CHAPTER ELEVEN: Like a Kid

1642 Words
-=Jake's Point of View=- Hindi naman ako makapaniwala sa kakulitan ng taong ito, sobrang kasi itong persistent at talagang tinotoo ang paghihintay sa paglabas ko. At dahil ayokong magpatalo dito ay nagdecide akong mag stay pa sa store kahit na nga ba three pm na. Makikipagtigasan talaga ako dito. "Jake bakit nandito ka pa? Out ninyo na ng three ah." tanong ni Ma'am Rose nang mapansin nitong abala ako sa paglilinis ng salamin sa labas. "Tinatapos ko lang po ito Ma'am, saka po gusto ko pa pong matuto pa nang mga dapat kong gawin." pagdadahilan ko naman dito, mukhang naniwala naman ito at mukha pa ngang nagustuhan nito ang sagot ko base sa reaksyon nito, kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit ayaw ko pang umuwi. Gusto ko talagang makita kung gaano tatagal si Arnold sa paghihintay sa akin, knowing Arnold hindi ito sanay na pinaghihintay ito. Bandang alas cinco nang magdecide na akong mag logout, two hours din ang ginugol ko sa store, sayang nga lang at hindi talaga puwedeng bayaran, wala din naman akong karapatan magreklamo dahil ginusto ko to. Nagpalit lang ako ng suot kong uniform sa suot ko kanina nang pumasok ako, at agad na din akong umalis matapos magpaalam sa mga kasamahan ko at kay Ma'am Rose. Hindi ko naman maiwasang hindi gumala ang mga mata ko, mangilan ngila na lang din ang tao sa store kaya naman hinding naging mahirap sa akin libutin iyon, may kaunting panghihinayang sa puso ko nang hindi ko na makita si Arnold sa loob. "Mabuti ngang umalis na siya." sa loob loob ko, matapos maipacheck ang dala kong bag sa security guard ay agad na din akong lumabas ng store. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang makita ko si Arnold na naghihintay sa tapat ng Dunkin Donuts. Ang buong akala ko kasi ay talagang umalis na ito. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon, nakangiti ito nang malapad habang nakatingin sa akin, hindi ko tuloy maiwasang hindi ito hangaan. Agad ko naman pinigilan ang sarili ko, nakakunot noo at magkasalubong ang dalawang kilay ko nang salubungin ko ito. "Sobrang kulit mo talaga no?" asik ko naman dit, ngunit imbes na maapektuhan ay sinuklian lang niya ang pagsusungit kong isang ngiti. "Madami dami nga ang nagsasabi na sobrang kulit at sobrang tigas ng ulo ko, pero sabi din nila sobrang cute ko daw." biro naman nito na hindi ko sinakyan. Sinubukan kong lagpasan siya, binilisan ko pa nga ang paglalakad ko, ngunit mas lalo din binilinsan ni Arnold ang paglalakad. "So, handa ka na ba sa lakad natin?" tanong nito, at talagang hindi ito naaapektuhan sa mga pagsusungit ko. Sinubukan ko talagang huwag itong pansinin pero paulit ulit ito sa tanong nito kung handa na ba ako sa lakad namin. "Huwag mo na lang pansinin yan Jake, magsasawa din yan." paulit ulit ko naman bulong sa sarili ko, hindi ko maiwasang hindi mainis dahil ang layo kasi ng sakayan. Matapos ang sampung minuto nang kakatanong nito kung handa na ba ako sa gala namin, ay bigla akong huminto sa paglalakad at ganoon din ito. Bigla naman ang pag-asa sa mga mata nito. "Gaano katagal mo ba akong kukulitin sa paulit ulit mong tanong?" naiirita kong tanong dito, sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakulitan nito. "Hanggang sa mapapayag kitang mamasyal, kesehodang umabot tayo sa boarding house ninyo." nakangiti na naman nitong sagot. Isang malalim na paghinga ang ginawa bago seryosong tumingin dito. "Ok fine! Ito na ang una't huling beses na sasamahan kita, at ipangako mo na hinding hindi mo na ako guguluhin pa." sinabi ko dito. Napailing naman ako sa ginawa nitong pag-iisip, na para bang life changing ang tanong ko dito. "Ok! Deal!" masaya nitong sagot sa akin, nakikita kong sobra itong excited sa gala namin. Bumalik na kami sa mall, nandoon daw kasi ang kotse nito, agad naman itong dumiretso sa itim na kotse nito at masasabi kong may kamahalan ang kotse nito. "Typical rich kid." sa loob loob ko, mas lalo tuloy akong naiilang sa estado ng buhay namin. Naging kumportable naman ang biyahe naming iyon, minabuti kong manahimik na lang, ilang beses ko din nahuhuli itong napapatingin ito sa akin mula sa salamin sa taas nito. Matagal-tagal din ang namayaning katahimikan sa pagitan namin hanggang sa hindi ko na kinaya at ako na ang unang bumasag noon. "Saan mo ba talaga ako balak dalhin?" walang emosyon kong tanong dito. "Secret! It's going to be a surprise." sagot naman nito, mas lalo kong nakita ang excitement na nararamdaman nito. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang makaramdam ng antok, masyado kasing kumportable sa kotse nito maliban pa doon ay naramdaman ko na ang pagod sa trabaho ko kanina. minabuti kong umidlip na muna. Pakiramdam ko ay kakatulog ko lang nang maramdaman ko ang banayad na pag-uga sa akin ni Arnold sa balikat ko. Saka ko lang napansin na nakapark na pala ang sasakyan nito at hindi kalayuan ay may isang istatwa ng tila wizard. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi naman talagaa ako nakakalabas at nakakapamasyal simula ng lumuwas ako mula Davao. Sa totoo lang ay inaasahan kong nasa bar kami kasi base sa status nito ay inaasahan kong isa itong party goer type of guy. "Nasaan tayo?" tanong ko naman dito habang nililibot ang paningin ko sa paligid. "Surpirse! We're here in Enchanted Kingdom!" excited nitong pagpapaalam sa akin. Narinig ko na ang lugar na ito sa mga classmates ko noong high school, madalas nilang pinag-uusapan ang amusement park na ito. At since outcast lang ako ay pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa palihim na pakikinig sa kanila. Hindi pa din ako makapaniwala na sa wakas ay nakarating na din ako sa lugar na ito, matapos magbayad ni Arnold ng ticket namin ay sabay na kaming pumasok sa loob. Ilang rides lang ang puwede naming sakyan dahil anong oras na din naman kaming dumating doon. How I really wish na madami akong mga mata dahil sa dami nang makikita sa lugar na iyon, nakakatuwa kasing makita ang mga rides, meron ding mga nakacostume nang pirates at zombies na nagpeperform. Hindi ko napigilan ang ngiting lumabas sa bibig ko na hindi ko namalayan. huli na nang marealized ko iyon dahil nakita na iyon ni Arnold. Minabuti kong huwag nang magpanggap sa harap nito. "Takot ka ba sa heights?" narinig kong tanong nito. "Wala naman, bakit anong meron?" balik tanong ko dito. Hindi naman ako nito sinagot at basta na lang ako hinatak sa nabasa kong space shuttle, may kahabaan ang pila ng ride na iyon, kaya inabot din kami ng isang oras sa paghihintay, hanggang sa dumating ang turn namin na sumakay. Magkatabi kami nito sa ride na iyon, kahit wala naman akong takot sa heights ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam na bahagyang nerbiyos na marahil ay naramdaman ni Arnold. "Don't worry kasama mo ako, hinding hindi kita pababayaan." pangako nito, hindi na ako nakapagreact nang basta na lang nito hawakan ang kamay ko na para bang natural lang ang bagay na iyon. Hindi ko alam pero ngayong kasama ko ito ay nagiging panatag ang loob ko. Magpapasalamat na sana ako dito nang agad namang umandar ang ride, mas lalo tuloy napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito. Talaga palang nakakatakot ang ride na iyon, and at the same time ay naenjoy ko ang ilang minutong pagsakat doon. Noong una ay pinigilan kong mapasigawa, ngunit nang marinig kong sumisigaw na din si Arnold ay hindi na ako nagpanggap pa at nakisabay na din ako sa pagsigaw. Matapos ang ride ay para kaming mga sira na nagngingitian sa isa't isa. "Ang saya naman noon." parang bata ang pakiramdam ko dahil ngayon ko lang maexperience sumakay ng ride na iyon. "Yep, pero marami pa tayong rides na sasakyan, well hanggang magsarado ang park na to." nakangiti naman nitong sagot. Sunod sunod naman naming sinakyan ang Disc O magic, realto at ang panghuli ay ang anchors away, matapos nga noon ay kumain na kami ng dinner. Hinayaan ko itong mag order ng box ng pizza at pumuwesto na sa bakanteng mesa sa food park na naroon. Bumili din kami ng mango graham shake na pareho naming nagustuhan. "I really hope your enjoying your time with me." kita ko naman ang pag-aalinlangan sa mga mata nito nang tanungin iyon. Isang totong ngiti ang nanilay sa mga labi ko ng tumango ako, kitang kita ko naman kung paano niya iyon kinatuwa. Inubos na lang namin ang oras namin sa pamamasyal dahil malapit lapit na ding magsarado ang theme park. Habang naglalakad ay naisipan na din naming bumili ng souvenir, at matapos noon ay masama naming pinagmamasdan ang fireworks. Sobra kong naenjoy ang pamamasyal naming iyon, at dapat kong ipagpasalamat iyon kay Arnold, pero alam ko naman na kailangan ko nag bumalik sa realidad. Late na nang makarating kami sa tinutuluyan ko, hinatid na din kasi ako nito doon. "Nag-enjoy ka ba?" muli nitong tanong sa akin, hindi halata ang pagod nito dahil sa kasiyahan na nakaguhit sa guwapo nitong mukha. "Sobra, kaya maraming salamat sa pag iimbita mo sa akin na mamasyal sa lugar na iyon." tapt kong tugon dito. "Mabuti naman kung ganoon, don't worry madami pa akong magandang pagdadalhan sayo, for sure maeenjoy mo din ang mga pupuntahan pa natin." pangako naman niya, bigla akong napailing sa sinabi niyang iyon. "Tungkol sa bagay na iyan, sana ito na ang huli mong paglapit sa akin." bigla naman akong naging seryoso habang sinasabi ang bagay na iyon, pinilit kong itago ang sakit na nagsisimulang mamuo sa dibdib ko. Halata ang pagkagulat sa reaksyon nito, hindi marahil nito inaasahan ang sasabihin kong iyon. Sa isip-isip ko ay mabuti nang matapos ang kung anong meron kami, masaya na ako na naexperience kong maging masaya kasama ito na siyang babaunin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD