-=Larry's Point of View=-
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa paparating na kaibigan ko, kasama niya ang....... Urgh! Pakiramdam ko ay masusuka ako nang malaman ko ang relasyon ni Arnold kay Jake. I despised all gays, to the point na gusto ko silang saktan lahat, at napakaironic na ang best friend ko ay bakla din pala.
Hindi ko alam kung paano ito haharapin kaya naman minabuti ko na lang na umiwas sa mga ito, mahirap na at baka may magawa pa akong hindi maganda.
Matagal na kaming magbestfriend ni Arnold, magbestfriend na kami since high school pa lang, ginagawa namin ang lahat nang magkasama, kaya naman hindi ko lubos maisip kung bakit ito nagkaganito.
I blamed Jake! Simula kasi nang dumating ito sa buhay naming magkakabarkada ay nakita ko na ang biglang pagbabago kay Arnold, noong una ay binalewala ko lang ang bagay na iyon, at inisip kong baka naaawa lang si Arnold kay Jake, ngunit maling mali pala ako.
Nagdecide akong umabsent sa una naming klase, kaklase ko kasi si Arnold sa Calculus at hindi ko pa kaya itong harapin. Nagtungo na lang ako sa bakanteng lote sa school, may puwesto kasi ako doon kung saan ako tumatambay kapag gusto kong mapag-isa.
I decided to play some music using my phone, nagsuot na din ako ng earphone para walang makaalam sa puwesto kong iyon.
Twenty minutes na din siguro ang nakakalipas nang may mapansin akong grupo ng mga estudyante na patungo sa bakanteng lote.
"Great! So much for my me time." naiiling na naibulalas ko, akma akong tatayo nang mapansin kong kasama nila si Jake, at base sa reaksyon ni Jake ay mabigat sa loob nito ang pagsama nito.
Nanaig ang curiosity ko kaya naman nanatili ako sa puwesto ko, wala pa din nakapansin na nandoon din ako. Laking gulat ko na lang nang simulang saktan ng mga ito si Jake. Oo naasar ako kay Jake dahil naniniwala akong ito ang may sala kung bakit naging ganoon si Arnold, pero hindi ko din kaya na may makitang sinasaktan nang walang kalaban laban.
I was about to stand up to help, when I saw Arnold rushing to his side. Agad niyang prinotektahan si Jake. I can see the love in Arnold's face para kay Jake at ganoon din si Jake dito.
"I love this man at kung sino man ang manakit sa taong mahal ko ay sisiguraduhin kong magbabayad." narinig kong sinabi nito, habang buhat buhat palayo si Jake, muli ay nanariwa ang galit ko nang maalala ko ang larawan nilang dalawa kanina.
Galit ako sa mga lalaking pumapatol sa kapwa nila lalaki, galit ako kay Jake Angelo for polluting my best friend's mind, galit ako kay Arnold for falling in love with a man at galit ako sa Dad ko.
Pinilit kong kalimutan ang tungkol kay dad, lalo na't nangako ako kay Mommy na hinding hindi na ako magpapaapekto nang iwan niya kami.
Tuluyan na akong nawalan nang ganang pumasok, kaya naman minabuti ko na lang na umuwi na lang, agad kong pinaharurot ang black BMW, palayo sa lugar na iyon.
"Larry anak, bakit ang aga mo atang umuwi?" tanong sa akin ni Mom nang makarating ako sa bahay, abala ito sa pagdidilig ng halaman nito, halata sa itsura nito ang pinagdaanang paghihirap nang mawala si Daddy.
"Maaga po kasing nagdismiss ng mga klase." pagsisinungaling ko dito, iniwas ko na din ang tingin ko dito.
"Ah ganoon ba, sige pumasok ka na muna, ipaghahanda kita nang almusal." akma nitong papatayin ang hawak na hose nang pigilan ko ito.
"Ok lang po ako, medyo busog pa ako, baka hindi na din po muna ako maglunch." pagtanggi ko dito, at matapos noon ay dumiretso na ako sa kuwarto ko.
Dali-dali akong pumasok sa kuwarto at matapos ilock ang pinto ay saka ko naman nilabas ang mga gamit ko sa pagpipinta. Inilabas ko ang lahat nang nararamdaman ko sa pagpipinta, maski man doon ay mailabas ko ang totoong nararamdaman ko., kailangan ko kasing mag-ingat ng dahil kay Mom.
Earlier I felt so betrayed, at dahil iyon sa nalaman ko kay Arnold, pero dahil sa ginagawa ko ay unti unting gumagaan ang loob ko, as if painting brings peace inside me.
Hindi ko na namalayan ang oras, ganito kasi talaga ako kapag nagpipinta, para bang nalilimutan ko ang lahat nang bagay, natigil lang ako nang marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto na sinundan nang boses ni Mom.
"Larry tama na muna yan, kain na muna tayo ng hapunan, hindi ka din nag lunch." narinig kong sinabi nito, at matapos nga noon ay umalis din ito.
Minabuti kong itigil muna ang ginagawa ko, matapos takpan nang tela ang painting ko ay sumunod na din ako dito, tahimik lang kami habang kumakain.
"Kamusta naman ang school mo?" nakangiti nitong tanong, na para bang wala itong iniinda, kahit na nga ba alam kong nasasaktan pa din ito hanggang ngayon.
"Ok naman po, medyo naging busy lang sa basketball." walang kabuhay buhay kong sagot.
"I see.... pero huwag mo naman masyadong aabusuhin ang sarili mo. Oo nga pala bakit hindi mo invite ang mga kaibigan mo dito, ang best friend mo, si Arnold?' tanong nito, sa narinig ay tila ko nanigas nang marinig ko ang pangalan ni Arnold, ngunit pinilit kong huwag magpahalata dito.
"Busy po silang lahat ngayon." sagot ko naman, kapansin pansin ang pangangayayat ni Mommy simula nang iwan kami ni Dad.
Matapos kumain ay agad akong bumalik sa kuwarto para ituloy ang pagpipinta.
Lumipas ang ilang araw na hindi pa din ako pumapasok, hindi pa din kasi ako handa na makita at makausap sila.
Patuloy sa pagtawag sa akin nila Louie at Ken, at hindi ako nag-abalang sagutin ang mga tawag nila hanggang sa tuluyan nang malowbat ang phone ko.
Apat na araw na akong absent nang dalawin ako nila Ken at Louie, at kahit anong pilit nang dalawa ay hindi nila ako napilit na lumabas ng kuwarto, kahit anong gawin nila ay hindi ako natinag hanggang sa sila na mismo ang sumuko at umalis.
Nasa pangalawang painting na ako nang makita ko si Arnold na tahimik na pumasok sa kuwarto ko, seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin, minabuti kong huwag na lang pansinin ito at magpatuloy na lang sa pagpipinta.
"Larry we really need to talk." seryoso pa din nitong sinabi.
"Wala tayong kailangan pag-usapan Arnold, kaya maari ka nang umalis." malamig kong sagot dito, pilit kong nilalabanan ang galit sa dibdib ko.
"Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nagkakausap." pagmamatigas nito.
Hinayaan ko na lang siya at ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko nang walang ano ano ay basta na lang nito inagaw sa akin ang hawak kong brush.
Sa galit ay agad kong siyang sinuktok sa mukha na kinatumba nito, hindi naman nagtagal at bumangon ito at ito naman ang nagpakawala nang malakas na suntok na kumonekta sa panga ko, palita lang kami nang suntok, ni isa sa amin ay walang gustong sumuko, hanggang sa pareho naming naramdaman ang pagod at sakit at sabay kaming napahiga sa sahig ng kuwarto ko.
Habol-habol namin ang mga hininga namin mula sa naging pag-aaway naming iyon, ilang sandali lang ay namalayan ko na lang ang biglang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Narinig ko na lang ang malalim na paghinga ni Arnold at namalayan ko na lang na umupo na pala ito sa tabi ko.
"I'm sorry Larry kung hindi ko man agad nasabi sayo ang totoo." mahina nitong sinabi, naramdaman ko pa ang kamay nito na
humahagod sa buhok ko.
Agad kong tinabig ang kamay at agad itong hinarap. "Bakit Arnold? Bakit ka pumatol sa isang lalaki?" napapailing kong tanong dito.
"Hindi ko din alam Larry, basta naramdaman ko na lang nahuhulog na ako kay Jake, and the next thing I know I already fallen in love with him." nakita ko ang katapatan sa mga mata ni Arnold ng sinabi iyon.
"But you're the straightest guy I know, dati basta nakapalda ay pinapatulan mo." seryoso kong sinabi dito, nagulat na lang ako nang bigla itong matawa sa sinabi, natawa na din ako nang marealized ko ang sinabi ko dito. Kahit paano ay nabawasan ang tensyon sa pagitan namin.
Sandali din kaming nagtawanan, bago bumalik sa pagiging seryoso.
"What happened Larry, kilala kita kaya alam kong may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" muli itong sumeryoso, patuloy ito sa matiim na pagtitig sa akin.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago simulan sagutin ang tanong nito.
"Alam mo na nang iniwan kami ni Dad, pero ang hindi ko nasabi sayo ay iniwan niya kami para makasama niya ang lalaki niya, he left his family to be with a man." pagtatapat ko dito, kitang kita ko naman ang gulat sa mukha nito sa narinig.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas ang lahat ng sama ng loob na pilit kong tinatago sa dibdib ko, tahimik lang ito habang nakikinig sa lahat ng sinasabi ko, hanggang tuluyan na akong matapos.
"Alam kong mahirap at masakit ang pinagdadaanan niyo ni Tita, pero lagi mong tatandaan lagi ako nandito para sayo, hinding hindi kita iiwan." pangako nito at ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito.
"Aw, hindi kaya kita type!" biro ko dito.
"F.U!" sigaw naman nito, at nang araw na iyon ay natanggap ko na din sa wakas si Arnold, pero kahit ganoon ay hindi ibig sabihin non ay nawala na ang galit ko sa mga bakla.
Kinabukasan ay nagdecide na akong pumasok, kitang kita ko naman ang tuwa nang mga kaibigan ko nang sa wakas ay pumasok na ako.
"Tara na nga, kayo talaga." ang natatawa ko na lang na sinabi sa mga ito, paalis na sana kami nang may mapansin akong isang lalaki na nakatingin sa akin, papalapit ito sa puwesto namin, kaya naman minabuti kong hintayin ito.
"May kailangan ka ba?" tanong ko dito, napahinto naman ang mga kaibigan ko nang marinig akong magsalita.
"Larry Samonte. I love you." laking gulat ko nang bigla itong magtapat nang pag-ibig.
Sandaling nablangko ang isip ko bago nagregister sa akin ang sinabi nito, agad naman parang nanglaki ang ulo ko, akma ko itong susuntukin nang mapigilan ako ng mga kaibigan ko.
"Bitawan niyo nga ako, bibigya ko lang nang leksyon ang taong ito!" galit na galit kong sinabi, pilit akong kumakawala sa mga ito, pero hindi nagtagumpay.
Mas lalo atang nag-init ang ulo nang hindi ko man lang makitaan nang takot ito bagkuhas ay nakangiti pa ito nang lumayo sa amin.
"Ang kapal naman nang mukha ng baklang iyon. I will never ever fall in love with a man." sigurado kong sinabi sa sarili.