-=Arnold' Point of View=-
I guess meddling in someone else's business have it's price to pay, pero kahit ganoon ay hinding hindi ako nagsisisi na iniligtas ko si Jake, at masipa man ako sa university na ito ay ok lang sa akin, madami pa namang school akong puwedeng mapasukan, hindi ko lang talaga mapapalagpas ang ginawang kahayupan ni Professor Castro kay Jake.
Kaya naman nandito ako ngayon sa office ni Chancellor Sy, naririnig kong madaming tao sa labas na curious kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa loob.
Agad naman dumako ang tingin ko kay sa demonyong si Castro, sobrang pagpipigil ang ginawa ko para matanggal ang palihim nitong pag-ismid sa akin, kailangan kong magtimpi bilang paggalang na din kay Chancellor.
Kitang-kita ko ang pasa at bugbog sa buong katawan nito na halatang pinapakita pa lalo para mas lalo akong mapahamak, pakiramdam ko nga kulang pa ang ginawa ko dito. Diretsong diretso itong nakaupo habang kinukuwento nito ang side ng story na ito na puro kasinungalingan.
"I don't know what has gotten into this boy sir, tahimik lang naman ako, papunta na sana ako sa kotse ko nang lapitan ako nito at basta na lang akong binugbog. I mean wala naman akong ginagawang masama at wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako sinaktan." painosente nitong pagkukuwento, para itong santo habang kaharap si Chancellor.
Napapailing na napabuga lang ako ng hangin sa mga kasinungalingan na pinagsasabi nito, at muli ay sobrang pagpipigil ang kinailangan ko para hindi muli ito banatan.
"The nerve!" sa loob loob ko habang nakikinig dito.
Tahimik lang na nakikinig si Chancellor sa kuwento nito, masasabi kong talagang tinatantiya nito ang magiging desisyon nito.
Minabuti kong ituon ang atensyon ko sa paligid imbes na pakinggan ang demonyong ito, maliban sa aming tatlo ay may dalawa pa kaming mga kasama.
Nasa loob din kasi si Jane na secretary ni Chancellor at si Ron na student president sa school, si Ron din ang tumatayo kong abogado sa admin hearing na iyon.
Sandaling nagkasalubong ang mga mata namin ni Ron at hindi ko mapigilang hindi mangiti nang magtama ang mga mata namin, kita ko ang pagpipigil nitong mangiti dahil gusto nitong iproject ang seryoso nitong itsura.
"Ok. Narinig ko na ang side ni Professor Castro, gusto ko naman marinig ang side mo Mr. Saavedra. Tell me a valid reason why did you beat Professor Castro." baling naman sa akin ni Chancellor.
Nanatili lang na pinid ang bibig ko sa tanong nito, wala akong pakialam sa kung ano man ang iniisip sa akin ng mga tao, ayokong may makaalam sa nangyari kay Jake, gusto ko siyang protektahan sa mga taong manghuhusga sa kanya, kapag lumabas ang katotohan.
Sobrang dami na nang nangyari kay Jake, hindi ko alam kung makakaya pa niya kung sakaling alipustahin siya ng iba, mas mabuting ako na lang ang maparusahan kaysa mas lalo siyang mapahamak.
Muli ay nakita ko ang lihim na pagngiti ni Professor Castro sa pananahimik ko, bigla tuloy akong natakot, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kapakanan ni Jake.
"Inuulit ko Mr. Saavedra, why did you assault Professor Castro?" muli nitong tanong sa akin habang matiim itong nakatingin sa mukha ko.
"He deserved it." ang tanging nasabi ko, kita ko naman ang disappointment sa mukha nito sa sinabi ko.
"Mr. Saavedra, kung hindi mo ko mabibigyan nang magandang dahilan kung bakit mo binugbog si Professor Castro ay wala akong magagawa kung hindi ang iexpel ka sa school." pagbabanta nito.
Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi nito, napapailing na lang ito habang nakatingin sa akin, napansin ko naman ang malademonyong ngiti ni Professor Castro na tila ba alam na nito ang mangyayari sa akin.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Chancellor Sy, mukhang nakapagdecide na din kasi ito.
"Sandali lang Chancellor Sy, let me talk to Arnold first." pakiusap ni Ron, agad naman itong lumapit sa akin nang makakuha ng approval kay chancellor.
Giniya naman ako ni Ron sa isang bakanteng cubicle sa loob ng opisina at masinsinan ako nitong kinausap.
"Bro, gusto mo ba talagang masipa sa school? Paano na ang mga pinaghirapan mo. Kailangan ka pa naman ng school. Laban niyo na bukas." pangungumbinsi nito sa akin.
"Hindi na mahalaga sa akin ang bagay na iyon, madami dami pa naman school akong puwedeng lipatan, and besides kaya naman ng team na manalo kahit wala ako." ang pagbibiro ko dito, pero hindi man lang ito natinag at seryoso pa din itong nakatingin sa kin.
"Seryosong bagay to Arnold, alam ko naman na hindi mo basta gagawin iyon ng walang mabigat na dahilan." pagpapatuloy nito.
Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi nito, alam ko naman na gusto talaga akong tuluyan nito.
"I really hope I can tell you the reason, pero meron akong kailangan protektahan." paliwang ko naman dito.
Wala na itong nagawa pa kaya naman bumalik na kami kela Chancellor Sy, naghihintay na lang kami ng desisyon ni Chancellor nang makarinig kami ng kaguluhan sa labas.
"Padaanin ninyo ako please!" maririnig sa labas ang boses na iyon, agad ko naman nakilala kung sino ang may ari ng boses na iyon.
"There is an ongoing admin hearing and no one is allowed to get in." narinig ko naman na sinabi ng isa pang lalaki.
"Kailangan kong makausap si Chancellor, kailangan niyang malaman ang totoong nangyari!" madidinig naman ang pagmamakaawa sa boses nito.
Hindi naman ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Jake, matapos itong hayaan makapasok, nang marinig kasi ni Chancellor ang sinabi nito ay pinag-utos itong papasukin. Kitang kita ko naman ang takot na pilit kinukubli nito habang nakatingin kay Jake.
"Who are you young man, and what do you mean when you said, that I need to know the truth?" diretsong tanong ni Chancellor dito.
"Ako po si Jake Angelo Sir, architecture student. isa po ako sa mga estudyante ni Professor Castro." pagpapakilala nito sa sarili.
"Ok, tell me how are you involve in this assault incident?" tanong nito.
"Ang...... ang dahilan po kung bakit nasaktan ni Arnold si Professor Castro ay dahill sa........ dahil sa..." ang hirap na hirap nitong pagpapatuloy, parang madudurog ang puso ko sa nakikita kong paghihirap ng loob nito.
Kitang-kita ko ang pagbabanta sa mga mata nit Professor Castro habang nakatingin kay Jake.
"Pinagsamantalahan ako ni Professor Castro, binaboy niya ako." pagbubulgar nito, kita ko ang takot and at the same time ay ang determinasyon sa mga mata nito.
"It's a lie! Nagsisinungaling ang batang iyan! Bakit ka ba nagsisinungaling?!" tuluyan nang nawala ang composure nito.
Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari ang buong atensyon ko kasi ay nakatuon lang kay Jake, nanginginig ito dala ng labis na trauma na pinadaanan nito sa kamay ni Professor Castro.
"We will have an investigation regarding this, kapag nakuha na ang lahat ng ebidensya ay saka lang ako magdedecide ng dapat gawin." matapos nga noon ay agad na kaming dinismiss ni nito.
Minabuti kong sundan sana si Jake, pero basta na lang itong umalis nang walang pasabi, sinubukan ko itong habulin, pero agad din itong nakawala sa paningin ko.
Pitong araw ang lumipas nang sa wakas ay magkaroon ng desisyon si Chancellor Sy. Agad na nadismissed si Professor Castro at agad hinuli nang mga pulis lalo na't lumabas na ang iba pang nabiktima nito.
"Congrats bro." ang nakangiti naman na salubong sa akin ni Ron.
"Maraming salamat talaga sa tulong." sagot ko naman dito, agad akong nagpaalam dito nang mapansin kong naglalakad palayo si Jake.
"Sandali lang Jake!" tawag ko dito, ngunit ni hindi man lang ito tumigil mas lalo pa nga nitong binilsan ang paglalakad.
Mas binilisan ko pa ang paghabol dito at agad kong pinigilan itong makalayo sa paghawak sa kamay nito.
Wala na itong nagawa kung hindi ang huminto, ngunit hindi pa din nito magawa akong tignan ng diretso.
"I... just want to say thank you for standing up for me." bahagyang hinihingal kong sinabi dito, hindi ko maiwasang hindi mahiya habang kumakamot sa batok ko.
"Walang anuman." malamig nitong sagot na pinagtaka ko.
"Ummmm, I just want to know..... kung puwede ba kitang maging kaibigan?" nahihiya ko pa ding tanong dito, inabot ko pa ang kamay ko dito.
Sa wakas ay tumingin din ito sa akin, ngunit hindi ko inaasahan ang reaksyon sa mukha nito.
"I'm sorry, Arnold, pero hindi ko matatanggap ang pakikipagkaibigan mo, mas mabuti pang huwag na nga tayong magpansinan pa." hindi ko mapaniwalaan na maririnig ko ito dito, matapos ang lahat ng nangyari.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ako nitong makita. Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang makaramdam ako ng sakit mula sa rejection na nakuha ko dito. Pinagmasdan ko na lang ito habang papalayo ito. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit humantong sa ganito ang lahat.