CHAPTER EIGHT: Don't Want to Be Your Friend

1134 Words
-=Arnold's Point of View=- Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa pagtrato nito sa akin, minamasdan ko ito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. Ang buong akala ko pa naman ay magiging magkaibigan na kami, because I really do want to be his friend. "Damnt it! Makaalis na nga lang." frustrated kong naibulalas, napasabunot pa ko sa buhok ko. Agad naman akong dumiretso sa parking lot at sumakay sa bike ko, hindi ko talaga kung saan ko ba gustong pumunta, namalayan ko na lang na sa bahay namin sa San Juan ako dinala ng bike ko. Imbes na gamitin ang susi ko ay pinili kong i ring ang buzzer sa bahay namin, ilang sandali nga lang ay binuksan na ni Yaya Lydia ang pinto, kita ko naman ang kasiyahan sa reaksyon nito. Si Yaya Lydia ang naging yaya ko simula nang baby pa lang ako, she dedicated her life taking care of me. "Hi Yaya! Nandiyan po ba si Mommy?" tanong ko dito matapos ko itong yakapin, para na din kasing second Mom ko ito. "Nasa kusina, naramdaman siguro na uuwi ka ngayon kaya ayun nagluto." sagot naman nito, inabot na din nito ang dala kong backpack at sabay na kaming pumasok. Naabutan ko si Mommy sa kusina na abala sa pagluluto ng lasagna, nakasuot pa ito ng blue apron. "Hello sa pinakamagandang Mom sa buong mundo, what's up?" bungad ko dito, with my most dashing smile. "What's up what's up ka diyan. Ano naman ginagawa mo dito ngayon?" tanong naman nito na nanatiling tutok sa niluluto. "Wala lang namiss lang kita ng sobra." paglalambing ko sabay yakap mula sa likod nito. "Sus para namang totoo. let me guess may nangyari na namang masama no? Kaya ka lang naman umuuwi dito kapag badtrip ka." sinabi naman nito, finally ay tinignan ako nito. Mukhang wala talaga akong maitatago sa Mommy ko, tama kasi ito, sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa akin or badtrip ako ay umuuwi ako sa bahay namin. "Mamaya-maya pa maluluto ito, kung gusto mo may lech flan sa ref." sabi nito sabay nguso sa ref. Comfort food ko talaga ang leche flan, kayang kaya ko ngang makaubos ng apat na leche flan sa isang upuan. Agad akong kumuha ng leche flan sa ref at matapos nga noon ay binalikan ko si Mom. "So tell me, what happened?" nakatingin nitong tanong matapos iset ang timer ng over. "Well... there is this one person na niligtas mo, at umasa kang magiging kaibigan mo siya, pero for some reason ay ayaw ka niyang maging kaibigan. Ano ba ang dapat na gawin, should I just let it go?" tanong ko dito habang sunod sunod ako sa pagsubo sa kinakain ko. "Baka naman kasi may nagawa kang masama sa kanya?" tila nanunuri nitong tanong sa akin, na para bang wala itong tiwala sa sariling anak. "Woah wait just a minute. First of all wala akong ginagawang masama, niligtas ko nga siya and this is the thanks I'm getting? And besides makapagtanong naman po kayo parang hindi ninyo ako anak." kunwaring nagtatampo kong sinabi dito, na tinawanan lang naman nito. "Ok sabi mo eh, pero anuman ang dahilan, for sure may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ayaw makipagkaibigan sayo." trying to make sense in my situation. Napaisip naman ako sa sinabi nito, kung meron ba talagang dahilan kung bakit nagkaganoon si Jake ay kailangan ko iyong malaman. Hindi na din naman ako nagtagal sa bahay dahil nagdecide akong puntahan si Jake, hindi ko alam kung mas matindi ba ang kagustuhan kong makita ito o kung gusto kong malaman ang totoo. Kaya naman imbes na magdrive pauwi sa condo unit ko ay minabuti kong dumiretso sa tinutuluyan nito. "Please Jake. Lumabas ka naman." piping dalangin ko, mukha naman malakas ako sa Taas nang makita ko siyang lumabas at umupo sa isang bakanteng silya sa labas. Sobrang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa kawalan, base sa kinikilos at itsura nito ay masasabi kong madami itong iniisip at pinoproblema. Kusa naman kumilos ang mga paa ko palapit sa tahimik na si Jake, mukhang malalim talaga ang iniisip nito dahil saka lang ako nito napansin ng tuluyan akong makatapat dito. "Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat nitong tanong. Para bang nalulon ko ang dila ko, dahil hindi ko magawang magsalita habang kaharap ito, kaya naman isang simpleng ngiti lang ang naitugon ko dito, habang hinihimas ang batok ko. Bigla naman ang pagbangon sa mga mata nito nang makarecover ito sa pagkagulat, mas lalo tuloy akong naintinmidate na ngayon lang nangyari sa akin. "Hindi ba sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita?!" galit nitong paninita sa akin na nagpamaang sa akin. "Uhmmmm kaya ako nandito ay dahil gusto kong maging kaibigan ka." nauutal ko naman na paliwanag dito. "Makinig ka Arnold! Never as in never na gugustuhin kong maging kaibigan ka, at kahit na anong gawin mo ay hindi na magbabago ang isip ko, tandaan mo iyon!" determinado nitong sinabi, hindi na ako nakapagreact nang agad na itong naglakad pabalik sa loob. Napapailing na lang ako sa kinikilos ni Jake, alam kong mahirap ang pinagdaanan nito, naisip ko nga bigla na baka nagpapaalala ng nangyari dito ang presensya ko. His words really hit me so hard, and again I can feel a pain building inside me, which I never felt before. I walked away from that place feeling like I lost a very important part of myself. -=Jake's Point of View=- Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng ilalim ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang papalayong si Arnold. Heaven knows, pero ayoko talagang saktan si Arnold, kung magiging tapat lang ako ay gustong gusto ko siyang maging kaibigan, pero alam ko naman na malabo nang mangyari iyon nang dahil sa nangyari. Ayoko na siyang mapahamak sa mga kamalasan na nangyayari sa buhay ko, ayoko nang maulit pa ang nangyari dito ng dahil lang sa pagtulong nito sa akin at pakikipag associate nito sa isang tulad ko. "Marahil nga tama ka Nay, baka nga salot ako, baka nga dapat hindi na ko pinanganak pa." kausap ko sa nag-iisang larawan ko ni Nanay.  Naiintindihan ko na ang lahat, lahat ng pinapahalagahan ko at minamahal ko ay napapahamak ng dahil sa akin, naiintindihan ko na, na ang tulad ko ay walang karapatan na maging masaya. Kaya masakit man at mahirap man sa akin ay ginawa kong saktan ang nag-iisang taong nagparamdaman sa akin ng mabuti, ang nag-iisang taong kaya akong tanggapin na kaibigan kahit na nga ba isa akong talunan at basura. "Maraming salamat Arnold at kahit paano ay nakilala kita." sa loob loob ko, hanggang sa makatulog ako ay si Arnold pa din ang nasa isip ko, umaasa na lang ako na magiging masaya ito sa buhay, at hindi na ito mapapahamak pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD