CHAPTER TEN: Operation Friendship

2051 Words
-=Arnold's Point of View=- "What a bright morning!" ang nakangiti kong naibulalas, the sun i shiny, the birds are singing and everything seems to be perfect. Bigla ko tuloy naalala ang commercial ng Nescafe, iyon bang may babaeng kumakanta, napapailing na lang ako sa mga nararamdaman ko ngayon. Tinext ko naman ang lahat ng nasa contact list ko, including my mom with a "Hi good morning, have a great day ahead." na first time kong ginawa. Ilang sandali nga lang ay nakatanggap naman ako ng fifteen replies sa mga napadaan ko ng group message, halos lahat ng mga ito ay nawiweirduhan sakin dahil hindi nga ako ganoon klaseng tao, I'm not the cheesy type of guy.  Sabado ngayon at wala akong pasok, kung noon ay tanghali na ako nagigising, dahil wala naman akong kailangan gawin at maliban pa doon ay madalas akong gumigimik tuwing Friday night, iba ang araw na ito. Maaga akong gumising dahil ngayon ko sisimulan ang "Operation Friendship" ko. See? Nagiging corny na talaga ako. May pa operation friendship pa akong naiisip, imagine kapag nalaman ng ibang tao na si Arnold Saavedra ay may paoperation friendship na naiisip. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit ba masyado kong pinagkakaabalahan si Jake para maging kaibigan ko. "Naawa lang kasi ako sa kanya, yes that's it." ang naisip ko naman na dahilan. Oo nga naawa lang ako. Nagdecide kasi akong puntahan ito sa tinutuluyan nito para ayaing mamasyal, nalaman ko kasing bagong salta lang ito sa Metro Manila at malamang sa malamang ay hindi pa ito masyadong nakakapamasyal. Ilang beses din akong nagpapalit palit ng susuotin ko nang araw na iyon, hanggang napili kong ang white polo shirt na medyo fitted and a skinny jeans na tinernuhan ko naman ng blue chuck taylor. Siyempre hindi din mawawala ang aviator shades ko. Muli ay sinipat ko ang sarili ko sa salamin sa kuwarto, at matapos masatisfied sa nakita ay agad na akong sumakay sa black audi ko, minabuti kong huwag munang magbike at gamitin naman ang isa sa mga kotse ko. Habang nagmamaneho ay prinapractice ko na ang alibi na sasabihin pagkadating ko sa tinutuluyan nito. Ayoko naman kasing isipin nito na nagdadahilan lang ako at gusto ko lang siyang makasamang mamasyal. Scenarios in my mind: Scenario #1: "Hi Jake it's actually my birthday, do you want to go out and celebrate my birthday with me?" Scenario #2: "Jake I'm so sad, I think babagsak ako sa Calculus." Scenario #3: "Jake kung ayaw mong manggulo ako dito, sasamahan mo akong gumimik!" Napapailing na lang at ako at natatawa sa mga naiisip kong alibi na pumapasok sa isip ko lalo na sa huling alibi na naisip ko. Kung makikita at mababasa lang ng mga kakilala ko ang nasa isip ko ngayon ay malamang sa malamang maisip nilang maluwag na ang turnilyo ko sa ulo. Inabot din siguro ng mga thirty minutes bago ako makarating sa tinutuluyang bed space ni Jake. Kapansin pansin kung gaano kalively ang lugar na iyon kumpara sa kung saan ako nakatira. Mula sa mga batang naglalaro ng patintero sa kalsada, hanggang sa mga tambay na agad umiinom ng gin bulag ata iyon kahit sobrang aga pa lang, hanggang sa mga Nanay na abalang abala sa pagtsitsismisan habang hawak pa ang mga sanggol nila. Agad naman nanilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang mga bagay na iyon, bago kasi sa paningin ko ang mga nakikita ko ngayon, talagang malayong malayo sa nakasanayan ko. Pinarada ko ang kotse ko two blocks from Jake's place, minabuti ko kasing lakarin na lang iyon, maliban pa doon ay ayokong makaistorbo sa mga taong nakatambay doon. "Mare artista ba iyon?" narinig ko na lang na tanong nang isang matandang babae na naglalaba sa bandang poso sa kasama nitong kumare. "Hindi ko alam mare, pero sobrang guwapo!" tila naman na kinikilig na sagot ng kasama nito. Napangiti na lang ako sa mga naririnig ko mula dito, nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan ni Jake, ngunit ilang dipa mula sa pintuan ay bigla akong napatigil. "s**t! Paano kung lalo siyang magalit sa akin?" ang bigla kong naisip, hindi ko tuloy maiwasang hindi magpanic sa magiging reaksyon ni Jake. Bigla tuloy nagtalo ang dalawang isip ko kung tutuloy ba ako o hindi, para tuloy akong sira ulong urong sulong.  "Don't be a sissy Arnold, be a man!" kastigo ko sa sarili. Mas nanaig ang kagustuhan kong maging kaibigan ito kaya naman nagpatuloy na ako.  Base sa pagkakatanda ko ay nasa second floor ang kuwartong tinutuluyan ni Jake, kaya naman umakyat pa ako sa hagdan na nasa gilid na bahagi ng building na iyon. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko hanggang sa magkalakas ako ng loob na kumatok, hinanda ko na din ang boyish smile ko just in case. Ilang sandali lang ay may narinig akong yabag ng pinto at matapos nga noon ay may nagbukas na ng pinto, ngunit bigla naman nawala ang ngiti kong iyon, nang hindi si Jake ang magbukas ng pinto. "Uhmmm.... nandiyan ba si Jake?" tanong ko dito, isang lalaking nasa early twenties ang nagbukas ng pinto, halatang bagong gising ito na tanging boxer shorts lang ang suot, pupungas pungas pa nga ito. "Wala siya dito, hindi ko alam kung saan nagpunta. Tanungin mo na lang si Aling Helen." sagot naman nito, ngunit bago ko pa man maitanong kung nasaan si Aling Helen ay agad ako nitong sinaraduhan ng pinto. Kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko nang makita ko ang lalaking roommate ni Jake. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ba ang totoong relasyon ni Jake dito, saka lang naputol ang pag-iisip kong iyon nang makarinig naman yabag sa babae, dali dali akong bumaba ang nakita ang isang may katandaang babae na may dala dalng basket na may laman ng gulay at isda. "Magandang umaga po, kayo po ba si Aling Helen?" magalang kong tanong dito, bigla naman itong natameme nang makita ako. "Oo ako nga hijo. Anong maipaglilingkod ko sayo?" sagot naman nito. "Hinahanap ko po kasi si Jake at ang sabi sa akin ay may pinuntahan daw po. Gusto ko lang po sanang malaman kung saan siya nagpunta?" muling tanong ko dito. "Ahhh kaibigan ka ba ni Jake? Kanina pa umalis pumasok na kasi sa trabaho, sa Mcdonald's ata, sa SM North." sagot naman nito, bigla naman akong napangiti sa unang sinabi nito na kaibigan ko si Jake. See? Sobrang babaw ko talaga. Minabuti ko nang umalis matapos magpasalamat dito, paalis na sana ako nang bigla akong may naisip itanong dito, gusto ko lang kasing mapanatag. "Uhmm..... nga po pala, sino po iyong lalaki sa kuwarto ni Jake?" naiilang kong tanong dito, ayoko naman kasing isipin nito na masyado akong pakialemero, pero kailangan ko talagang malaman. "Ahhh baka si Jonas iyon, nagrerenta din dito, roommate ni Jake." sagot naman nito, bahagya akong nakahinga nang maluman sa nalaman ko, muli ay nagpaalam ako dito at bumalik na ako sa kotse. Sa totoo lang ay nagtataka ako kung bakit ba kailangan kong malaman kung sino ang taong iyon sa buhay ni Jake gayong wala naman kinalaman iyon sa kagustuhan kong makipagkaibigan dito. Naisip ko na lang na gusto ko lang makasiguradong ligtas si Jake. Gaya ng sinabi ni Aling Helen kanina, ay dumiretso naman ako sa Mcdonalds sa SM North, kung tama ang pagkakatanda ko ay isa lang ang Mcdonalds sa naturang mall at iyon nga ay sa main. Matapos magpark ay agad ko nang tinunton ang naturang store. Lunch time na nang tignan ko ang wristwatch ko, madami dami na ding tao sa loob, mabuti na lang at may bakante pa akong puwesto na nakita na aga kong inukupa. Sandali kong inikot ang mga mata ko sa loob, may hinahanap kasi ako hanggang sa wakas ay makita ko ang taong gusto kong makita. Nakasuot ito ng puting polo shirt at itim na sapatos, iyon marahil ang uniform nito. I must say bagay dito ang suot nito. Ilang sandali nga lang ay nagtama ang mga mata namin, naramdaman siguro nito na may nakatingin dito. Bigla naman ang pamimilog ng mga mata nito nang marealized kung sino ang kanina pa tumitingin sa kanya. -=Jake's Point of View=- Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko sa unang araw ko sa trabaho. Kasi naman hindi ko maiwasang hindi maisip kung baka pumalpak ako, kailangan kailangan ko pa naman ang trabahong ito, pero agad kong binura iyon sa isip ko. Nagpalit lang kami ng uniform na binigay ng manager sa amin at matapos ngang magpalit ay agad na kaming kinausap ng mga datihan ng service crew sa store, agad kaming inassign kung saan posisyon ba kami madedestino at kung anong mga kailangan naming gawin. Naassign naman ako sa dining area kasama ang isang pang bago na mukhang hindi naman nalalayo sa edad ko. Hindi naman ako masyadong nahirapan, naglilinis lang naman ako usually ng mga mesa, tamang walis at tamang map lang, kapag mahaba haba naman ang pila sa counter ay kumukuha na din ako ng advance order. Sa totoo nga lang ay sobra kong naenjoy ang unang araw kong iyon sa trabaho, hanggang sa dumating na ang lunch break, dagsa ang mga tao para sa kanilang lunch break. Doon ko naman naexperience magkanda ugaga sa trabaho. "Jake, pakibigay naman sa customer tong order, number twenty to ha." tawag naman sa akin ni Jane na isa sa mga cashier. "Ok!" nakangiting sagot ko dito, agad ko naman dinala ang order na sinabi nito. Si Ma'am Rose ang store manager namin, sinabi nito na puwede kaming mag out ng three pm dahil first day pa lang namin ngayon. Abala ako sa pakikinig kay Ma'am Rose, sinasabi kasi nito sa amin ang magiging schedule namin sa mga susunod na araw nang maramdaman kong para bang may nakatingin sa akin. Agad ko naman nilingon kung saan ko naramdaman kung saan may nakatingin sa akin. Bigla akong natigilan nang magtama ang mga mata namin, ilang minuto din ako nakipagtitigan dito hanggang sa kalabitin ako ni Sarah na kapareho kong trainee. Agad naman nagbago ang hilatsa ng mukha ko nang marealized ko na hindi pala dapat ako nagpapaapekto dito. Pinaningkitan ko pa ng mga mata ito. "Ma'am sandali lang po." ang paalam ko kay Ma'am Rose, dali dali naman akong lumapit sa puwesto nito. "Ano bang ginagawa mo dito?!" asar kong tanong dito, pabulong lang ang ginawa ko baka naman kasi isipin ng mga kasama ko na masama ang ugali ko. "Wow dito ka pala nagtatrabaho." kunwari ay gulat na gulat nitong sinabi, as if naman na hindi niya talaga alam iyon, nagpatuloy naman nito nang tinignan ko lang siya nang masama. "I'm just here to eat lunch." inosente nitong sagot, hindi ko maiwasang hindi sundan ang fries na hawak nito patungo sa mapupula nitong mga labi. "Sa kanya na talaga ang may pinakamapulang labi na nakita ko." sa loob loob ko, bigla akong natigilan sa naisip kong iyon, gusto ko nga sanang batukan ang sarili ko sa naisip kong iyon. "Gusto mo bang sabayan akong kumain?" alok nito, pinanlakihan ko lang siya ng mga mata sa inis ko dito. "No. At puwede bang umalis ka na pagkatapos mong kumain?" pinilit kong magpakahinahon, ngunit agad din iyong nawala nang umiling iling ito. "Nope! Hindi pa ako makakaalis dahil aayain kitang mamasyal." sagot nito na sinabayan pa ng nakakalokong ngiti. "Ano ba Arnold! Nagtatrabaho ako dito!" hindi ko napigilang magtaas ng boses sa sinabi nito, natawag tuloy noon ang atensyon ni Ma'am Rose at agad itong lumapit sa amin. "May problema ba dito Jake?" seryosong tanong nito sa akin. "Ahhh wala naman Ma'am, humihingi lang po siya ng ketchup." pagdadahilan ko naman dito, mabuti na lang at hindi na ito nagtagal at bumalik na ito sa puwesto nito. "Tignan mo, muntik na akong mapahamak dahil sayo, so please umalis ka na lang." pakiusap ko dito nang masigurado kong hindi na ko maririnig ng manager namin. "Aalis lang ako basta pumayag kang samahan akong mamasyal mamaya." pamblablackmail nito sa akin "Manigas ka." pabulong kong sinabi dito, sabay talikod dito. "Basta! Hihintayin kita hanggang sa paglabas mo ha." pahabol nito. Napapailing na lang ako sa ginawang pangungulit sa akin ni Arnold, pero minabuti kong huwag na lang itong pansinin. "Let us see kung sino sa atin ang unang susuko." sa loob loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD