CHAPTER TWELVE : Blame It On Me

1524 Words
-=Arnold's Point of View=- Hindi pa din ako makapaniwala sa gusto nitong mangyari, sa buong duration na magkasama kami nito buong akala ko talaga binaba na nito ang depensang nakapalibot dito, iyon naman pala ang hindi pa din nawawala sa isip nito na tuluyan akong lumayo dito. Matiim naman akong nakatingin sa walang kaemosyon emosyon nitong mukha, gusto ko kasing makakita nang kaunting pag-asa, umaasa akong makita kong magbabago pa ang desisyon nito. Akma itong bababa na nang awtomatiko namang kumilos ang kamay ko para pigilan siyang makababa, hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot na kapag hinayaan ko siyang umalis ay tuluyan na itong mawawala sa akin. "So ibig ba nitong sabihin ay nagpapanggap ka lang na naeenjoy mo ang pamamasyal natin kanina, at kaya ka pumayag sa gusto ko ay umaasa kang lalayo ako talaga sayo?" hindi ko pa din mapaniwalaang tanong dito. "No Arnold, totoong na enjoy ko ang pamamasyal nating iyon, pero desidido na talaga ako." malamig pa nitong sagot sa akin. Sobrang lalim nang ginawa kong paghinga, sobra kasing pagpipigil ang ginawa ko para hindi umalpas ang inis na nararamdaman ko, ramdam ko na din na ilang minuto na lang ay sasaboh na talaga ako. "Nangako ka sa akin Arnold. Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mong iyon." pagpapatuloy nito, mas lalong nagpatig ang tenga sa kasunod nitong sinabi. "It's for the best, believe me." doon na sumabog ang nararamdaman ko. "That's bullshit Jake! Paanong for the best ang gusto mong mangyari?!" hindi ko na napigilan mapamura sa huling sinabi nito, halata naman na nabigla ito sa sudden outburst ko, kaya naman huminga ako ng malalim para pakalmahin ko ang damdamin ko, ayoko naman na matakot ito sa akin. "Magkaibang-magkaiba tayo Arnold at alam ko naman kung saan ako dapat lumugar, kaya nga dapat mo na akong layuan." saka lang narealized kung anong pinanggagalingan nito. "Jake believe me when I say na simpleng tao lang ako, katulad lang ako ng iba, gusto kong makipagkaibigan kagaya ng iba, gusto kong makipagkaibigan sayo." paliwanag ko dito. "I'm sorry Arnold, pero gaya nang sinabi ko sayo ay buo na ang desisyon ko." mapait itong napangiti habang sinasabi ang bagay na iyon, hinatak naman nito ang brasong hawak ko pa. "Alam mo ba kung ano ang hindi ko naiintindihan?" nakatingin ako sa likod nito, natigilan naman ito sa tuluyan nitong pagbaba sa kotse. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka tumatakbo sa isang bagay na alam naman nating pareho na gusto mo?" litong lito na ako dahil kahit ano pang sabihin niyo ay alam ko at nararamdaman ko na gusto ako nitong maging kaibigan. "Mali ka sa iniisip mo Arnold, hindi lahat ng bagay ay tungkol sa iyo, desisyon ko na layuan ka." umiiling pa din nitong sagot. "Alam mo kung ano ka Jake? Isa kang duwag, duwag ka Jake!" sagot ko naman dito. Sa wakas ay humarap din ito sa akin, at natigilan naman ako nang makita ko ang mga luhang malayang dumadaloy sa mga mata nito. "Tama ka Arnold, duwag ako, natatakot akong maging dahilan nang kapahamakan mo, lahat ng tao na gustong makipaglapit sa akin ay laging napapahamak, muntik ka nang matanggal sa school dahil sa pagtulong mo sa akin at hindi ko na kayang madamay ka pa sa kamalasan na meron sa akin." patuloy na lumuluha nitong paliwanag. Hinayaan ko muna itong ilabas ang lahat ng sama ng loob nito, alam kong matagal niyang kinimkim ang nararamdaman nito. Matapos ang ilang minuto at nang makita kong kahit paano ay humupa na ang emosyon nito ay saka ako muling nagsalita. "Baka nakakalimutan mo din na kung hindi dahil sayo ay tuluyan na akong mapapatalsik sa school, alam kong mahirap sayo na ikuwento kay chancellor ang nangyari sayo, pero ginawa mo iyon para sa akin." pagpapaalala ko sa ginawa nito.  "At baka nakakalimutan mo din na ako ang dahilan kung bakit ka napunta sa ganoong sitwasyon. Ako ang may kasalanan non." hindi pa din nito matanggap ang sinabi ko. Tuluyan nang nawala ang inis o galit na nararamdaman ko, lalo na't alam ko na ang tunay na dahilan nito. Patuloy nitong sinisisi ang sarili sa nangyari sa akin na hindi dapat. "Listen carefully Jake. Please don't blame yourself, biktima ka lang. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa isang bagay na ibang tao ang nagpasya. I made my decision when I decided to save you, walang pumilit sa kin na gawin iyon, at kung may mangyari man sa akin na masama, hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa sarili kong desisyon." nakangiti kong paliwanag habang marahan na pinupunasan ang mga luha sa magkabila nitong mga mata.  Halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang magiging desisyon nito, kaya naman sobrang relief ang naramdaman ko nang sa wakas ay tumango na ito. Napalitan ang kabang nararamdaman ko ng hindi ko maipaliwanag na labis na kaligayahan. "So ang ibig bang sabihin nito, magkaibigan na tayo?" ngingiti ngiti kong tanong dito. "Oo." nahihiya pa nitong sagot, isang salitang nagpalundag sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero hinayaan ko na lang dahil ang mahalaga ay masaya ako. Inimbitahan naman ako nito sa kuwarto nito, mabuti na lang at wala ang roommate nito, madami akong nalaman dito habang nagkukuwentuhan kami. "Taga-Davao ka pala. Nandoon ba ang mga magulang mo ngayon?" tanong ko dito, magkatabi kami sa kama nito. "Uhmmm actually, matagal nang patay si Nanay, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala, hanggang sa nag asawa uli si Nanay." malungkot nitong paliwanag. "Sorry." sagot ko naman. "Hindi ok lang, sobrang matagal na din naman iyon." nakangiti na nitong sinabi. "So ang natitira mo na lang na kamag-anak ay ang stepfather mo?" muling tanong ko dito. "Ummm oo siya na lang, pero tama ang tungkol sa akin, gusto ko naman malaman ang tungkol sayo." hindi ako sigurado, pero parang ayaw niyang mapag-usapan ang amainn. "My Dad passed away when I was just ten years old, at mula nga noon ay si Mommy na lang ang kasa kasama ko sa buhay, si Mommy na din ang naghandle ng business na naiwan ni Dad." kuwento ko dito. Hindi na namin namalayan ang oras, hindi pa matatapos ang pagkukuwentuhan namin kung hindi pa pumasok ang roommate ni Jake, nakalimutan ko na kung anong pangalan nito. "Jonas nandiyan ka na pala, si Arnold nga pala, kaibigan ko." pagpapakilala nito sa akin sa bagong dating. "We already met, nagpunta siya kanina or rather yesterday." pagbabago nito ng sinabi ng mareazlied nito ang oras. "Sorry nga pala kung nagising kita kahapon." paghingi naman ng paumanhin dito.  "Walang problema doon." sagot nito, kumuha lang ito nang gamit at agad na itong pumasok sa banyo. Minabuti ko nang magpaalam kay Jake dahil baka makaistorbo pa kami sa roommate nito kung magtatagal pa ako. Maliban pa doon ay may pasok pa ito mamaya. "Maraming salamat uli Arnold." hinatid pa ako nito sa kotse ko. "Walang anuman at masaya ako na naging kaibigan na kita." nahihiya kong sagot dito. Nakangiti lang itong tumango, wala na ang pait na nakikita ko sa mukha nito noon. Habang nagmamaneho ay hindi ko na naman napigilan ang mapangiti, sobrang saya nang mga nangyari ngayong araw este kahapon. Hindi ko maintindihan ang sobrang kagustuhan kong maging kaibigan ito, basta nakakaramdam ako ng certain fondness dito at isang emosyon na hindi ko mabigyan nang pangalan, basta ang sigurado ako ay masaya ako sa nangyari. Mabilisan lang akong naligo ang nagtoothbrush at matapos ngang makapagsuot nag boxer shorts ay agad na akong humiga. Kinuha ko naman ang laruan sa gilid ng kama ko at agad iyong tinignan, at wala sa sariling kinausap iyon. "Sa wakas pumayag na ang amo mo na maging magkaibigan kami, and for your information hindi iyon naging madali." natatawa kong sinabi. Nagpabaling baling ako sa kama ko dahil hindi ako dalawin ng antok, gising na gising pa kasi ang diwa ko, kaya naman nagdecide akong bumangon na lang at kinuha ang Mac computer ko. I logged in to my social media account and saw some messages, meron akong nakitang message mula kay Louie, inimbitahan pala ako nitong magbar at dahil hindi ko ito nacheck kanina ay hindi ko ito nagreplayan, sinabi ko na lang na busy ako at kasama ko si Mom. Bigla naman akong napaisip nang marealized kong hindi ako kinocontact ng best friend ko na si Larry, medyo weird lang kasi dahil noon contact ito ng contact sa akin, bigla ko tuloy naalala ang kakaiba nitong kinikilos. Bigla naman akong natigilan nang maalala kong hindi ko pala natanong kay Jake kung meron ba siyang f*******: account. Kaya naman dali dali kong sinearch ang pangalan nito. May lumabas naman na mga kapangalan nito, pero ni isa sa mga iyon ay ang account ni Jake, hindi nga ako sigurado kung meron bang social media account si Jake. "Bukas na nga lang." ang sinabi ko matapos ang paghahanap ko ng halos isang oras, bumalik na ako sa pagkakahiga. "Basta bukas kailangan kong malaman kung meron siyang facebook." ang sigurado kong sinabi sa sarili. Sunday na ngayon kaya walang pasok, nagdecide akong puntahan ito sa trabaho nito mamaya and with that ay agad na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD