg ko, tapos iyong bacon naman medyo sunog ang isang side, ang medyo ok lang ay ang toasted bread.
"Masarap kaya ang almusal natin, dahil hinanda ito nang taong mahal ko." para akong kinilig sa sinabi nito, mukhang nagiging cheesy na ako, but I don't mind as long as it's because of Jake.
Minabuti namin munang manood nang movies dahil sabado naman ngayon. Mamaya pa namang alas tres ang pasok ni Jake at four naman ang practice ng team.
Hindi ko alam kung anong klaseng movie ba ang gusto nito o ano bang movie ang dapat panoodin nang magboyfriend, at dahil doon ay naisipan kong isalang ang Titanic.
Tinurn off ko ang ilaw at nasa likod ako ni Jake kaya nakayakap ako mula sa likod nito, at ang nakasandig naman ito sa dibdib ko.
Tahimik lang kami sa panonood hanggang sa umabot na sa part kung saan namatay na si Jack, doon ko napansin ang pagtakas nang ilang luha sa kaliwang mata nito.
"Umiyak ka ba?" panunudyo ko dito habang kinikiliti ang tagiliran nito, sobrang cute nito habang pilit iniiwasan ang pangungulit kong iyon.
"Hindi kaya no! Naghikaw lang ako." tawa pa din ito nang tawa sa ginagawa ko.
"Yeah right!" patuloy pa din ako dito sa pagkiliti.
Sa sobrang paghaharutan namin na iyon ay bumagsak kami sa sahig, I ended on top of him habang ito naman ay nakahiga sa sahig.
Bigla akong natigilan sa pangungulit dito nang marealized ko ang posisyon namin. Naging erratic ang paghinga ko habang nakatitig sa mapupula nitong mga labi. Para akong nahihipnotismo kaya unti unti ay tinawid ko ang pagitan nang mga labi namin, konting konti na lang talaga at magdidikit na ang aming mga labi, ngunit naputol iyon nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng short ko.
Dali daling bumangon ito mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo, habang ako naman ay naihilamos ang dalawang kamay sa mukha, sobrang frustration ang nararamdaman ko. Mas lalong nadagdagan iyon nang makita kong isang random text message lang pala iyon asking for load.
"Konting konti na lang eh!" naiinis kong nasabi, ilang sandali lang ay lumabas na din si Jake sa banyo, suot na nito ang uniform nito, na nilabhan ko nang naligo ako kagabi.
"Sige Arnold mauna na muna ako, may pasok pa kasi ako. Salamat." nagmamadaling paalam nito, agad itong tumalilis palabas nang kuwarto.
Imbes na magmukmok ay naisipan ko na lang dumiretso nang mall, naalala ko kasing kailangan kong bilhan ng cellphone si Jake para anytime na gusto ko siyang makausap ay magagawa ko.
Agad akong dumiretso sa SM Annex kung saan naroon ang mga gadget store, sa totoo lang ay hindi ako makapagdecide kung anong brand ng cellphone ang bibilhin ko dito, kaya naman napagdesisyunan kong same blue Samsung phone na lang din ang bilhin para dito. Sakto iyon para couple's phone kami.
I paid the phone using my credit card at matapos bayaran ay dumiretso agad ako sa McDonald's kung saan ko siya hihintayin. Umorder na din muna ako nang nuggets meal para makakain habang hinihintay ito. Sabi kasi niya uuwi muna siya para kuhanin ang uniform niya.
Napansin ko naman ang manager ni Jake na kumakaway sa akin kaya naman kumaway din ako dito. Pilit kong inaalala ang pangalan nito, pero hindi ko talaga matandaan, natigil ang pag-iisip kong iyon nang makita kong papasok ang taong mahal ko, agad itong napangiti nang makita ako.
"Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba may practice kayo?" tanong nito sa akin, ngunit imbes sagutin ito ay inabot ko na lang ang regalo ko dito.
"I just drop by to give you this." nakangiti kong sagot dito, kita ko naman ang confusion sa mukha nito nang abutin ang paper bag.
Agad akong umalis nang maiabot ang regalo dito, nararamdaman ko na naman kasi ang kagustuhan na halikan ito, na hindi puwede dahil nasa trabaho ito at baka mapagalitan pa nang manager nito.
Usapan kasi namin na itago ang relasyon namin, at mabigat man sa loob ay pumayag na din ako, ayaw lang daw kasi nitong mainsulto ako ng kahit na sino kapag nalaman nila ang relasyon namin. Pero kung ako ang masusunod ay gustong gusto kong ipagsigawan sa mundo kung gaano ko kamahal si Jake na isa ako sa mga masuwerteng tao na nakita na ang taong mamahalin.
Agad akong dumiretso sa school dahil na din sa practice nang team. Gusto kasi ni coach na handa kami sa dalawang magkasunod naming laban, lalo na't kasunod noon ay finals.
Naabutan kong halos lahat ng kateam ko ay naroon na maliban na lang kay Mike, agad akong dumiretso sa locker room para magpalit.
"Guys huddle up!" sigaw ni coach kaya naman agad kaming lumapit dito.
"Listen up guys! Everyone did great yesterday and I am so proud........" ngunit nabitin ang sasabihin sana nito nang biglang dumating si Mike.
"Sorry coach medyo natraffic po kasi." paliwanag nito, dali dali itong nagpalit ng unform sa locker.
Hindi ko maipaliwanag pero parang may kakaiba akong nakikita sa mga mata nito sa tuwing tumitingin ito sa akin, as if I can see a glint of triumph in his eyes, pero pinagkibit balikat ko na lang iyon.
Pinaghati ni coach ang team sa dalawa, freshmen and sophomores laban sa juniors and seniors.
Nagsimula ang practice match, gaya nang dati ay kaming dalawa ni Mike ang nagharap. Tahimik lang ako habang naghihintay nang pagkakataon na maagaw ko ang bola mula dito.
"You're looking good today Arnold. Para bang may iba sayo ngayon." nagulat na lang ako nang bigla itong magsalita, samantalang noon naman ay hindi ako nito pinapansin.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong dito, para kasing may gustong ipahiwatig ito.
"Wala naman, para lang kasing may kakaiba sayo ngayon." sagot nito, nagulat na lang ako nang bigla itong magdrive at huli na nang mahabol ko ito dahil nakashoot na ito.
Sobra akong naguguluhan sa mga sinabi nito, hindi ko alam pero parang merong hindi magandang mangyayari, natatakot akong baka may kinalaman sa amin ni Jake ang kung anong alam nito, ngunit agad kong isinantabi ang bagay na iyon, dahil baka masyado lang akong nag-iisip.
Nagpatuloy ang laro hanggang sa umabot sa last twenty seconds, we're both tied at sixty, ball possession nang team ni Mike.
Sinubukan magshoot ni Mike, subalit mintis, aksidente pa nitong naapakan ang paa ko kaya ito nawalan ng balanse at tumumba.
Nakuha naman ni Larry ang rebound at agad iyong pinasa kay Ken for an easy two.
Matapos ang laro ay agad akong nilapitan ni Mike, galit na galit na hinawakan nito ang kuwelyo ng jersey ko.
"You will pay for this Arnold!" pagbabanta nito sa akin at matapos nga noon ay agad itong lumabas ng gym dala ang bag nito, nakasunod lang ang tingin ko dito hanggang sa makalabas na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit ba ang laki na lang nang galit nito sa akin.
Maliban sa insidente sa pagitan namin ni Mike ay naging maayos naman ang practice ng team. Nagdecide si coach na magkaroon uli kami ng practice bukas. Ang sunod kasi naming laban ay sa Wednesday.
Kakatapos lang nang practice nang makatanggap ako ng text message mula kay Jake, nagpapasalamat ito sa regalo kong cellphone and at the same time ay naiinis din ito dahil daw sa masyadong mahal ang binigay ko sa kanya. Imbes na patulan ang inis nito ay nagsend na lang ako ng smiley dito.
Sobrang pagod ako nang makauwi ako sa condo unit ko, at dahil sa pagod ay hindi ko na nagawang makaligo at makapagpalit.
Medyo late na nang magising ako kinabukasan, agad akong nagtext kay Jake para batiin ito at para sabihin na hindi kami puwedeng magkita ngayon dahil sa may practice na naman kami ngayong araw.
Matapos magtext ay agad akong kumain at nag-ayos, at nang matapos nga noon ay dumiretso na ako sa school at sa gymnasium.
Nagsimula agad ang practice ng team, ngunit hindi dumating si Mike, medyo pagod pa ang lahat dahil kakapractice lang namin kahapon, pero dahil desedidong manalo ay binigay pa din naman ang lahat, inabot din nang apat na oras ang practice naming iyon, nagtapos ang practice namin sa maikling pep talk ni coach.
"So guys I want everyone to take a rest, gusto kong may energy ang lahat sa susunod nating laban." pagtatapos nito at matapos nga noon ay natapos din ang practice ng team.
Gusto ko sanang daanan si Jake ngunit nagtext ito na sobrang daming guest ngayon at late na din itong makakauwi dahil may inventory pa ito hanggang twelve midnight.
Nalulungkot man ay minabuti ko na lang na umuwi na lang muna, sobrang pagod na din naman talaga ako.
Pinilit kong maligo kahit na nga ba kanina pa ako hinahatak nang kama ko, bago matulog ay nagtext muna ko kay Jake at matapos noon ay agad akong nakatulog.
Naging mahaba ang tulog ko nang gabing iyon kaya naman kahit paano ay nakabawi ako ng lakas nang magising kinabukasan, mas lalong akong nagkalakas nang mabasa ko ang mga text messages sa akin ni Jake. Nagtextback ako dito para batiin ito ng good morning at ipaalam dito na susunduin ko siya sa tinutuluyan niya.
Dali dali akong nag-ayos ng sarili ko at matapos nga noon ay dumiretso na ako kela Jake, sabay na kaming pumasok sa school.
Pagkarating namin sa school ay agad kong napansin na may para bang kakaiba sa mga taong nakakasalubong namin ni Jake, wala kasi ang usual na pagbati sa mga nakakasalubong ko na labis kong pinagtataka.
"Bakit parang kakaiba ang mga kinikilos ngayon ng mga tao?" narinig kong tanong ni Jake, mukhang maski ito ay napapansin din ang kakaibang kinikilos ng mga schoolmates namin.
Habang naglalakad papuntang tambayan namin ay hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga papel na hawak nang mga nadadaanan namin, napansin ko din na napapatingin sila sa amin ni Jake.
Naabutan namin na kumpleto ang mga kaibigan ko sa tambayan, ngunit laking pagtataka ko nang bigla na lang umalis si Larry nang makita ako.
"Anong problema nang isang iyon?" naguguluhan kong tanong kay Ken, imbes na sagutin ay inabot nito sa akin ang isang papel, kapareho iyon ng mga papel na hawak ng mga schoolmates namin, laking gulat ko nang makita ko ang laman non.
Isa pala iyong printed picture, larawan namin ni Jake sa parking lot nang gabing magtapat ako dito ng nararamdaman ko, larawan iyon kung saan ay naghahalikan kami ni Jake.
Minabuti kong ipagtapat na sa kanilang dalawa ang relasyon namin ni Jake. Ramdam ko ang panginginig ni Jake kaya naman hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito.
Ang buong akala ko talaga ay lalayo sila katulad ng ginawa ni Larry, ngunit mali ako dahil tinanggap nila ang relasyon namin ni Jake.
"By the way guys! I need to confess something. I'm gay." nagulat kami sa sinabing iyon ni Louie, mas lalo ang gulat sa mukha ni Ken, ngunit agad din iyong nawala nang malakas itong tumawa at halatang nagbibiro lang.
For some reason parang may nakita akong parang pag-asa sa mga mata ni Ken nang sinabi ni Louie na bakla siya, pero sandali lang iyon kaya naman naisip kong nagkakamali lang ako.
Agad naman kaming naghiwalay nang tumunog na ang bell, nagpaalam na din ako kay Jake matapos kong mareassure dito na magiging maayos ang lahat.
Kahit saan ako magpunta ay naririnig ko ang bulungan nang mga tao sa paligid ko, minabuti kong huwag na lang pansinin ang mga ito dahil unang una pa lang ay hindi ko talaga gustong itago ang relasyon namin ni Jake.
Sa paglalakad kong iyon ay napansin ko naman si Cassandra na abala sa pag-aabot ng printed copy nang larawan namin ni Jake, agad akong lumapit dito para kumprontahin ito.
Gusto ko lang naman siyang tanungi, pero mukhang naintimidate ito sa akin kaya kusa na din itong nagtapat na si Mike ang nag-utos dito.
Minabuti kong huwag na munang pasukan ang unang klase ko para hanapin at kausapin si Mike. Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito, kaya naman pala ganoon na lang ito makapag-usap nang huli kaming nagkita.
Sa paghahanap ko dito ay napadpad ako sa gymnasium, sakto naman nang mapansin kong papasok si Mike sa loob, agad ko siyang sinundan, wala akong balak makipag away dito dahil gusto ko lang makuha ang paliwanag nito.
"Mike alam kong ikaw ang nagpakalat ng larawan sa campus." salubong ko dito.
"Ako nga at sisiguraduhin kong masisira ang repustasyon mo sa school na ito. Sisiguraduhin ko ding babagsak ang pinakamamahal mong boyfriend!' puno nang asido nitong pagbabanta.
Wala akong pakialam kung sirain ako nito ngunit biglang nagpatig ang tenga ko nang marinig ko ang pagbabanta nito kay Jake, kaya naman hindi ako nakapagpigil at binigyan ito nang isang malakas na suntok sa panga na nagpabagsak dito.
"Gawin mo na ang gusto mong gawin sa akin, pero huwag na huwag mong makakanti si Jake! Tell me Mike! Bakit ganoon na lang ang galit mo sa akin, we're teammates for crying out lout!" asik ko dito.
"You really want to know? Dahil simula nang sumali ka sa team ay naitsapuwera na ako, it's always about you, you and you!" puno ng bitterness nitong sinabi.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago muling nagsalita, this time ay nabawasan ang galit ko dito.
"I'm sorry Mike kung iyon ang nararamdaman mo, pero ang totoo ay ikaw ang pinakahinahangaan ko sa team. I admire your dedication and passion in basketball. Kaya nga ikaw ang naging inspirasyon ko, but now...... sinira mo ang lahat ng iyon." pagkasabi non ay agad ko na itong iniwan.
Nakalabas na ako ng gymnasium nang may mapansin akong grupo nang mga estudyante na papuntang bakanteng lote, magpapatuloy na sana ako nang mapansin kong isa si Jake sa mga naroon. Bigla ang kabang naramdaman ko nang makita ko ito, agad akong sumunod sa mga ito.
Nagpatuloy ang pagsunod ko sa kanila hanggang sa tumigil sila sa paglalakad, laking gulat ko nang makita kong simulan nilang saktan ang taong pinakamamahal ko.
Habang sinasaktan ay kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi ng mga ito kay Jake.
"Jake!" sigaw ko habang dali daling lumapit sa mga ito.
Isa isa kong hinatak ang mga nananakit kay Jake, wala akong pakialam kung babae man iyon o lalaki.
Kita ko ang takot sa mga mata nito nang marealized nilang ako ang bagong dating, kung nakakamatay lang ang tingin ko ay siguro kanina pa sila nagsitumba.
"I love this man at kung sino man ang manakit sa taong mahal ko ay sisiguraduhin kong magbabayad." galit kong pagbabanta sa mga ito.
Tiwala ako na susunod sila sa gusto ko, paano ba't naging campus hero ako at sisiguraduhin ko talaga na magbabayad ang kung sino man manakit kay Jake.