-=Arnold's Point of View=-
Dalawang araw na ang nakakalipas nang huling usap namin ni Jake, pero hanggang ngayon ay ginugulo pa din ako nito. Siguro nga mas mabuti nang ganito, baka nga tuluyan nang mawala ang weird na nararamdaman ko.
Kahit nagdecide na akong huwag na itong lapitan ay hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na palihim itong pagmasdan, pinagmamasdan ko ito sa malayo. Sa pagmamasid kong iyon ay hindi ko pa nakita itong ngumiti kahit kailan at patuloy akong naapektuhan dahil doon.
"Damn it! Hindi ko na to kaya." sa loob loob ko, minabuti kong iwanan na muna ang mga kaibigan ko.
"Saan ka pupunta Arnold?!" pasigaw na tanong ni Larry na hindi ko na lang pinansin.
Sobra na akong nacoconfuse, malungkot ako dahil sa sitwasyon niya and at the same time nagagalit at naiinis ako sa kanya dahil sa pambabalewala niya sa pakikipagkaibigan sa akin.
"Fine! Kung ayaw niya ko sa buhay niya ay bahala na siya, wala na akong pakialam kung may mangyari pa sa kanyang masama." sigurado ko nang sinabi sa sarili ko.
Sandali lang naman ako lumayo, kaya naman nagdecide na akong bumalik sa mga kaibigan ko, sa mga kaibigan ko na talagang gusto akong makasama at hindi ako ipagtatabuyan.
Habang naglalakad pabalik ay may narinig akong tumatawag sa akin, kaya naman tumigil ako.
"Arnold!" nalaman kong si Mang Gener pala ang tumatawag, may hawak itong isang blue na paper bag, habang naglalakad palapit sa akin.
"Bakit po Mang Genery?" magalang na tanong ko naman dito, natutunan ko kay Mom na gumalang sa nakakatanda, na kahit na anong estado sa buhay ay dapat akong matutong gumalang.
"Naku saan ka ba nagsususo suot. Alam mo bang matagal na kitang hinahanap." sagot naman nito, nagtaka naman ako ng inabot nito ang hawak hawak na paper bag.
"Sorry Mang Gener, pero hindi po akin yan." pagtanggi ko naman, dahil hindi naman talaga akin iyon.
"Napulot ko kasi ito noong isang araw pa, tapos nang tignan ko ay nakita ko ang pangalan mo sa tag." paliwanag naman nito, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin iyon dito.
Agad ko naman binasa ang naturang card at tama nga ito nakasulat doon ang pangalan ko. Pinaghalong lungkot, saya ang puso ko ng tuluyan kong nabasa ang sulat nito.
Ayon sa nakasulat ay nagpapasalamat ito sa tulong ko dito, ayon pa din dito ay ngayon lang daw siya naging masaya ng ganito.
Para akong mabubulunan sa iba't ibang emosyon na nararamdaman ko nang mabasa ko iyon, kahit hindi nakalagay ang pangalan niya ay alam kong galing iyon kay Jake. Ngayon lang nangyari sa akin ang makaramdam ng iba't ibang emosyon at the same time, lalo na't hindi naman ako maemosyonal na tao, agad kong nilabanan ang sarili ko ng maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.
Matapos basahin ang card ay tinignan ko naman ang laman ng bag at agad tumambad sa akin ang isang maliit na cute na stuffed toy dog. Mabilis akong umalis sa lugar na iyon na isang tao lang ang nasa isip.
"Wait for me Jake." sa lob loob ko.
Sa nabasa ko at sa nalaman ko ay sigurado na akong gusto talaga akong maging kaibigan nito, and it gave me so much joy. Hindi ko lang alam ang dahilan niya kung bakit niya pinipigilan ang sarili, pero hindi na mahalaga iyon dahil sa nalaman ko.
Sinubukan ko siyang hanapin sa buong campus, ngunit ni anino nito ay hindi ko nakita, pasakay na sana ako ng bike ko nang madinig ko si coach.
"Saavedra! Where do you think you're going? May practice pa tayo at bawal ka nang magskip." paninita naman nito sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumaba sa bike ko. Disappointed ako dahil hindi ko natuloy ang paghahanap ko kay Jake, pero kahit ganoon ay hindi naman nabawasan ang saya sa dibdib ko lalo na't determinado na akong maging kaibigan ang isang Jake Angelo.
Intensed ang naging practice namin nang araw na iyon, ayaw magpakampante ni coach, kaya naman ginagawa nito ang lahat para maging handa kami sa mga susunod naming matches.
Tumagal ang practice namin na iyon, inabot kami ng hanggang ten pm, gusto ko sanang puntahan si Jake ngayon, pero naisip ko naman na baka tulog na ito at ayoko naman istobohin pa ito, mahirap na baka mas lalo itong maasar sa akin.
Mahirap man ay dumiretso na ako pauwi sa condo unit ko, naligo na muna ako, at nagtoothbrush at matapos nga noon ay agad na akong humiga.
Kahit pagod mula sa intense practiced namin ay hindi agad ako dinalaw ng antok, naglalakbay kasi ang isipan ko ng mga oras na iyon.
Muli ay tinignan ko ang stuffed toy na galing kay Jake, muli ay nanilay ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako makapaniwala na ang isang simpleng bagay ay makakapagdulot sa akin ng labis na kaligayahan. Balewala ang mamahalin kong gamit kumpara sa nararamdaman ko sa binigay ni Jake.
"Priceless." ang tanging salita na naiisip ko habang nakatingin dito, and with that in mind ay tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako kinabukasan na pagod and at the same time happy and inspired, na para bang kahit saan ako tumingin ay puro magaganda lang ang makikita ko. No bad vibes.
Only good things.
Matapos mag-ayos ng sarili ay agad akong sumakay sa bike ko at dumiretso sa school, agad ko naman nakita ang mga kaibigan ko, kasama ni Louie ang isang magandang babae, but I'm pretty sure hindi niya iyon girlfriend dahil wala naman itong sineseryoso.
"Finally dumating na si Superman." birong bati sa akin ni Louie pagkababang pagkababa ko.
"Superman?" nakakunot noong tanong ko dito, nakipagfist bump ako sa mga barkada ko.
"Dude, hindi mo pa ba narinig? Ikaw ang pinag-uusapan ng lahat. Well ikaw naman talaga ang pinakahot topic sa university, but this time it's different, you're a hero dahil sa ginawa mo." natatawa naman sagot ni Ken, mas close naman ito kay Louie.
"Uhmmm... dapat ba akong mailang o dapat ko bang ikatuwa iyon?" confused kong tanong sa mga ito. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
"Dude of course it is a good thing, imagine ikaw lang pala ang makakapagpatanggal kay Professor Castro, I mean the guy is a creep." tila kinikilabutan nitong paliwanag, naalala ko nga pala na sinabi nitong nahuhuli nitong si Professor Castro na malagkit ang tingin dito.
"Ok sabi mo eh." nakangiti ko na lang na tugon dito, napansin ko naman ang pananahimik ni Larry, nagtaka ako dahil isa pa naman ito sa pinakamagulo sa grupo, pero pinagkibit balikat ko na lang ang napansin kong iyon.
"Maaga pa naman, why don't we grab something to eat first?" aya naman ni Louie sa grupo.
"Sorry guys pass muna ko, may kailangan kasi akong asikasuhin." sagot ko naman dito, hinintay ko munang umalis ang mga ito, hindi ko na masyadong pinansin ang masamang tingin sa akin ni Larry.
Nakita ko kasi si Jake, kaya naman agad kong sinundan ang pinuntahan nito at iyon ay ang una nitong klase, hindi naging madali ang pahahabol kong iyon, dahil halos ng mga nakakasalubong ko ay binabati ako na para bang isa akong celebrity, kung noon ay ayos lang sa akin iyon ay iba naman ang naging epekto nito sa akin.
Sakto naman na may pinuntahan pa ito, sakto din na walang masyadong tao sa parteng iyon ng building.
"Jake wait!" tawag ko dito, bigla naman ang pagguhit ng galit sa mukha nito. Mabuti na lang at hindi ito umalis.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na sayong ayaw na kitang makita. Ayaw kitang makausap at lalong lalo na ayaw kitang maging kaibigan!" hinihingal pa ito nang matapos nito ang litanya nito.
Nagulat naman ito na imbes na maapektuhan ay isang malapad na ngiti ang nanilay sa mga labi ko.
"Gusto lang naman kitang pasalamatan sa regalo mo." sinabi ko dito, mukha naman hindi nito naintindihan ang sinabi ko kaya pinakita ko sa kanya ang stuffed toy sa bag ko.
Nakita ko ang recognition sa mga mata nito habang nakatingin sa hawak kong laruan, ngunit agad nito iyong tinago.
"Tigilan mo nga ako Arnold, hindi ko alam ang pinagsasabi mo, hindi akin iyan at bakit naman kita bibigyan ng laruan?" pagpapatuloy nito.
"Alam ko naman na galing sayo ang regalong ito at alam ko din na gusto mo talaga akong maging kaibigan." mas lalong lumapad ang ngiti ko habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Wala akong pakialam sa gusto mong paniwalaan, ang alam ko lang ay gusto kong mawala ka na sa buhay ko." seryoso nitong sinabi sabay talikod sa akin.
"Whatever happened, magiging kaibigan mo ang isang Arnold Saavedra, I'm going to stick to you like an annoying bubble gum." pasigaw kong sinabi dito.
"And one more thing! I really like your gift." pahabol ko dito.
Hindi naman ako makapaniwala na nagawa kong isigaw ang bagay na iyon, but I must admit it felt good, at least alam na niyang hindi ko siya titigilan hanggang pumayag na siyang maging kaibigan ko.
I was about to leave nang matigilan ako nang makita ko ang natutulalang kaklase ni Jake ito iyong babae na sobra sa make up.
"Hi Arnold! Ako puwede mo akong maging friend." umaasa nitong sinabi, mukhang narinig nito ang lahat ng sinabi ko kay Jake.
Isang makalaglag na ngiti ang naging tugon ko dito, and saw her hyperventilating ng dahil lang sa ngiti kong iyon.
Dumiretso naman ako sa una kong klase at sa unang pagkakataon ay nagparticipate ako sa class discussion, usually kasi ay nag googoof off lang ako.
Kahit sa practice game ay mas ganado ako, kumpara dati. Kita ko naman ang approval kay coach, halatang satisfied ito sa performance ko, ibang iba sa reaction ni Mike.
Maaga naman natapos ang basketball practice namin, sakto naman na naabutan ko si Jake na palabas ng architecture building.
"Goodbye Jake!" pasigaw kong tawag dito, agad naman itong napatingin sa akin, ngunit nang malaman na ako ang tumawag dito ay nagmamadali itong naglakad palayo.
Hindi ko na napansin ang kakaibang tingin sa akin ni Larry na nakasunod pala sa akin, masyado kasing occupied ang isip ko.